【講道系列—信仰求真】誰能拯救人類,徹底改變人的命運
  説到命運,多數人都認為,只要有錢、有地位,在世亨通,就是好的命運;那些没錢、没地位,多灾多難,被人瞧不起的人,就是命運不好。所以,為了改變命運都在拼命追求知識,指望靠知識來得到金錢、地位,改變自己的命運。難道有錢、有地位,在世亨通,就是好的命運嗎?難道有灾有難,命運多舛,就是命運不好嗎?知識真能改變人的命運嗎?到底誰能拯救人類,徹底改變人的命運呢?本期《信仰求真》將帶你找到人類蒙拯救、進天國的路。

https://reurl.cc/RbbMG6
https://tr.kingdomsalvation.org/books.html

sddefault - 2021-09-24T084100.088.jpg

如果你有任何問題想尋求,請通過以下方式與我們聯繫: 
WhatsApp:
https://chat.whatsapp.com/JLxYhnVC253... 
Messenger:https://m.me/tr.kingdomsalvation?ref=... 

【講道系列—信仰求真】救世主來了怎樣拯救人類
https://youtu.be/TcmxUHWfTus
【講道系列—信仰求真】到底誰是真神
https://youtu.be/Y3k1QN82Y0k
【講道系列—信仰求真】主耶穌在十字架上説「成了」到底指什麽説的
https://youtu.be/3zzhStvQwr4
觀看更多教會生活見證視頻:
https://reurl.cc/kLLAAx
觀看更多福音見證電影:
https://reurl.cc/MkkElL
基督教會歌曲《神要審判潔净所有來到他寶座前的人》
https://reurl.cc/MkkEeL
觀看更多贊美詩歌視頻:
https://reurl.cc/4339KD
觀看更多教會生活詩歌視頻:
https://reurl.cc/Zjjx0W
基督教會歌曲——詩歌合輯
https://reurl.cc/OkkWly
全能神話語朗誦《當取締宗教的事奉》
https://reurl.cc/pxxE78
觀看更多神話語朗誦視頻:https://reurl.cc/mvv1eA
每日神話 - 認識神系列
https://reurl.cc/822mrR
每日神話 - 三步作工系列
https://reurl.cc/q11lzp
每日神話 - 生命進入系列
https://reurl.cc/822g4d

國度降臨福音網 : https://tr.kingdomsalvation.org
歡迎下載全能神教會App  
Google Play :
https://play.google.com/store/apps/de...
App Store : https://itunes.apple.com/hk/app/quan-...
CAG Hymns - 國度新歌App
Google Play :
https://play.google.com/store/apps/de...
App Store : https://apps.apple.com/tw/app/cag-hym...
Email : info@kingdomsalvation.org
福音熱線:(台灣)+886-978-777-179

sddefault - 2021-09-24T084947.224.jpg

 

 

クリスチャンの証し「噂の罠を逃れる」日本語吹き替え

クリスチャンのウィリアムは、ひょんなことから全能神教会の兄弟姉妹と知り合いになりました。彼らとの集会や交わりを通して、これまでの信仰では学べなかった多くの真理や奥義を知り、霊的な事柄を多く理解したウィリアムでしたが、ある時、インターネット上の記事を読み、不安を覚え始めます。全能神教会はネットで書かれているような組織なのか。さらに深く調べるべきか。全能神が本当に主の再来なら、よく調べなければ主の再来をお迎えする機会を逃すのではないか。そんな迷いを抱えるウィリアムでしたが、神の素晴らしいお導きにより観念を捨て、もっと深く調べてみることにします。そして、全能神の御言葉を通して、真の道を調べるうえでの原則を理解し、嘘を見分ける方法を学び、全能神こそ主の再来だと確信するようになります。そしてついに、終わりの日の全能神の働きを喜んで受け入れます。
#信仰の証 #証し #クリスチャンの証し
https://reurl.cc/kLL4k9

sddefault - 2021-09-24T141303.435.jpg

あなたは主の再来の語られた言葉を聞きましたか。私たちの公式ウェブサイトの書籍ページへようこそ、神様の声を聞き、子羊の足跡に従いましょう。
https://jp.kingdomsalvation.org/books
ご不明な点がありましたら、ご連絡ください。
LINE:
https://line.me/R/ti/p/@zmf6615d
Messenger:https://m.me/godfootstepsjp?ref=youtube
オンラインチャット:https://tawk.to/chat/59bcb7eb4854b827...

