💞💗God says💞❤️
Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang upang paniwalaan ito ng tao; higit pa rito, para mahalin ito ng tao. Subalit marami sa mga yaon na naniniwala sa Diyos ang hindi kayang tuklasin ang “lihim” na ito. Hindi nangangahas ang mga tao na mahalin ang Diyos, 0 sumusubok na mahalin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos; hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat mahalin ng tao. Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Sa pagdanas lamang sa Kanyang gawain maaaring matuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, sa kanilang mga tunay na karanasan lamang maaari nilang pahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at kung hindi ito mapagmamasdan sa tunay na buhay, walang sinuman ang makatutuklas sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Napakaraming kaibig-ibig sa Diyos, ngunit kung walang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya, walang kakayahan ang mga tao na tuklasin ito. Na ang ibig sabihin, kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, hindi makakaya ng mga tao ang aktuwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktuwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin nila magagawang maranasan ang Kanyang gawain—at kaya’t ang kanilang pagmamahal sa Diyos ay mababahiran ng maraming kasinungalingan at likhang-isip. Ang pagmamahal sa Diyos sa langit ay hindi kasingtunay ng pagmamahal sa Diyos sa lupa, dahil ang kaalaman ng mga tao sa Diyos sa langit ay nabuo sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na sa kung ano ang nakita ng sarili nilang mga mata, at kung ano ang kanilang naging personal na naranasan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, nagagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktuwal na mga gawa at ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at nakikita nila ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay ilang libong ulit na higit na totoo kaysa sa kabatiran sa Diyos sa langit. Gaano man kamahal ng mga tao ang Diyos sa langit, walang anumang tunay sa pag-ibig na ito, at puno ito ng mga kaisipan ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pagmamahal para sa Diyos sa lupa, ang pagmamahal na ito ay tunay; kahit ito ay kakaunti lamang, ito ay tunay pa rin. Iniaatas ng Diyos sa tao na kilalanin Siya sa pamamagitan ng tunay na gawain, at sa pamamagitan ng kaalamang ito, nakakamit Niya ang kanilang pagmamahal. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya namuhay kasama si Jesus, magiging imposible para sa kanya na sambahin si Jesus. Kaya, gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang magawa Niya ang tao na mahalin Siya, ang Diyos ay dumating sa mga tao at namumuhay kasama ng tao, at ang lahat ng Kanyang ginagawa na makita at maranasan ng tao ay ang realidad ng Diyos.
🥰😍Gagawin ng Diyos ang Lahat ng mga Relihiyon Maging Isa sa mga Huling Araw
📖Sinasabi ng Biblia, “At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor” (Juan 10:16).
🍁🍁+*+—— 🍁🍁+*+—— 🍁🍁+*+—— 🍁🍁+*+—— 🍁🍁+*+🍁
📕📕📕Sabi ng Makapanyarihang Diyos, Kapag lalong tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos, lalo silang naliliwanagan, at lalo silang nagugutom at nauuhaw sa pagsisikap na makilala nila ang Diyos. Tanging ang mga yaong tumatanggap sa mga salita ng Diyos ang may kakayahang magkaroon ng mas mayaman at mas malalim na mga karanasan, at sila lamang yaong ang mga buhay ay maaaring patuloy na lumago na tulad ng mga bulaklak ng linga. Lahat ng naghahangad ng buhay ay dapat itong ituring bilang kanilang full-time na trabaho; dapat nilang maramdaman na “kung walang Diyos, hindi ako mabubuhay; kung walang Diyos, wala akong magagawa; kung walang Diyos, lahat ng bagay ay hungkag.” Kaya, dapat din silang magdesisyon na “kung wala ang presensya ng Banal na Espiritu, wala akong gagawin, at kung walang epekto ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, wala akong interes na gawin ang anumang bagay.” Huwag kayong magpakasasa sa inyong mga sarili. Ang mga karanasan sa buhay ay nagmumula sa kaliwanagan at paggabay ng Diyos, at ang mga ito ang nagpapalinaw sa inyong mga pansariling pagsusumikap. Ang dapat ninyong hingiin sa inyong sarili ay ito: “Pagdating sa karanasan sa buhay, hindi ako dapat maging maluwag sa sarili ko.”
FIFTH TRUMPET SOUND📯
July 27, 2023
- Jan 17 Fri 2025 08:11
🔥𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐃𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐀𝐥𝐦𝐢𝐠𝐡𝐭𝐲 𝐆𝐨𝐝 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭𝐛𝐨𝐫𝐧 𝐒𝐨𝐧 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐢𝐥𝐥𝐞𝐧𝐧𝐢𝐚𝐥 𝐊𝐢𝐧𝐠𝐝𝐨𝐦:⋯/🥹😢Sabi ng Makapangyarihang Diyos,📖🕊️/Tuhan Yang Mahakuasa berfirman:/全能神經典話語《信神怎樣進入真理
🔥𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐃𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐀𝐥𝐦𝐢𝐠𝐡𝐭𝐲 𝐆𝐨𝐝 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭𝐛𝐨𝐫𝐧 𝐒𝐨𝐧 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐢𝐥𝐥𝐞𝐧𝐧𝐢𝐚𝐥 𝐊𝐢𝐧𝐠𝐝𝐨𝐦:
GOD HAS COME!🔥
"Pinal na Hantungan ng Tao"
Hantungan 1️⃣
Destination 2️⃣
Everyone is anxious when they hear that the end of the world is near. In their minds, it is the destruction of everything in the world and the death of man in the flesh.
Shaloom dan selamat pagi semuanya..🙋♂
Selamat beraktifitas,,,,
𝗗𝗮𝗶𝗹𝘆 𝗚𝗼𝗱'𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗱𝘀
🕊️🕊️✨𝙎𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞𝙝𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨, *“Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos nang patago. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwat walang sinuman ang nakaaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao sa panahong ito ay isang bagay na hindi posibleng mabatid ng kahit sino….Sa pagsapit ng bukang-liwayway, lingid sa napakaraming tao, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang pagdating ng sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay ang naghihintay nang gising, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat ng maraming taong ito, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa.”*
🕊📚 BASAHIN AT PAGNILAYAN
💞🕊Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: