🌍🏜AUGUST 14TH 2021🌄🌏
📖📕"Umiiral ba ang trinidad"?🙎‍♂️🤴👸

🍀alamin po natin mga kapatid sa pamamagitan ng pagbasa ng ebanghelyo ng diyos 📕📗📘👇👇👇
■bago ang lahat magpasalamat po muna tayo sa ating makapangyarihang diyos sa lahat ng mga bagay at mga biyayang pinagkakaloob niya sa atin at sa paggabay niya sa atin sa bawat oras ng ating pamumuhay dito sa mundong kanyang nilikha,"in the name of our Almighty God, AMEN"🙏💖💖💖
🌹🌹🌹GOOD MORNING AND HAVE A GREAT DAY WEEKEND TO ALL BROTHERS AND SISTERS🍀🍀🍀

https://reurl.cc/MAEeeL

Ano-ang-isang-mananagumpay-at-paano-ginagawa-ng-Diyos-na-mananagumpay-ang-isang-tao-bago-dumating-ang-mga-sakuna.jpg

 

Ano ang isang mananagumpay at paano ginagawa ng Diyos na mananagumpay ang isang tao bago dumating ang mga sakuna

Abril 18, 2018

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).

“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama Niya’y isang daan at apatnapu’t apat na libong may pangalan Niya, at pangalan ng Kaniyang Ama, na nasusulat sa kani-kaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila’y nangag-aawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na hayop at ng matatanda: at sinuman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apatnapu’t apat na libo lamang, samakatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero. At sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:1–5). https://reurl.cc/MAEeeL

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at makakatayong saksi sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga lugmok sa kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga may angking pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas.

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dati Ko nang nasabi na natatamo mula sa Silangan ang isang pangkat ng mga mananagumpay, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin ng mga ito ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas, at lahat ng uri ng pagpipino. Hindi malabo at mahirap unawain, bagkus ay tunay ang paniniwala ng mga ganoong tao. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malalabong titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip, mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?

Hinango mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kinakailangan sa paniniwala sa Diyos ang pagsunod sa Kanya at pagdanas ng Kanyang gawain. Napakalaki ng nagawa ng Diyos—masasabi na para sa mga tao lahat ng ito ay pagpeperpekto, pagpipino, at bukod pa rito, pagkastigo. Wala pa ni isang hakbang ng gawain ng Diyos na nakaayon sa mga pagkaintindi ng tao; ang natamasa ng mga tao ay ang mababagsik na salita ng Diyos. Kapag pumarito ang Diyos, dapat matamasa ng mga tao ang Kanyang kamahalan at Kanyang poot. Gayunman, gaano man kabagsik ang Kanyang mga salita, pumarito Siya para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Bilang mga nilalang, dapat tuparin ng mga tao ang mga tungkuling dapat nilang tuparin, at tumayong saksi para sa Diyos sa gitna ng pagpipino. Sa bawat pagsubok dapat nilang panindigan ang pagpapatotoong dapat nilang gawin, at gawin iyon nang lubhang matunog para sa Diyos. Ang isang taong gumagawa nito ay isang mananagumpay. Paano ka man pinuhin ng Diyos, nananatili kang puno ng tiwala at hindi nawawalan ng tiwala sa Kanya. Ginagawa mo ang dapat gawin ng tao. Ito ang hinihiling ng Diyos sa tao, at dapat magawa ng puso ng tao na lubos na bumalik at bumaling sa Kanya sa bawat sandaling lumilipas. Ito ay isang mananagumpay. Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga “mananagumpay” ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang “mananagumpay.” Kung napakaganda ng iyong paghahangad kapag pinagpapala ka ng Diyos, ngunit umuurong ka kapag wala ang Kanyang mga pagpapala, kadalisayan ba ito? Yamang nakatitiyak ka na ang landas na ito ay totoo, kailangan mo itong sundan hanggang sa dulo; kailangan mong panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos. Yamang nakita mo na ang Diyos Mismo ay naparito sa lupa upang gawin kang perpekto, dapat mong ibigay nang lubusan ang iyong puso sa Kanya. Kung masusundan mo pa rin Siya anuman ang Kanyang gawin, magpasya man Siya ng isang hindi kaaya-ayang kahihinatnan para sa iyo sa pinakadulo, ito ay pagpapanatili ng iyong kadalisayan sa harap ng Diyos. Ang pag-aalay ng isang banal na espirituwal na katawan at isang dalisay na birhen sa Diyos ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng isang pusong taos sa harap ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang katapatan ay kadalisayan, at ang kakayahang maging taos sa Diyos ay pagpapanatili ng kadalisayan. Ito ang dapat mong isagawa. Kapag dapat kang manalangin, manalangin ka; kapag dapat kang makitipon sa pagbabahagi, gawin mo iyon; kapag dapat kang umawit ng mga himno, umawit ka ng mga himno; at kapag dapat mong talikdan ang laman, talikdan mo ang laman. Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka natataranta; kapag nahaharap ka sa mga pagsubok naninindigan ka. Ito ang katapatan sa Diyos.