おすすめ動画
日々の神の御言葉:神を知る:
https://reurl.cc/aNNpW9
全能神の言葉の朗読
https://reurl.cc/MkkYnm
日々の神の御言葉:神を知る:https://bit.ly/2OzJrec
朗読 主イエス・キリストの再臨の御言葉 「キリストの本質は父なる神の心に従うことである」
https://reurl.cc/q119QN
#神の支配 #神の御言葉

神の御言葉「神の働き、神の性質、そして神自身 1(その3)」
https://reurl.cc/kL7N9b
#キリストの言葉 #御言葉

聖霊の御言葉「キリストは、真理を以て裁きの働きを行う」
https://reurl.cc/6DEVYk
日々の神の御言葉「神を知る者だけが神に証しをすることができる」抜粋214
https://reurl.cc/35jrQL
日々の神の御言葉「唯一無二の神自身 9」抜粋182
https://reurl.cc/1o2jNX
キリスト教の歌「人間の結末への神の采配」歌詞付き
https://reurl.cc/0x2g3A
#賛美歌 #賛美歌メドレー #讃美歌

キリスト教の歌「神自身の本性と位置」日本語字幕
https://reurl.cc/yeQ1xM
日々の神の御言葉:神を知る:https://bit.ly/2OzJrec
#ワーシップ #ゴスペル #讃美歌

キリスト教の歌「すべては神の言葉で成就する」日本語字幕
https://reurl.cc/Rbjd0G
#ワーシップ #ゴスペル #讃美歌

キリスト教の歌「すべての問題は真理を追い求めることで解決できる」日本語字幕
https://reurl.cc/kL751q
#おうち賛美 #賛美

ゴスペル音楽「神の業は常に新しく決して古くならない」
https://reurl.cc/Mkb7mm

全能神教会ホームページ:https://jp.godfootsteps.org
神の国降臨の福音:https://jp.kingdomsalvation.org
全能神教会日本語チャンネル:https://www.youtube.com/user/godfoots...
全能神教会ブログ:https://jp.blog.hidden-advent.org

全能神教会のアプリをご自由にダウンロードしてください。
Google Play:
https://play.google.com/store/apps/de...
App Store: https://itunes.apple.com/jp/app/the-c...

CAG Hymns - 神の国の新しい歌App
Google Play:
http://bit.ly/2XOqRBM
App Store: https://apple.co/2ZwLmDo

全能神教会メールアドレス:contact.jp@kingdomsalvation.org
電話番号: +81-90-6033-9775

注意:このチャンネルの動画はすべて無料で視聴いただけます。いかなる個人または団体も、事前に許可を得ることなく、全能神教会のYouTubeチャンネルにある動画をアップロード、修正、改変、ないし抜粋することは、明示的に禁止されています。これらの規約に違反した場合、全能神教会はすべてのあらゆる法的措置をとる権利を留保しています。公開を希望される場合は事前に私たちへ連絡の上、申請を行なってください。

#信仰の証 #証し#クリスチャンの証し #クリスチャン #証言人

89731587_1863471133787616_479157533773135872_o.jpg

 


🌍🏜SEPTEMBER 23 2021⛅🌎
🌻magandang hapon po sa inyong lahat mga mahal na kapatid ❣muli kong pinapaalala sa inyo na ang pagkain at pag-inom ng mga salita diyos lamang ang paraan upang baguhin ang ating makasalanan na kaugalian,masamang disposisyon,at makasatanas na gawain. mga kapatid kailangan po nating maglaan ng oras para gampanan ang ating tungkulin sa Diyos, dahil kapag ang Diyos ang mawalan ng oras para sa atin tiyak na tayo ay mamatay...ang Diyos lamang ang Mkapangyarihang, ang dakila, at may awtoridad sa lahat🔥💧💧💧

https://reurl.cc/n55KbX

know-god-1.jpg

 

Paano ipinamamalas ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa sangkatauhan

