close

Para sa Kalusugan Mo, Magpahinga ka ng Husto

Isang araw sa trabaho, isang katrabaho ko, si Ginoong Xia, ang bumagsak dahil sa myocardial infarction habang nagtatrabaho siya at itinakbo sa ospital. Nagkasakit siya sa labis na pagtatrabaho at muntik nang bawian ng buhay. Matapos makita iyon, nag-umpisa akong mag-alala na baka mangyari din iyon sa’kin. Tinanong ko ang sarili ko, "Talaga bang mas mahalaga ang pera kaysa sa buhay? Kung lumala ang kalusugan ko, ano pang silbi ng pagkakaroon ng pera?" Araw-araw, habang naglalakad pauwi pagkatapos ng trabaho, lumiliko ako depende kung saan mas magandang dumaan sa magkasangang-daan ng eskinita. Pero anong direksiyon ang pipiliin ko ngayong nasa magkasangang-daan na ako ng buhay? Sa kauna-unahang beses, nakaramdam ako ng lungkot, walang-magawa, at pagkalito. Pagod na ang isip at katawan ko. Ganito na lang ba ang magiging buong buhay ko?

Habang nakakaramdam ako ng pagkalito at kawalang-magawa, dumating sa’kin ang ebanghelyo ng Diyos. Binasa ko ang sipi ng salita ng Diyos: "'Pera ang nagpapaikot sa mundo' ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao. Maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran dahil ito ay ibinahagi sa lahat at ngayon ay nakatanim na sa kanilang puso. … Gaano man karaming karanasan mayroon ang isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na dulot nito sa puso ng isang tao? … Ang estado ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila bilang kanila ring pagiging kagalang-galang. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mga mayayaman sa kanilang mataas na estado. Nakatayo sila nang matuwid at mapagmataas, nagsasalita nang may kumpiyansa, at namumuhay nang may kahambugan. Ano ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba nakikita ng marami na ang pagkakaroon ng salapi ay karapat-dapat sa anumang halaga?"

Pagkatapos ay naintindihan ko ito: Ang "Pera ang nagpapatakbo sa mundo" at "Pera ang una" ay mga panuntunan sa buhay ni Satanas na sumira sa aking pananaw sa buhay at nilinlang ako upang maging layunin ko sa buhay ang maging mayaman. Sa ilalim ng impluwensiya ng mga ideya at pananaw na ito, naniwala ako na pinakamahalaga ang pera at maaari akong maging angat sa iba sa pamamagitan ng pera, gumawa ng pagbabago at maparangalan ang aking pamilya. Kaya naman, madalas akong magtagal sa trabaho at nagpagod ng husto para lamang kumita ng mas maraming pera at ni hindi ako nagpapahinga kahit na pagod at may sakit ako. Ginamit ng Diyos ang nangyari kay Ginoong Xia upang balaan ako na kahangalan ang isakripisyo ang kalusugan at buhay para lamang sa pera. Sinabi ng Panginoong Jesus: "Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?" (Mateo 16:26).

Naunawaan ito, hindi na ako ganoon kasigasig na habulin ang pera. Kalaunan, nag-umpisa akong dumalo sa mga pagpupulong sa simbahan, magbasa ng mga salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno bilang papuri sa Diyos, ginagawa iyong mahalagang bahagi ng aking buhay. Nakatanggap ako ng isang uri ng katiyakan at kapayapaan sa aking puso na hindi ko pa natikman noon. Sinubukan kong pakawalan ang pagnanasa ko sa yaman, at hindi gaanong binigyan ng halaga ang pagtatrabaho ng husto; tuwing weekend, nag-umpisa akong magpahinga. Kaya naman, kalaunan ay gumaling ako paunti-unti. Gayunman, nag-alangan akong muli nang marinig ko na nakakatanggap ang mga katrabaho ko ng mas malaking sahod sa pagtatrabaho ng sagad. Hindi ko alam kung anong pipiliin: Magtrabaho ng sagad para sa pera o magpahinga para sa kalusugan ko…
https://reurl.cc/74DWy

Para-sa-Kalusugan-Mo-Magpahinga-ka-ng-Husto.jpg

 

 

 