Hinango mula sa “Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, may isang paraan na dapat makipagtulungan ang mga tao. Pinipino ng Diyos ang mga tao upang magkaroon sila ng pagtitiwala sa gitna ng mga pagpipino. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao upang magkaroon sila ng pagtitiwala na gawing perpekto ng Diyos at maging handang tanggapin ang Kanyang mga pagpipino at ang pakikitungo at pagtatabas ng Diyos. Gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa mga tao upang bigyan sila ng kaliwanagan at pagpapalinaw, at upang makipagtulungan sila sa Kanya at magsagawa. Ang Diyos ay hindi nagsasalita sa mga oras ng pagpipino. Hindi Niya ipinaparinig ang Kanyang tinig, ngunit mayroon pa ring gawaing dapat gawin ang mga tao. Dapat mong panindigan ang natamo mo na, dapat mo pa ring magawang manalangin sa Diyos, maging malapit sa Diyos, at tumayong saksi sa harap ng Diyos; sa ganitong paraan magagampanan mo ang iyong tungkulin. Dapat makita ninyong lahat nang malinaw mula sa gawain ng Diyos na kinakailangan sa Kanyang mga pagsubok sa tiwala at pagmamahal ng mga tao na lalo pa silang manalangin sa Diyos, at na mas madalas nilang lasapin ang mga salita ng Diyos sa Kanyang harapan. Kung nililiwanagan ka ng Diyos at ipinauunawa sa iyo ang Kanyang kalooban, subalit hindi mo isinasagawa ang anuman dito, wala kang mapapala. Kapag isinasagawa mo ang mga salita ng Diyos, dapat ay magawa mo pa ring manalangin sa Kanya, at kapag nilalasap mo ang Kanyang mga salita dapat kang humarap sa Kanya at maghangad at maging buo ang iyong tiwala sa Kanya, nang walang bahid ng pananamlay o panlalamig. Yaong mga hindi nagsasagawa ng mga salita ng Diyos ay masiglang-masigla sa mga oras ng pagtitipon, ngunit nagdidilim ang mundo pagkauwi nila. Mayroong ilan na ni ayaw magtipun-tipon. Kaya, kailangan mong makita nang malinaw kung anong tungkulin ang dapat tuparin ng mga tao. Maaaring hindi mo alam kung ano talaga ang kalooban ng Diyos, ngunit maaari mong gampanan ang iyong tungkulin, maaari kang manalangin kung kailan nararapat, maaari mong isagawa ang katotohanan kung kailan nararapat, at maaari mong gawin ang nararapat gawin ng mga tao. Maaari mong panindigan ang iyong orihinal na pananaw. Sa ganitong paraan, mas magagawa mong tanggapin ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos. Kapag tago ang paraan ng paggawa ng Diyos, problema iyan kung hindi ka maghahanap. Kapag Siya ay nagsasalita at nangangaral sa oras ng mga pagpupulong, masigasig kang nakikinig, ngunit kapag hindi Siya nagsasalita, wala kang sigla at umuurong ka. Anong klaseng tao ang kumikilos nang ganito? Ito ay isang taong sumusunod lamang sa karamihan. Wala silang paninindigan, walang patotoo, at walang pananaw! Ganito ang karamihan sa mga tao. Kung magpapatuloy ka sa gayong paraan, balang araw kapag nagkaroon ka ng matinding pagsubok, babagsak ka sa kaparusahan. Ang pagkakaroon ng paninindigan ay napakahalaga sa proseso ng pagperpekto ng Diyos sa mga tao. Kung wala kang duda sa anumang hakbang ng gawain ng Diyos, kung ginagampanan mo ang tungkulin ng tao, kung tapat mong pinaninindigan ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos, ibig sabihin, natatandaan mo ang mga payo ng Diyos, at anuman ang Kanyang gawin sa kasalukuyan ay hindi mo kinalilimutan ang Kanyang mga payo, kung wala kang duda tungkol sa Kanyang gawain, nananatili kang naninindigan, pinaninindigan mo ang iyong patotoo, at tagumpay ka sa lahat ng pagkakataon, sa bandang huli ay gagawin kang perpekto ng Diyos at gagawin kang isang mananagumpay. Kung nagagawa mong manindigan sa bawat hakbang ng mga pagsubok ng Diyos, at kung kaya mo pa ring manindigan hanggang sa pinakahuli, ikaw ay isang mananagumpay, isa kang taong nagawa nang perpekto ng Diyos. https://reurl.cc/MAEeeL

