close

基督教會詩歌《當神試煉人信心的時候》
        1 當神試煉人的信心的時候,無一人有真實的見證,無一人能把自己的所有全部交出來,全部交出來,而是掩掩藏藏不「敞開」,似乎神要搶奪其「心臟」一般,就是約伯也不曾真在試煉中站立住,不曾在苦境中發出香氣。人都是在春暖花開之際發出一絲緑,不曾在寒風凛冽時仍然蒼翠,人的身量都瘦骨嶙峋,不能達到神的心意。 
        2 在人的中間,没有可作為没有可作為人的榜樣的人,因為人與人本相同,不相异,没有什麽區别,所以至今人仍不能完全認識神的作為,只等着神的刑罰臨及所有的人,神的作為人「不知不覺」人「不知不覺」便會知曉,并不用神作什麽,不用神强制人,人都會認識神,從而看見神的作為,這是神的計劃,是神作為的顯明之處,是人所應該知道的。 
                                                                        ——摘自《跟隨羔羊唱新歌》

https://reurl.cc/rgzp9N
https://tr.kingdomsalvation.org/books.html

sddefault - 2021-09-04T151217.418.jpg

如果你有任何問題想尋求,請通過以下方式與我們聯繫:
WhatsApp:
https://chat.whatsapp.com/JLxYhnVC253...
Messenger:https://m.me/tr.kingdomsalvation?ref=... 
觀看更多贊美詩歌視頻:
https://reurl.cc/R0KAeD
觀看更多教會生活詩歌視頻:
https://reurl.cc/ze20D0
基督教會電影《何處是我家》神給了我一個幸福的家
https://reurl.cc/vqyrQe
基督教會見證電影《天國子民》
https://youtu.be/Ykx2zzS7mHo
基督教會見證電影《信神真好》
https://youtu.be/Fla0Gk9J3CI
福音電影《媽媽的愛太偉大》
https://youtu.be/TuUoxncElYI
基督徒的經歷見證《被抓捕後的道道難關》各種酷刑摧殘中 她如何站住見證
https://reurl.cc/qg9ypn
觀看更多教會生活見證視頻:
https://reurl.cc/Gmz7gx
觀看更多福音見證電影:
https://reurl.cc/a9pQz3
基督徒的經歷見證《刺骨之痛》
https://reurl.cc/VEGKd6
觀看更多舞台劇:
https://reurl.cc/O02dy9
觀看更多音樂劇:
https://reurl.cc/qg9yE0

84992104_488386995157906_4000040584797487104_o.jpg

 

 

佛緣深厚的人,身上都有這3個特徵!什麼都不用做,就能讓福報追著你跑
https://reurl.cc/xGYb6L
153799888_1681167688752400_3597654064327276173_o.jpg

 

 

Ang Misteryo ng “Ako at ang Ama ay Iisa” ay Naibunyag
Click on the link to learn more 👇👇👇👇👇👇

https://reurl.cc/yE5zQl

Ang-Misteryo-ng-Ako-at-ang-Ama-ay-Iisa-ay-Naibunyag.jpg

 

Ang Misteryo ng “Ako at ang Ama ay Iisa” ay Naibunyag

Abril 17, 2020

Ni Xie Wen, Japan

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). “Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin?” (Juan 14:9–10). Makatuwirang isipin na ang Anak ay ang Anak at ang Ama ay ang Ama, kaya paanong Sila ay iisa? Paano natin dapat unawain ang taludtod na “Ako at ang Ama ay iisa”? https://reurl.cc/yE5zQl

Mga Nilalaman
●Saan Nagmula ang Pagtukoy sa “ang Anak at ang Ama”?
●Ang Interpretasyon Ba ng “ang Ama at ang Anak” ay May Pinanghahawakan?
●Bakit Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Ama?
●Bakit Hindi Tuwirang Pinatotohanan ng Diyos na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo?

Saan Nagmula ang Pagtukoy sa “ang Anak at ang Ama”?

Una, kailangan muna nating maunawaan kung saan nanggaling ang pagtukoy na “ang Anak at ang Ama”. Ito ay hindi talaga lumitaw hanggang sa ang ating Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagtubos. Sa panahong iyon, ang Diyos ay nag-anyong Anak ng tao upang magsalita at gumawa sa gitna ng sangkatauhan, inilulunsad ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng tuwirang patotoo na ang Panginoong Jesus ay ang sinisintang Anak ng Diyos nang Siya ay mabautismuhan, at tinawag din ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit bilang “Ama”. Sa ganitong paraan lumitaw ang ideya ng Anak at ng Ama.

Ang Interpretasyon Ba ng “ang Ama at ang Anak” ay May Pinanghahawakan?

