Ang Misteryo ng Kaharian ng Diyos na Nakatago sa Panalangin ng Panginoon
Salamat sa Diyos! Bago simulan ang paksa ng linggong ito, pag-usapan natin ang isang isyu: Ano ba talaga ang kaharian ng langit? Alam ng lahat na ang "langit" ay madalas tumukoy sa selestiyal, sa Diyos. Kaya natural, ang kaharian ng langit ay tumutukoy sa kaharian ng Diyos, at naro’n ang kapangyarihan ng Diyos, ‘yon ang kaharian ni Cristo. Kung gayon nasa lupa ba ang kaharian ng Diyos, o nasa langit? Tingnan muna natin kung ano ang sabi sa panalangin ng Panginoon. "Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa" Hindi ba malinaw ang mga salita ng Panginoong Jesus? Sabi ng Panginoon ipagdasal nating bumaba sa lupa ang kaharian ng Diyos, para maisagawa sa lupa ang Kanyang kalooban. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na itatatag sa langit ang kaharian ng Diyos, at lalong hindi Niya sinabi na asahan at ipagdasal natin ang araw na madadala tayo sa langit. Kaya hindi ba taliwas sa mga salita ng Diyos at sa Kanyang kalooban ang umasa palagi na madala sa langit para makapasok sa kaharian ng Diyos?