Hinango mula sa “Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. Halimbawa, kung ikaw ay may pagkiling tungo sa iyong mga kapatid, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay maaaring hindi ikatuwa ng Diyos—ngunit kung hindi mo sasabihin ang mga ito, makararamdam ka ng paghihirap sa kalooban mo, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang paglalaban sa kalooban mo: “Magsasalita ba ako o hindi?” Ito ang paglalaban. Kaya, sa lahat ng bagay na makatagpo mo ay may labanan, at kapag may labanan sa iyong kalooban, dahil sa iyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa, gumagawa ang Diyos sa iyong kalooban. Sa huli, nagagawa mong isantabi sa kalooban mo ang pangyayari at ang galit ay likas na nawawala. Ganito ang epekto ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ng mga taong magbayad ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi man lamang sila kalapitan sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at nagbubuga lamang sila ng mga hungkag na kasabihan! Mabibigyang-kasiyahan ba ng mga hungkag na kasabihang ito ang Diyos? Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Bagama’t maaaring hindi mukhang mahalaga ang mga ito sa panlabas, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, ipinakikita ng mga ito kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, makakapanindigan ka sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pag-ibig sa Kanya, ipinapakita nito na ikaw ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Ang lahat ng bagay na nangyayari sa mga tao ay nangyayari kapag kailangan sila ng Diyos na manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Bagama’t walang malaking nangyayari sa iyo sa sandaling ito at hindi ka lubos na nagpapatotoo, ang bawat detalye ng iyong pang-araw-araw na buhay ay isang patotoo sa Diyos. Kung makakamit mo ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi mananampalataya, at humanga sa lahat ng iyong ginagawa, at makitang ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, nakapagpatotoo ka na. Kahit wala kang kabatiran at mababa ang iyong kakayahan, sa pamamagitan ng pagperpekto sa iyo ng Diyos, nagagawa mong bigyan Siya ng kasiyahan at isaisip ang Kanyang kalooban, na ipinapakita sa iba ang dakilang gawaing nagawa Niya sa mga tao na may pinakamababang kakayahan. Kapag nakikilala ng mga tao ang Diyos at nagiging mga mananagumpay sila sa harap ni Satanas, na lubhang matapat sa Diyos, wala nang iba pang mas may lakas kaysa sa grupong ito ng mga tao, at ito ang pinakadakilang patotoo. Bagama’t hindi mo kayang gumawa ng dakilang gawain, kaya mong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi maisantabi ng iba ang kanilang mga kuru-kuro, ngunit kaya mo; hindi kaya ng iba na magpatotoo sa Diyos sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, ngunit nagagamit mo ang iyong aktwal na katayuan at mga pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at magbigay ng maugong na patotoo sa Kanya. Ito lamang ang mabibilang na aktwal na pagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ito kayang gawin, hindi ka nagpapatotoo sa mga miyembro ng iyong pamilya, sa iyong mga kapatid, o sa harap ng mga tao sa mundo. Kung hindi mo kayang magpatotoo sa harap ni Satanas, tatawanan ka ni Satanas, ituturing ka nito bilang isang katatawanan, bilang isang laruan, madalas ka nitong lilinlangin, at gagawin kang baliw. Sa hinaharap, maaaring dumating sa iyo ang malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, anuman ang mangyari sa iyo, nagagawa mong panindigan ang iyong pagpapatotoo, at nagagawa mong bigyang-kasiyahan ang Diyos, pagiginhawahin ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari lamang ninyong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa mga kalagayan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawain at dapat kayong tumuon sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at magpahayag ng matibay at maugong na pagpapatotoo na nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Bagama’t mananatili ang iyong laman na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid ka ng kasiyahan sa Diyos at nagdala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magbubukas ang Diyos ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, babagsak ang iba, ngunit makatatayo ka nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, iingatan ka ng Diyos upang matatag kang makatayo at hindi bumagsak. Kung sa karaniwan ay naisasagawa mo ang katotohanan at nabibigyang-kasiyahan ang Diyos nang may pusong tunay na nagmamahal sa Kanya, tiyak na iingatan ka ng Diyos sa mga pagsubok sa hinaharap. Bagama’t hangal ka at mababa ang katayuan at mahina ang kakayahan, hindi kikiling ang Diyos laban sa iyo. Batay ito sa kung ang iyong mga layunin ay tama. Ngayon, nabibigyang-kasiyahan mo ang Diyos, kung saan maasikaso ka sa pinakamaliliit na detalye, pinalulugod mo ang Diyos sa lahat ng bagay, mayroon kang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang tunay mong puso sa Diyos, at bagama’t may ilang bagay na hindi mo maunawaan, kaya mong humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga intensyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at ginagawa mo ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Marahil ay iiwan ka ng lahat ng iyong kapatid, ngunit palulugurin ng puso mo ang Diyos, at hindi mo pagnanasaan ang mga kasiyahan ng laman. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, iingatan ka pagdating sa iyo ng malalaking pagsubok.

Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay magiging imposible para sa iyo na ikaila ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging lalong mas malapit, at lalong mas normal, at ang iyong pakikipagniig sa Diyos ay magiging lalong mas madalas. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Magkakaroon din ng higit pang mas maraming pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw na ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, nguni’t magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at iaalay nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at magiging pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas na ng pagpipino ay matatag, hindi mahina. Kailan man o paano ka man isinasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong ilatag ang iyong mga pag-aalala tungkol sa kung mabubuhay o mamamatay ka, isantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang tiisin ang anuman para sa Diyos—at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at ang iyong pananampalataya ay magiging totoo. Sa gayon ka lamang magiging isang tunay na iniibig ng Diyos, at isang tunay na nagawang perpekto na ng Diyos.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bilang mga mananampalataya sa Diyos, dapat pasalamatan ng bawat isa sa inyo kung paano ninyo tunay na natamo ang sukdulang pagdadakila at pagliligtas sa pamamagitan ng pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at sa gawain ng Kanyang plano na ginagawa Niya sa iyo ngayon. Nagawa ng Diyos na nag-iisang tuon ng Kanyang gawain ang grupong ito ng mga tao sa buong sansinukob. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo sa Kanyang puso para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad. Bukod pa rito, inilipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang mga taong Kanyang hinirang, sa inyo, at lubos Niyang ipamamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ng grupong ito. Samakatuwid, kayo ang mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa rito, kayo ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan nito. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay na nakapulupot. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-aapi, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, dahil dito. Dahil ito ay sinimulan sa isang lupain na kumokontra sa Diyos, lahat ng gawain ng Diyos ay nahaharap sa malalaking balakid, at matagal isakatuparan ang marami sa Kanyang mga salita; sa gayon, ang mga tao ay pinipino dahil sa mga salita ng Diyos, na bahagi rin ng pagdurusa. Napakahirap para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon—ngunit sa pamamagitan ng paghihirap na ito ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, na nagpapamalas ng Kanyang karunungan at kamangha-manghang mga gawa, at ginagamit ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, at sa pamamagitan ng lahat ng napakasamang disposisyon ng mga tao ng maruming lupaing ito ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig, upang, mula rito, magkamit Siya ng kaluwalhatian, at makamit Niya yaong mga magpapatotoo sa Kanyang mga gawa. Ganyan ang buong kabuluhan ng lahat ng sakripisyong nagawa ng Diyos para sa grupong ito ng mga tao.