Ang kaginhawahan ay hindi maaaring magbigay ng sustansiya sa buhay, habang ang pagpipino sa paghihirap ay maaaring gawing maganda ang pamumukadkad ng buhay!
"Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso" (Kawikaan 17:3). Minsan ay nanirahan si Moises sa ilang. Sa gayong kapaligiran kung saan iniisip ng mga tao na walang makaliligtas, si Moses ay naninirahan doon sa loob ng 40 taon sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos. Dahil sa mahirap na buhay, natuto siyang magtiwala sa Diyos sa lahat ng bagay. Samakatuwid, siya ay may higit na dakilang pananampalataya sa Diyos. Nang makalabas siya sa ilang at tinanggap ang komisyon ng Diyos sa kanya, kahit na ang Dagat na Pula ay nasa harapan niya at ang mga hukbong Ehipsiyo ay nasa likuran niya, hindi pa rin natakot si Moises kundi umaasa sa Diyos na pangunahan ang mga Israelita mula sa Ehipto at tuparin ang komisyon na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Kung ngayon ikaw ay nakulong sa problema, mangyaring huwag magreklamo o mag-alala, o tumakas. Dahil ang proseso ng pagkakaroon ng mga kahirapan ay katulad ng proseso ng pagsipsip ng nutrisyon para sa paglago ng ating buhay. Inaasahan ng Diyos na matututo tayong manalangin at magtiwala sa Diyos sa mga paghihirap. Hangga't sinusunod natin ang patnubay ng Diyos at ginagawa ayon sa mga salita ng Diyos, papapatnubayan tayo ng Diyos, tulad ng pinangunahan ng Diyos si Moises, upang lumago sa mga paghihirap hanggang sa gumulang na tayo at maging mas malakas ang ating buhay. 
Kapag sinasabi ng Diyos, "Maaaring gawing perpekto ng Diyos ang tao sa parehong positibo at negatibong mga aspeto. Nakasalalay ito kung nagagawa mong makaranas, at sa kung hinahangad mo na gawing perpekto ng Diyos. Kung tunay mong hinahangad na gawing perpekto ng Diyos, kung gayon ang negatibo ay hindi ka magagawang maghirap sa kapinsalaan, ngunit makapagdadala sa iyo ng mga bagay na mas totoo, at lalo mong magagawang malaman kung ano ang kulang sa iyo, mas lalong magagawang makarating sa pagkaunawa sa iyong sariling mga kalagayan, at makita na ang tao ay walang taglay na anuman, at walang anuman; kung hindi mo mararanasan ang mga pagsubok, hindi mo alam, at palaging mararamdaman na ikaw ay nasa ibabaw ng iba at mas mahusay kaysa sa lahat. Sa lahat ng ito makikita mo na ang lahat ng dumating noong una ay ginawa ng Diyos at protektado ng Diyos. Ang pagpasok sa mga pagsubok ay iniiwan kang walang pag-ibig o pananampalataya, nagkukulang ka sa panalangin, at hindi nagagawang umawit ng mga himno—at, nang hindi ito namamalayan, sa kalagitnaan nito makararating ka sa pagkaalam sa iyong sarili. Ang Diyos ay maraming mga pamamaraan sa pag-perpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t-ibang mga bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga misteryo” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan—sa pamamagitan ng pagbubunyag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo—para maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal."

56119360_861357524196611_2359824395867783168_n.jpg

 

 

 

信心指什麼說的

經上說:「人非有信,就不能得神的喜悅;因為到神面前來的人必須信有神,且信他賞賜那尋求他的人。」 (希伯來書11:6)從這節經文中看到信心對我們每個跟隨神的人來說很重要性,我們只有對神有真實的信才能得到神的喜悅,獲得神的稱許,蒙神祝福。

想到聖經中記載的挪亞造方舟的故事,當神呼召並告訴挪亞要用洪水毀滅世界,吩咐挪亞去造方舟時,在沒有見過方舟不知該如何造方舟的事上,挪亞沒有問,沒有懷疑,沒有活在各種各樣的難處中。即使在不完全明白神的心意時,他沒有活在自己的觀念想像中,只是一味堅持對神真實的信,只管聽從、順服神的擺布安排,將方舟造好,最終挪亞獲得了神的祝福,剩存下來。從中看到具備真實的信心太重要了。作為一個信神跟隨神的人,無論神怎麼作、怎麼說,無論應不應驗,都不懷疑,都能相信神的主宰、命定、安排,能顺服神的一切作工任神擺佈安排,沒有自己的選擇與自己的要求,堅信神作的都是好的,神怎麼作永遠都不會錯。

「在人的肉眼看不見的事上需要人的信心;在你放不下觀念的時候需要你的信心;在你對神的工作不明白的時候需要你的信心,需要你站住這個立場,站住這個見證。……你對神失望,那你還怎麼經歷神呢?所以說你有信心了,對神不疑惑了,不論神怎麼作,對神都有真實的信,在經歷中他才開啟光照你,你才能看見他的作為……信心指什麼說的?就是當人看不見、摸不著,神的作工不符合人的觀念,人達不到時,人所該具備的真實的信,人所該有的真誠的心,這就是我所說的信心。」

55807350_1990228984433622_6195205847321149440_n.jpg

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()