Kung babalikan natin, sinabi ba ng Diyos sa Aklat ng Genesis na mayroon Siyang anak na lalaki? Hindi Niya sinabi. Sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan, sinabi ba talaga ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta na mayroon Siyang anak na lalaki? Hindi Niya kailanman sinabi. Ipinakikita nito na mayroon lamang iisang Diyos at walang gayong bagay kagaya ng “ang Anak at ang Ama.” Gayundin, kung ganoon iyon kagaya ng nauunawaan natin ito, at ang Panginoong Jesus ay Anak ng Diyos at ang Diyos sa langit ay ang Ama, kung gayon paano maipaliliwanag ang katunayan na malinaw na isinasaad ng Biblia na mayroon lamang iisang Diyos? Sa nakaraang 2000 taon kakaunting mga tao ang tunay na nakatanto na ang Panginoong Jesuscristo ang Diyos Mismo, at Siya ang anyo ng Diyos! Buksan natin ang ating mga Biblia sa Juan 14:18. Nang hindi pa kilala ni Philip ang Diyos, sinabi niya sa Panginoong Jesus, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama.” Ano ang sagot ng Panginoong Jesus?

Sabi ng Bibliya, “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:9–10). Itinama ng Panginoong Jesus ang pagkakamali ni Felipe sa pagsasabing “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama,” at “ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin” Makikita natin rito na ang Ama ay ang Anak, at ang Anak ay ang Ama—Sila ay iisa. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na Siya at ang Diyos ay mag-ama, ngunit sa halip malinaw na sinabi sa mga tao na “Ako at ang Ama ay iisa.” Mula sa mga salitang ito ng Panginoong Jesus, makukumpirma natin na Siya ang Diyos Mismo, na Siya ang paghahayag ng Diyos sa katawang-tao.

Bakit Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Ama?

Yamang ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, nang Siya ay manalangin, bakit Siya nanalangin sa Diyos Ama? Mayroong hiwaga sa loob nito.

Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang Kanyang Espiritu ay nakatago sa katawang-tao, at hindi ito nadarama ng katawang-taong iyon sa anumang paraan, kagaya natin, mga tao, hindi nadarama ang ating mga kaluluwa sa loob natin. Bago simulan ng Panginoong Jesus ang paggawa at isakatuparan ang Kanyang misyon, Siya ay nabubuhay sa kalagayan ng isang normal na pagkatao. Wala Siyang ideya na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sapagkat nang tumahan ang Banal na Espiritu sa katawang-tao upang gumawa, ang Kanyang paggawa ay hindi di-pangkaraniwan, bagkus ay ganap na normal. Kagaya lamang ng sinasabi ng Biblia, “Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam … kahit ang Anak, kundi ang Ama” (Marcos 13:32). Nang opisyal na tinanggap ng Panginoong Jesus ang Kanyang posisyon, ang Banal na Espiritu ay bumigkas ng mga salita upang personal na magpatotoo na Siya ang Diyos na Nagkatawang-tao, at doon lamang nalaman ng Panginoong Jesus ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan at na Siya ay dumating upang gawin ang gawain ng pagtubos. Ngunit bago Siya ipinako sa krus, Siya ay Anak ng tao pa lang, Siya si Cristo. Kaya likas sa Kanya na manalangin sa makalangit na Ama, at Siya ay nananalangin din sa Espiritu ng Diyos mula sa saloobin ng Kanyang pagkatao—ito ay isang lubos na likas na bagay. Nang ang Panginoong Jesus ay ipapako na sa krus nanalangin din Siya sa Diyos Ama, at sa pamamagitan nito makikita ang Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. https://reurl.cc/yE5zQl

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa lamang mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring yaong sa karaniwang tao; sa madaling salita, Siya ay naging ang ‘Anak ng tao’ na sinabi ng lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo. Dahil Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, sa alin mang kaso ay isa na may panlabas na pabalat ng isang tao) na ipinanganak sa isang normal na pamilya ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lamang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ginawa Niya ang ganoon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? ‘Ama namin na nasa langit….’ Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, Kanyang ginawa ang ganoon mula sa pananaw ng isang nasa katayuan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (ibig sabihin, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyo ang Diyos na ‘Ama,’ hindi ba ito ay dahil sa kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagka’t hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang pagpapakumbaba at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (ibig sabihin, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, ito lamang ay dahil iba ang Kanyang pananaw” (“Umiiral ba ang Trinidad?”).

Mayroon pa rin yaong mga nagsasabi, ‘Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?’ Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na lubos Niyang kinalulugdan—tiyak na sinabi ito ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, nguni’t mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus na, ‘Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin,’ ay nagpapahiwatig na Sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na sumasaksi sa Sarili Niya. ... Nguni’t sa panahong iyon, sinabi lang ng Espiritu sa langit na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi binanggit ang Kanyang pagiging natatanging Anak ng Diyos. Hindi ito talaga nangyari. Paano magkakaroon ng iisang anak lamang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay sa pagitan ng langit at lupa” (“Umiiral ba ang Trinidad?”).