Hinango mula sa “Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa mga tao Ko na nasa kaharian ng ngayon, sino sa inyo ang hindi tao sa lahat ng tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag ibinalita sa maraming tao ang Aking bagong panimula, paano tutugon ang sangkatauhan? Nakita na ng sarili ninyong mga mata ang kalagayan ng sangkatauhan; sigurado bang hindi na kayo umaasa pang magtiis sa mundong ito magpakailanman? Naglalakad Ako ngayon sa piling ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa piling nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, siguradong mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, siguradong gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahanap sa Akin, siguradong makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang talikuran ang kanilang sarili, siguradong papasok sila sa Aking nasasakupan at magmamana ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga gumugugol para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga kasiyahan ang mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; siguradong magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, siguradong magkakaroon sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking bahay, at walang maikukumpara sa kanila. Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob. https://reurl.cc/MAEeeL

Hinango mula sa “Kabanata 19” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

72955223_1281465625372792_681124488217100288_n.jpg

 


基督徒的經歷見證《一場大火過後》
https://reurl.cc/gW5d0R

mqdefault (37).jpg

教會生活見證視頻,為你講述基督徒經歷全能神話語的審判,明白真理認識神、敗壞性情得變化的見證,帶你找到真實悔改、得潔净進天國的路。如果你有任何問題想尋求,請通過以下方式與我們聯繫:
WhatsApp:
https://chat.whatsapp.com/JLxYhnVC253...
Messenger:https://bit.ly/2J4Fm1K
觀看更多教會生活見證視頻:
https://reurl.cc/Gm01oW
觀看更多福音見證電影:
https://reurl.cc/ZGxmAl
#福音歌曲 #敬拜歌曲 #道成肉身
福音歌曲《末世道成肉身主要是用話語來成全人》【歌詞字幕】

https://reurl.cc/eEYrWW
神話語詩歌(歌詞版)- 見證神系列
https://reurl.cc/W39nDD
基督教會詩歌《只有神才有生命的道》【歌詞字幕】
https://reurl.cc/0jN3EA
神話語詩歌(歌詞版)- 認識神系列
https://reurl.cc/VEV9LY
靈修詩歌《你因着信得的太多了》【歌詞字幕】
https://reurl.cc/7rxak5
神話語詩歌(歌詞版)- 經歷系列
https://reurl.cc/ogGj55
福音詩歌《棄絕末世基督將受到永久的懲罰》【歌詞字幕】
https://reurl.cc/lR617q
基督教會歌曲《我心再别無所求》【詩歌MV】
https://reurl.cc/9r8l7d
觀看更多贊美詩歌視頻:
https://reurl.cc/Q9QMRM
觀看更多教會生活詩歌視頻:
https://reurl.cc/2rqnj6

全能神教會 : https://www.godfootsteps.org
國度降臨福音網 : https://tr.kingdomsalvation.org
歡迎下載全能神教會App  
Google Play :
https://play.google.com/store/apps/de...
App Store : https://itunes.apple.com/hk/app/quan-...
CAG Hymns - 國度新歌App
Google Play : Google Play :
https://play.google.com/store/apps/de...
App Store : https://itunes.apple.com/hk/app/quan-...
Email : info@kingdomsalvation.org
福音熱線:(台灣)+886-978-777-179
59982493_139791367183022_7413319376318758912_n.jpg

 

 

📖Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao 
Click on the link to listen to the God's word
👂👇👇👇👇👇

https://reurl.cc/MAEplW
Sabi ng Diyos, “Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay.”
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan mo ba kung paano namumuno ang Diyos sa lahat ng mga bagay? Upang matuto ng higit sa aspetong ito ng katotohanan, i-click ang link upang mabasa ang mga salita ng Diyos.

Diyos-ang-Pinagmulan-ng-Buhay-ng-Tao.jpg

Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gawin ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pagsasaayos at plano ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon. Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay.

Habang tahimik na sumasapit ang gabi, walang malay ang tao, dahil hindi mahiwatigan ng kanyang puso kung paano sumasapit ang dilim, ni kung saan ito nagmumula. Habang tahimik na lumilipas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng araw, ngunit tungkol sa kung saan nagmula ang liwanag, at kung paano nito naitaboy na ang dilim ng gabi, mas hindi ito alam ng tao, at lalong wala siyang malay diyan. Ang paulit-ulit na pagsasalitan ng araw at gabi ay dinadala ang tao mula sa isang panahon tungo sa isa pa, mula sa isang konteksto ng kasaysayan tungo sa sumunod, habang tinitiyak din na ang gawain ng Diyos sa bawat panahon at ang Kanyang plano para sa bawat kapanahunan ay isinasagawa. Naraanan na ng tao ang mga panahong ito na kasama ang Diyos, ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang namumuno sa tadhana ng lahat ng bagay at buhay na nilalang, ni kung paano ipinaplano at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Naging mailap ito sa tao noon pa man hanggang ngayon. Bakit? Hindi dahil tagung-tago ang mga gawa ng Diyos, ni dahil kailangan pang maisakatuparan ang Kanyang plano, kundi dahil napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas kahit sinusunod niya ang Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na orihinal niyang taglay: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito. Sa katunayan, mula sa pinakasimula hanggang ngayon, nagsaayos na ng isang trahedya ang Diyos para sa sangkatauhan, kung saan ang tao ay kapwa bida at biktima. At walang makasagot kung sino ang direktor ng trahedyang ito. https://reurl.cc/MAEplW