Abril 16, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan inihahayag Niya ang lahat ng di-matuwid, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto ang mga nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong tulad nito ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagpapahayag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay ipinamamalas para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi sa ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon na lamang at nang walang kabuluhan. Ipagpalagay na sa pagbubunyag ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw, igagawad pa rin ng Diyos sa tao ang walang-hanggang awa at pagmamahal at patuloy na magiging mapagmahal sa mga tao, hindi isasailalim ang tao sa matuwid na paghatol kundi magpapakita sa kanya ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, at papatawarin ang tao gaano man katindi ang mga kasalanan niya, nang wala ni katiting na matuwid na paghatol; kailan kung gayon magwawakas ang buong pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang mga tao patungo sa nararapat na hantungan ng sangkatauhan? Gawing halimbawa ang isang hukom na laging mapagmahal, may maamong mukha at magiliw na puso. Mahal niya ang mga tao anuman ang kanilang mga nagawang krimen, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kung gayon, kailan siya makaaabot sa isang makatwirang hatol? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa kanila sa isang bagong kaharian. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay dadalhin sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Naging tao ang Diyos sa pinakapaurong at pinakamaruming lugar sa lahat, at sa ganitong paraan lamang nagagawa ng Diyos na malinaw na ipakita ang kabuuan ng Kanyang banal at matuwid na disposisyon. At paano ipinapakita ang Kanyang matuwid na disposisyon? Ipinapakita ito kapag hinahatulan Niya ang mga kasalanan ng tao, kapag hinahatulan Niya si Satanas, kapag kinamumuhian Niya ang kasalanan, at kapag kinasusuklaman Niya ang mga kaaway na kumakalaban at naghihimagsik laban sa Kanya. Ang mga salitang sinasambit Ko ngayon ay upang hatulan ang mga kasalanan ng tao, upang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao, upang isumpa ang pagsuway ng tao. Ang kabuktutan at panlilinlang ng tao, ang mga salita at gawa ng tao—lahat ng hindi naaayon sa kalooban ng Diyos ay kailangang isailalim sa paghatol, at tuligsain ang pagsuway ng tao bilang kasalanan. Umiikot ang Kanyang mga salita sa mga prinsipyo ng paghatol; ginagamit Niya ang paghatol sa hindi pagiging matuwid ng tao, ang sumpa sa pagkasuwail ng tao, ang paglalantad sa mga pangit na mukha ng tao upang ipakita ang Kanyang sariling matuwid na disposisyon. Ang kabanalan ay isang pagkakatawan ng Kanyang matuwid na disposisyon, at sa katunayan ang kabanalan ng Diyos ay talagang ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang mga tiwali ninyong disposisyon ang konteksto ng mga salita ngayon—ginagamit Ko ang mga ito upang mangusap at humatol, at upang isagawa ang gawain ng paglupig. Ito lamang ang tunay na gawain, at ito lamang ang lubos na nagpapaningning sa kabanalan ng Diyos. Kung walang bahid ng tiwaling disposisyon sa iyo, hindi ka hahatulan ng Diyos, at hindi rin Niya ipapakita sa iyo ang Kanyang matuwid na disposisyon. Dahil mayroon kang tiwaling disposisyon, hindi ka basta paliligtasin ng Diyos, at sa pamamagitan nito ipinapakita ang Kanyang kabanalan. Kung makikita ng Diyos na masyadong malubha ang karumihan at pagkasuwail ng tao ngunit hindi Siya nagsalita o hinatulan ka, ni hindi ka kinastigo dahil sa iyong hindi pagiging matuwid, patutunayan nito na hindi Siya Diyos, dahil hindi Siya galit sa kasalanan; magiging kasingdumi lamang Siya ng tao. Ngayon, dahil sa karumihan mo kaya kita hinahatulan, at dahil sa katiwalian at pagkasuwail mo kaya kita kinakastigo. Hindi Ko ipinangangalandakan ang Aking kapangyarihan sa inyo o sadya kayong inaapi; ginagawa Ko ang mga bagay na ito dahil kayo, na naisilang sa lupaing ito ng karumihan, ay labis-labis nang narumihan. Sadyang naiwala ninyo ang inyong integridad at pagkatao at naging para kayong mga baboy na ipinanganak sa pinakamaruruming sulok ng daigdig, kaya nga dahil dito kaya kayo hinahatulan at kaya Ko pinapakawalan sa inyo ang Aking poot. Dahil mismo sa paghatol na ito kaya ninyo nagawang makita na ang Diyos ay ang matuwid na Diyos, at na ang Diyos ay ang banal na Diyos; dahil mismo sa Kanyang kabanalan at Kanyang katuwiran kaya Niya kayo hinahatulan at pinapakawalan Niya ang Kanyang poot sa inyo. Dahil naibubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng tao, at dahil naibubunyag Niya ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng tao, sapat na ito upang ipakita na Siya ang Diyos Mismo, na banal at malinis, ngunit nabubuhay sa lupain ng karumihan. Kung nagtatampisaw ang isang tao sa putikan na kasama ng iba, at walang anumang banal tungkol sa kanya, at wala siyang matuwid na disposisyon, wala siyang karapatang hatulan ang kasamaan ng tao, ni hindi siya akmang magsagawa ng paghatol sa tao. Kung hahatulan ng isang tao ang iba, hindi ba parang sinasampal nila ang sarili nilang mukha? Paano magiging karapat-dapat ang mga taong pare-parehong marumi na hatulan yaong mga kagaya nila? Tanging ang banal na Diyos Mismo ang nagagawang hatulan ang buong sangkatauhang marumi. Paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano makikita ng tao ang mga kasalanan ng tao, at paano magiging karapat-dapat ang tao na isumpa ang mga kasalanang ito? Kung hindi karapat-dapat ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya magiging matuwid na Diyos Mismo? Kapag ibinubunyag ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, nangungusap ang Diyos upang hatulan ang mga tao, at saka lamang nakikita ng mga tao na Siya ay banal. Habang hinahatulan at kinakastigo Niya ang tao para sa kanyang mga kasalanan, na inilalantad pala ang mga kasalanan ng tao, walang tao o bagay na makakatakas sa paghatol na ito; Siya ang humahatol sa lahat ng marumi, at sa gayon lamang masasabi na matuwid ang Kanyang disposisyon. Kung hindi, paano masasabi na mga hambingan kayo kapwa sa pangalan at sa katunayan? https://reurl.cc/n55KbX