Malinaw nating mauunawaan mula sa mga salitang ito na nang mabautismuhan ang Panginoong Jesus at nagpatotooo ang Banal na Espiritu na Siya ay ang sinisintang Anak ng Diyos, ang Diyos ang nagsasalita mula sa pananaw ng Espiritu. At nang ang Panginoong Jesus ay nananalangin at tinawag na “Ama” ang Diyos sa langit, ang Panginoong Jesus ay nananalangin lamang sa Espiritu ng Diyos mula sa pananaw ng isang katawang-tao. Hindi nito pinatutunayan sa anumang paraan na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos sa langit. Ngunit dahil hindi malinaw sa atin ang aspetong ito ng katotohanan at hindi natin nauunawaan ang pananaw na pinagmumulan ng sinasabi ng Diyos, nanghawak tayo sa ating sariling mga haka-haka upang basta na lamang ipaliwanag ang mga salita ng Diyos. Kaya bigla tayong nagkaroon ng ganitong pagkaunawa na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos, ngunit malayo sa katotohanan at lalo ng hindi tumutugma sa mga katunayan.

Bakit Hindi Tuwirang Pinatotohanan ng Diyos na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo?

Ang Banal na Espiritu ay hindi tuwirang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo na tunay na naglalaman ng karunungan at kalooban ng Diyos. Ang Panginoong Jesus, na gumawa kasama ng sangkatauhan, sa totoo lang ay Diyos na may suot na katawang-tao at naging tao, dumating upang gumawa at nagpakita sa atin. Hindi alintana kung paano man Siya gumawa o nagsalita, o kung paano nanalangin sa Diyos Ama, ang Kanyang esensya ay maka-Diyos at hindi tao. Ang Diyos ay Espiritu at hindi posibleng makita natin Siya, ngunit paano kapag suot Niya ang katawang-tao? Ang nakikita natin ay isang katawan na may laman; hindi natin makikita ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Banal na Espiritu ay sumaksi na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo magiging mahirap para matanggap natin, sapagkat ang mga tao sa panahong iyon ay walang konsepto ng Diyos na naging tao. Lalo silang walang pagkaunawa sa ganito nang kakaharap pa lang nila sa Diyos na nagkatawang-tao, at hindi nila kailanman maiisip na ang gayong pangkaraniwan sa tingin na Anak ng tao ay ang katawan pala ng Espiritu ng Diyos, na Siya ang anyo ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, bagamat ang ating Panginoong Jesus ay bumigkas ng maraming salita samantalang Siya ay gumagawa, dinala sa atin ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at inihayag ang maraming tanda at mga hiwaga, ganap na ipinakikita ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, hindi natanto ng Kanyang mga tagasunod mula sa Kanyang gawain at mga salita na Siya ang Diyos Mismo, na Siya ang pagpapahiwatig ng Diyos. Kung gugunitain—ano ang tawag ng mga tao sa panahong iyon sa Panginoong Jesus?

Nakatala sa Biblia, “At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta” (Mateo 16:14).

Ito ay dahil sa kinikilala lamang ng mga tao sa panahong iyon ang Panginoong Jesus bilang isa sa mga propeta o tinatawag Siyang “Panginoon”—hindi nila natanto na Siya ay Diyos sa katawang tao. Kaya hinayaan ng Diyos ang mga taong tawaging Anak ng Diyos ang Panginoong Jesus sa isang limitadong yugto ng panahon batay sa tayog ng mga tao sa panahong iyon; hindi Niya itinulak ang mga tao nang lampas sa kanilang kakayahan, ngunit sumaksi na ang Panginoong Jesus ay ang sinisintang Anak ng Diyos ayon sa kung ano ang nauunawaan ng mga tao. Iyon ang tanging bagay na maaaring nakaayon sa mga pagkaunawa ng mga tao at na matatanggap nila kaagad. Dahil ginagawa Niya ang gawain ng pagtubos, anuman ang itinawag nila sa Panginoong Jesus, hangga’t tinatanggap nila ang kanyang pagliligtas, nangaungunmpisal at nagsisisi sa Panginoon, hindi na sila hahatulan sa ilalim ng batas—sapat na iyon. Ang mabuting mga layunin at karunungan ng Diyos ay nakatago sa likod ng lahat ng mga ito.