Sa kalawakan ng mundo, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa bawat bagay sa lahat ng bagay, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang nakakaisip kung saan ang maaaring patunguhan ng isang sangkatauhan na bumigo sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo. Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag nabigo ang plano ng Diyos, at kapag walang tumugon sa Kanyang mga paalala at pangaral, anong klaseng galit ang Kanyang ipamamalas? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o naririnig ng sinumang nilalang. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatuwid, walang makakaunawa sa matitiyagang intensyon at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.

Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya. Wala pang sinumang sumuri sa mga lihim ng pamamahala sa pinagmulan at pagpapatuloy ng buhay ng tao. Diyos lamang, na nakauunawa sa lahat ng ito, ang tahimik na nagtitiis ng pasakit at mga dagok na ibinibigay ng tao, na nakatanggap ng lahat mula sa Diyos ngunit hindi nagpapasalamat. Natural lang na tinatamasa ng tao ang lahat ng idinudulot ng buhay, at, gayundin, “natural lang” na ang Diyos ay ipinagkanulo, kinalimutan, at hinuthutan ng tao. Gayon kaya talaga kahalaga ang plano ng Diyos? Gayon kaya talaga kahalaga ang tao, ang buhay na nilalang na ito na nagmula sa kamay ng Diyos? Ang plano ng Diyos ay siguradong mahalaga; gayunman, ang buhay na nilalang na ito na nilikha ng kamay ng Diyos ay nabubuhay para sa kapakanan ng Kanyang plano. Samakatuwid, hindi puwedeng sayangin ng Diyos ang Kanyang plano dahil sa galit sa sangkatauhang ito. Para sa kapakanan ng Kanyang plano at para sa hiningang inilabas Niya kaya tinitiis ng Diyos ang lahat ng hirap, hindi para sa katawan ng tao kundi para sa buhay ng tao. Ginagawa Niya iyon para mabawi hindi ang katawan ng tao kundi ang buhay na inihinga Niya. Ito ang Kanyang plano.

Lahat ng dumarating sa mundong ito ay kailangang magdaan sa buhay at kamatayan, at karamihan sa kanila ay nagdaan na sa paulit-ulit na kamatayan at muling pagsilang. Yaong mga nabubuhay ay malapit nang mamatay, at ang patay ay malapit nang magbalik. Lahat ng ito ay ang landas ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat buhay na nilalang. Ngunit ang landas at siklong ito ay ang katotohanan mismong nais ng Diyos na makita ng tao: na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang hanggan, hindi mapipigilan ng katawan, panahon, o kalawakan. Ito ang hiwaga ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay nagmula sa Kanya. Bagama’t maaaring maraming hindi naniniwala na ang buhay ay nagmula sa Diyos, hindi maiiwasan na tamasahin ng tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos, naniniwala man sila o hindi sa Kanyang pag-iral. Kung sakaling dumating ang araw na biglang magbago ang puso ng Diyos at naisin Niyang bawiin ang lahat ng umiiral sa mundo at ang buhay na naibigay Niya, mawawala na ang lahat. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katotohanan na walang makakaisip o makakaunawa, at ang mga katotohanang hindi maunawaan ang siya mismong pagpapakita, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayo’y may lihim Akong sasabihin sa iyo: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay di-maarok ng sinumang nilalang. Gayon ito ngayon, tulad noon, at magkakagayon pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na sasabihin Ko ay ito: Ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng nilikha ay ang Diyos, gaano man ang kanilang pagkakaiba sa anyo o kayarian; ano mang uri ka ng buhay na nilalang, hindi ka maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Gayunman, ang nais Ko lang ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, pag-iingat, at panustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, gaano man katindi ang kanyang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay at ng diwa ng kahulugan ng buhay. Paano matutulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang halaga ng Kanyang buhay, na walang inaalala? At tulad ng nasabi Ko dati: Huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmumulan ng iyong buhay. Kapag nabigo ang tao na itangi ang lahat ng naipagkaloob ng Diyos, hindi lamang babawiin ng Diyos ang ibinigay Niya sa simula, kundi ay pagbabayarin Niya ang tao nang doble ng halaga ng lahat ng naibigay Niya. https://reurl.cc/MAEplW

Mayo 26, 2003

56990329_2275902615985552_3844500075044667392_n.jpg

 

 

교회생활간증 동영상 <믿음은 하나님을 의지함에서 나온다>
2016년 11월, 이탈리아의 한 형제님이 온라인을 통해 전능하신하나님교회 그리스도인 청청 자매에게 전능하신 하나님의 사역에 대해 알고 싶다고 연락을 합니다. 아주 갈급한 형제님을 보면서, 이태리어라고는 '안녕하세요' 밖에 모르는 청청 자매는 큰 어려움에 빠집니다. 그러다 하나님의 말씀을 통해 자신에게 하나님에 대한 참된 믿음이 없음을 깨닫습니다. 자매가 하나님을 의지하며 최선을 다해 협력하고자 할 때, 통역을 도와줄 수 있는 자매가 나타납니다. 하지만 기쁨도 잠시, 언어가 통하지 않는 청청 자매에게 또다시 어려움이 찾아오는데… 청청 자매는 어떻게 하나님을 의지하며 형제님에게 하나님의 말세 사역을 증거했을까요? 자매는 이 일을 통해 어떤 체험과 수확을 얻었을까요? 지금 바로 시청하세요.

https://reurl.cc/LbGyNX

전능하신 하나님 교회 찬양 
https://reurl.cc/Gm08Av
찬양 MV
https://reurl.cc/4a9KWv
교회생활간증 동영상 <자신을 드러내 받은 화>
https://reurl.cc/5rnj4V
기독교 영화 <낙인> 
https://youtu.be/qEzmd2mPaWo
기독교 영화 <소망> 
https://youtu.be/_EKcfal5b10
기독교 영화 <경건의 비밀> 
https://youtu.be/q4s6fZYkXm0
기독교 영화 <경건의 비밀 (속편)> 
https://youtu.be/Dzp-2KaSVis
기독교 영화 <심령이 가난한 자는 복이 있나니>   
https://youtu.be/KXdT0zveMjU
성령 역사가 있는 교회를 찾는 법 <보좌에서 흘러나오는 생명수>
https://youtu.be/zEqRxyE2xTs
전능하신 하나님 교회 찬양 <세상이 너의 안식처이냐>(솔로 찬양)
https://reurl.cc/Nrevx9

동영상을 시청해 주셔서 감사합니다. 궁금한 점이 있으시면 연락 주시기 바랍니다. 
카카오톡:
http://pf.kakao.com/_XvxhFT/chat
Messenger: http://bit.ly/2uXLJNE
연락처 : +82-1566-2851
sddefault - 2021-08-14T141536.925.jpg

 

 

😇😇Nasalubong Nila ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagbabasa ng Artikulo na Ito
💌Connect us:
https://m.me/thelordjesusiswithus?ref=website--aujsb_zy060num=9342998
I-click upang mabasa pa:https://reurl.cc/O0WOnA
Jacob: "Sa mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, bukod sa madalas na mga sakuna, ang iba pang 5 mga palatandaan ay lumitaw na din…"
Nicky: “Ang artikulong ito ay hinayaan ako na malaman ang mabuting balita ng pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang daan upang masalubong ang Panginoon…"
Rayn: “Salamat sa Panginoon! Mula sa artikulong ito, natagpuan ko ang daan upang makilala ang Panginoon ... ”
Ito ang mga komento na iniwan sa amin ng maraming kaibigan pagkatapos basahin ang artikulong “Natupad Na Ang 6 na mga Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus.” Nakapiling nilang muli ang Panginoon matapos makipag-ugnayan sa amin sa Messenger at pagkatapos saliksikin at siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Sa puntong ito, nais niyo bang magmadali na basahin ang artikulong ito upang mahanap ang daan upang makilala ang Panginoon? Kung gayon ay magmadali at basahin ngayon!

232643314_666739314718342_6222533685715100404_n.jpg

 

Ang 6 na Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na

Dalawang libong taon na ang nakalipas, ipinangako ng Panginoong Jesus sa atin: “Narito, ako’y madaling pumaparito” (Pahayag 22:12). Ngayon, ang lahat ng uri ng mga palatandaan sa Kanyang pagbabalik ay naglitawan, at marami sa mga kapatid ang may pangitain na nalalapit na ang araw ng Panginoon. Nakabalik na ba ang Panginoon? Ano ang dapat nating gawin upang salubungin ang Panginoon? Talakayin natin ito ngayon sa pamamagitan ng paggalugad ng mga propesiya na nakatala sa Bibliahttps://reurl.cc/O0WOnA

Quick Navigation
Mga Lindol, Taggutom, Salot at Giyera
Ang Paglitaw ng mga Di-Pangkaraniwan sa Kalangitan
Pagpanglaw ng mga Simbahan at Panlalamig ng Pag-ibig ng mga Mananampalataya
Ang Paglitaw ng mga Huwad na Cristo
Ang Pagpapanumbalik ng Israel
Ang Paglaganap ng Ebanghelyo Hanggang sa Dulo ng Mundo
Paano Dapat Natin Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon?

Unang Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Mga Lindol, Taggutom, Salot at Giyera

6-na-Propesiya-sa-Bibliya

Sinasabi sa Mateo 24:6–8: “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” Madalas na nagaganap ang digmaan sa mga nagdaang taon, tulad ng pagbagsak ng rehimeng Taliban sa Afghanistan, ang salungatan sa pagitan ng India at Pakistan, ang pagsalakay ng Estados Unidos sa Iraq, at ang patuloy na pag-abante ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine. Ang mga salot, sunog, pagbaha, at lindol ay masasaksihan rin sa lahat ng dako. Sa partikular na tala ay ang “novel coronavirus,” na lumaganap sa Wuhan, China noong 2019 at mula noon ay kumalat sa buong mundo. Nagkaroon din ng malubhang sunog sa kagubatan sa Australia noong Setyembre 2019, habang ang isang matinding pagkuyog ng mga balang ay nangyari sa East Africa sa kabilang panig ng planeta, may maraming mga bansa na nahaharap ngayon sa taggutom. Noong Enero 2020, ang Indonesia ay dumanas ng pagbaha, at ang Newfoundland sa Canada ay hinagupit ng minsanan sa loob ng isang siglo na snowstorm. Ang mga paglindol ay nangyari sa Elazig sa Turkey, timog Cuba sa Caribbean, at sa iba pang lugar. Mula sa mga palatandaang ito, makikita na ang propesiya na ito ay natupad na.