Kapag ang Espiritu ng Diyos ay naging katawang-tao, kahit na hindi natin makita ang Kanyang Espiritu, ang Kanyang disposisyon, kung ano ang mayroon at ano Siya, idagdag pa ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan ay ipinahayag lahat sa pamamagitan ng katawang-taong iyon. Ganap nating makukunpirma mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus at ang disposisyong Kanyang ipinahayag na Siya ay ang Diyos Mismo. Ipinabatid ng Panginoong Jesus na ang kaharian ng langit ay malapit na at binigyan ang mga tao ng paraan para makapagsisi, sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag Niya ang isang disposisyon ng kagandahang-loob at awa, tinamo ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Hindi ba ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng lahat ng gawaing ito? Idagdag pa, ang kanyang mga salita ay puno ng awtoridad at kapangyarihan—ang sinasabi Niya ay natutupad, at kung ano ang iniutos Niya ay nagaganap. Anumang salitang lumabas sa Kanyang bibig ay natutupad sa totoo lang. Maaako ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng isang tao, mapatatahimik ang nagngangalit na dagat, at maibabalik ang isang tao mula sa mga patay gamit ang ilang simpleng pananalita. Mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, nakita natin ang awtoridad ng Diyos at kapangyarihan sa Kanyang pangingibabaw sa lahat ng mga bagay, at nakita rin natin ang pagkamakapangyarihan, karunungan at kamangha-manghang gawa ng Diyos. Ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay tuwirang pagpapahayag lahat mula sa Espiritu ng Diyos at kung ano ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang sariling gawain ng Diyos. https://reurl.cc/yE5zQl

Sa fellowship na ito naunawaan natin ang misteryo ng “Ako at ang Ama ay iisa.” Sa katunayan, ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo at ang nagkatawang-taong Diyos. Ang kakanyahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Mangyaring panoorin ang pelikula ng ebanghelyo na "Ang Misteryo ng Kabanalan" at mas mauunawaan mo ang katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos.

 

 

 

 

 

Kaugnay na Nilalaman

 

Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?

Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?

Ni: Xie Wen, Japan Kamakailan, nang malapit ng matapos ang isang grupo sa pag-aaral ng Biblia, ang Kapatid na Li, isang manggagawa, ay nagtanong ng ga…

 

Bakit Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Ama?

Bakit Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Ama?

Ni Wang Ya Sa nakaraan, nakita kong itinala ng Bibliya, “At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya a…

 

Paano Makakamit ang Buhay na Walang Hanggan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Anak

Paano Makakamit ang Buhay na Walang Hanggan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Anak

Sinasabi ng Bibliya, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan,” pero kaunting mga tao ang nakakaalam kung paano makakamit ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak. Basahin ang artikulong ito upang matutunan ang higit pa.

 

Tagalog Christian Crosstalk | "May Isang Diyos Lamang"

Tagalog Christian Crosstalk | "May Isang Diyos Lamang"

Sa loob ng dalawanlibong taon, ang teoryang teolohiko ng Trinidad ay nakita bilang isang pangunahing doktrina ng pananampalatayang Kristiyano. Pero, …

Mga Piling Sanaysay


 

 

 

 

 

 

 

#MakapangyarihangDiyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos" | Sipi 100
https://reurl.cc/2rxpjn
#MakapangyarihangDiyos #Diyos #SalitangDiyos

Isang Pagbasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
https://reurl.cc/R0KxLe
#MakapangyarihangDiyos

Ang Tanging Paraan Para Mamuhay Nang Tulad ng Isang Tunay na Tao
https://reurl.cc/1YnyKm
#MakapangyarihangDiyos

Tagalog Christian Movie Trailer | "Paglago" | The True Story of a Christian
https://reurl.cc/2rxpQr
#MakapangyarihangDiyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos" | Sipi 102
https://reurl.cc/W3elb9
#MakapangyarihangDiyos

Ang Mga Mananampalataya sa Diyos ay Dapat Sumunod ng Papalapit sa Mga Yapak ng Diyos
https://reurl.cc/DgNGYR
#MakapangyarihangDiyos

Music Video | "Hinahayag ng Cristo ng mga Huling Araw ang Misteryo ng Plano ng Pamamahala ng Diyos"
https://reurl.cc/R0KxD9
#MakapangyarihangDiyos

Chinese Christian Song | "Isang Pasiyang Hindi Ko Pagsisisihan" (Tagalog Subtitles) | Music Video
https://reurl.cc/LbvRZ7
#MakapangyarihangDiyos #Diyos

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Pagpipino ng Diyos sa Tao ang Pinaka-Makahulugan"
https://reurl.cc/a9p27D
#panalangin #MakapangyarihangDiyos #dasal

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tularan ang Panginoong Jesus"
https://reurl.cc/j8XLYq
#MakapangyarihangDiyos

"Ang Aking Pinili" | Tagalog Testimony Video
https://reurl.cc/MAYqLm

26731629_1877504009246687_7274835287951528353_n.jpg

 

 

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()