Ikalawang Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Paglitaw ng mga Di-Pangkaraniwan sa Kalangitan

Sinasabi sa Pahayag 6:12, “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.” Sabi sa Joel 2:30–31, “At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.” Sa mga nagdaang taon, maraming mga pagkakataon na ang buwan ay nagiging mapulang dugo. Halimbawa, sa loob ng dalawang taong haba ng 2014 at 2015, isang serye ng apat na “blood moons” ang naganap, at noong Enero 31, 2018, mayroong isang “super blue blood moon,” na lumilitaw nang isang beses lamang sa bawat 150 taon. Pagkatapos, isang “super blood wolf moon” ang lumitaw noong Enero 2019. Ang prinopesiyang kababalaghan nang pagiging itim ng araw ay lumitaw din, at, sa katunayan, maraming mga solar eclipse, tulad ng eclipse sa Singapore noong Disyembre 26, 2019 at sa Chile noong ika-2 ng Hulyo ng parehong taon. Ang katuparan ng propesiya na ito ay maliwanag sa mga kababalaghang ito.

Ikatlong Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Pagpanglaw ng mga Simbahan at Panlalamig ng Pag-ibig ng mga Mananampalataya

Sinasabi sa Mateo 24:12, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” Sa lahat ng relihiyon sa buong mundo, lumalaganap ang kapanglawan. Ang pangangaral ng mga pastor at elder ay naging pagal at karaniwan, at nabigo sa pagtustos sa mga mananampalataya. Sa kanilang pakikibaka para sa katayuan, ang ilang mga pastor ay bumubuo ng mga grupo at lumilikha ng mga paksyon sa mga simbahan, at ang ilan ay napadpad sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pabrika upang pangunahan ang mga nananampalataya sa landas na walang kaugnayan sa relihiyon; Samantala, sa gitna ng mga mananampalataya, mayroong pangkalahatang kahinaan ng kumpyansa at pag-aatubili na humiwalay sa mundo, at namumuhay sila sa nakakapagod na kasalimuotan. Ang ilang mga simbahan ay mukhang masikip at buhay na buhay mula sa labas, ngunit maraming tao ang nagsisimba para lamang mapalawak ang kanilang network at magbenta ng mga produkto, ginagamit ang simbahan bilang lugar ng komersyo. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng simbahan ngayon at ng templo hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan? Sa mga bagay na ito, ang kumpletong katuparan ng propesiyang ito ng pagbabalik ng Panginoon ay maliwanag.

Ikaapat na Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Paglitaw ng mga Huwad na Cristo

Sinasabi sa Mateo 24:4–5, “At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.” Mula sa propesiya ng Panginoon, makikita natin na sa pagbabalik ng Panginoon, ang mga bulaang Cristo ay maglilitawan at lilinlangin ang mga tao. Sa mga nagdaang taon, naglitawan ang mga bulaang Cristo at nilinlang ang mga tao sa mga bansa tulad ng Tsina, Timog Korea, at Japan. Ang mga bulaang Cristo na ito ay hindi nagtataglay ng diwa ni Cristo, o na maaari nilang maipahayag ang katotohanan, bagkus inaangkin nila ang kanilang sarili bilang Cristo. Kalakip nito, ang katuparan nitong propesiya ay malinaw.

Ikalimang Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Pagpapanumbalik ng Israel

Sinasabi sa Mateo 24:32–33, “Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw: Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.” Marami sa naniniwala sa Panginoon ang alam na ang pananariwa ng mga sanga at dahon ng puno ng igos ay tumutukoy sa pagpapanumbalik ng Israel. Kapag napanumbalik ang Israel, nalalapit na ang araw ng Panginoon, at nanumbalik ang Israel noong Mayo 14, 1948. Maliwanag na, lubusan ng natupad ang propesiyang ito ng pagbabalik ng Panginoon. https://reurl.cc/O0WOnA

Ikaanim na Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Paglaganap ng Ebanghelyo Hanggang sa Dulo ng Mundo

Nakatala sa Mateo 24:14: “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” Sa Marcos 16:15, sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.” Pagkaraan ng muling pagkabuhay ni Jesus at pag-akyat sa kalangitan, nagsimulang pamunuan ng Banal na Espiritu ang mga sumunod sa Panginoong Jesus upang sumaksi sa Panginoong Jesus. Kasalukuyan, ang mga Kristiyano ay kumalat sa lahat ng lupalop ng mundo at maraming demokratikong mga bansa ang pinagtibay ang Kristiyanismo bilang kanilang relihiyon ng estado. Kahit na sa Tsina, kung saan ang partidong namumuno ay ateyista, milyon-milyong tao ang tumanggap sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus, kaya’t makikita na ang ebanghelyo ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Panginoong Jesus ay lumaganap sa buong mundo. Dito, madaling makita na ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na.

Paano Dapat Natin Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon?

Mula sa mga katotohanang nakalista sa itaas, makikita natin na ang 6 na senyales ng pagbabalik ng Panginoon ay lumitaw na. Ngayon ang pinakamahalagang oras sa pagsalubong sa pagdating ng Panginoon. Ano ang dapat nating gawin bago natin masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Matagal nang panahon ng ibinigay sa atin ng Panginoong Jesus ang sagot sa katanungang ito.

Sa Juan 16:12–13, sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Sabi sa Pahayag 3:20, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Mayroon ring maraming mga propesiya sa kabanata 2 at 3 ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Tulad ng nakikita mo mula sa mga talatang ito, sa pagbabalik ng Panginoon, magpapahayag Siya ng mga pagbigkas at magsasalita sa mga iglesia, ipapahayag sa atin ang lahat ng mga katotohanan na hindi natin nauunawaan noon. Yaong mga naririnig ang pagbigkas ng Diyos at nakilala ang Kanyang tinig, tinatanggap Siya at nagpapasailalim sa Kanya ay magagawang salubungin ang Panginoon at makadalo sa kapistahan ng Kordero; ang hindi nakakakilala sa tinig ng Diyos, sa kabilang banda, ay tiyak na hindi mga tupa ng Diyos, at sila ay malalantad at aalisin ng Diyos. Dito, maliwanag na kapag hinihintay natin ang pagdating ng Panginoon, kritikal na matagpuan natin ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia at matutong makinig sa tinig ng Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Naririnig ito, may ilang nagtatanong: “Kung gayon, saan kami tutungo upang mahanap ang tinig ng Diyos?” Sa Mateo 25:6, Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” Yamang tinatawag ng Panginoon ang Kaniyang tupa sa pamamagitan ng Kanyang mga pagbigkas at pananalita, tiyak na may ilang mga tao na unang makakarinig sa tinig ng Panginoon at susundan ang mga yapak ng Kordero, at pagkatapos ay magtatawag saanman, “Dumating ang kasintahang lalaki,” na kung saan ay ipapakalat ang balita ng pagbabalik ng Panginoon at ang mga salita ng ikalawang pagparito ng Panginoon, upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataong marinig ang tinig ng Diyos. Samakatuwid sinabi na kung maaari tayong makasunod sa mga yapak ng Kordero ay nakasalalay kung mayroon tayong mga puso na nag-aasam na mahanap Siya at kung makikilala natin ang tinig ng Diyos. Katulad noong unang nagpakita ang Panginoong Jesus at nagsimulang gumawa, kinilala nina Pedro, Maria, at iba pa ang Panginoong Jesus bilang Mesiyas mula sa Kanyang gawain at pananalita, at sinundan nila Siya at nagsimulang masaksihan ang Kanyang ebanghelyo. Ang mga nakikinig sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus at nakakakilala sa tinig ng Diyos ay ang mga matalinong dalaga, samantalang ang mga pari, eskriba, at mga Fariseo na hindi nagmamahal sa katotohanan ay narinig ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Panginoong Jesus ngunit hindi sinisiyasat ang mga ito. Sa halip, hambog na sumunod sila sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, na iniisip na “ang isang hindi tinawag na Mesiyas ay hindi Diyos” at hinihintay na magpakita sa kanila ang Mesiyas. Kinondena at nilapastangan pa nila ang gawain ng Panginoong Jesus, at, sa huli, nawala ang kaligtasan ng Diyos. Nariyan din ang mga Hudyong naniniwala na sumunod sa mga Fariseo at hindi nakikilala ang tinig ng Diyos sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, na pikit-matang nakinig sa mga pari, eskriba, at mga Fariseo, at tinanggihan ang kaligtasan ng Panginoon. Ang ganitong mga tao ay nagiging mga mangmang na mga dalaga na inabandona ng Panginoon. May ilang maaaring magtanong: “Gayon, paano makikilala ang tinig ng Diyos?” Sa katunayan, hindi ito mahirap. Ang pagbigkas at pananalita ng Diyos ay dapat na hindi kayang masabi ng tao. Dapat rin na partikular na may awtoridad at makapangyarihan. Maaari nitong mailahad ang mga hiwaga ng kaharian ng langit at ibunyag ang katiwalian ng tao, at iba pa. Ang lahat ng mga salitang ito ay mga katotohanan, at lahat ng mga ito ay maaaring maging buhay ng tao. Ang sinumang may puso at espiritu ay mararamdaman ito kapag naririnig niya ang salita ng Diyos, at magkakaroon ng kumpirmasyon sa kanyang puso na nagsasalita ang Lumikha at nagpapahayag ng Kanyang pagbigkas sa atin na mga tao. Ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa tinig ng Diyos. Kung natitiyak natin na ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos, kung gayon dapat nating tanggapin at sundin ang mga ito, gaano man ito umaayon sa ating mga paniwala. Sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Sa buong mundo ngayon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo na ang Panginoon—nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos—ay nakabalik na. Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong mga salita, at ang mga salitang ito ay na ilathala sa Internet para sa mga tao mula sa lahat ng mga bansa at landas ng buhay upang suriin. Paisa-isa, maraming tao ng bawat bansa na nagnanais ng katotohanan ay umaasa na marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Tulad ng nasabi sa Bibliya, “Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” Kung babasahin lamang natin nang higit pa ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pakikinggan upang makilala kung ang mga ito ay tinig ng Diyos, kung gayon, matutukoy natin kung nagbalik na ba o hindi pa ang Panginoon. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 10:27: “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.” Naniniwala ako na hangga’t mayroon tayong puso na mapagpakumbabang naghahanap, makikilala natin ang tinig ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.https://reurl.cc/O0WOnA

maxresdefault - 2020-03-21T005022.471.jpg

 

 

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()