Hinango mula sa “Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hanggang saan ang kaalaman mo ngayon? Ang iyong mga ideya, iyong mga iniisip, iyong pag-uugali, iyong mga salita at gawa—hindi ba’t ang lahat ng mga pagpapahayag na ito ay katumbas ng hambingan ng katuwiran at kabanalan ng Diyos? Hindi ba ang iyong mga pagpapahayag ngayon ay mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng tao na ibinunyag ng mga salita ng Diyos? Ang iyong mga ideya, iyong mga pagganyak, at ang katiwaliang nabunyag sa iyo ay nagpapakita ng matuwid na disposisyon ng Diyos, maging ng Kanyang kabanalan. Ang Diyos ay isinilang din sa lupain ng karumihan, subalit nananatili Siyang walang bahid ng karumihan. Naninirahan Siya sa maruming mundong tinitirhan mo, ngunit may taglay Siyang katwiran at pandama, at kinamumuhian Niya ang karumihan. Maaaring ni hindi mo magawang mapansin ang anumang marumi sa iyong mga salita at gawa, ngunit kaya Niyang gawin iyon, at itinuturo Niya ang mga ito sa iyo. Ang mga dating ugali mong iyon—ang iyong kawalan ng kalinangan, kabatiran, at pakiramdam, at ang iyong paurong na mga paraan ng pamumuhay—ay nailantad na ng mga paghahayag ngayon; kapag pumaparito ang Diyos sa lupa upang gumawa nang gayon, saka lamang namamasdan ng mga tao ang Kanyang kabanalan at matuwid na disposisyon. Hinahatulan at kinakastigo ka Niya, kaya ka nagtatamo ng pag-unawa; kung minsan, nakikita ang iyong likas na kademonyohan, at itinuturo Niya ito sa iyo. Alam Niya ang diwa ng tao na tulad ng likod ng Kanyang kamay. Nabubuhay Siya sa piling ninyo, kumakain Siya ng pagkaing kinakain mo, at naninirahan Siya sa kapaligirang tinitirhan ninyo—ngunit magkagayunman, mas marami Siyang alam; maaaring ilantad ka Niya at makita ang tiwaling diwa ng sangkatauhan. Wala Siyang higit na kinamumuhian kaysa sa mga pilosopiya sa pamumuhay at kabuktutan at panlilinlang ng tao. Kinamumuhian Niya lalo na ang makamundong pag-uugnayan ng mga tao. Maaaring hindi Siya pamilyar sa mga pilosopiya ng tao sa pamumuhay, ngunit malinaw Niyang nakikita at nailalantad ang mga tiwaling disposisyon na ipinapakita ng mga tao. Gumagawa Siya upang mangusap at turuan ang tao sa pamamagitan ng mga bagay na ito, ginagamit Niya ang mga bagay na ito upang hatulan ang mga tao, at upang ipakita ang Kanyang sariling matuwid at banal na disposisyon.

Hinango mula sa “Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala ang Kanyang natatanging diwa; ang poot ng Diyos ang Kanyang natatanging disposisyon; ang kamaharlikahan ng Diyos ang Kanyang natatanging diwa. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay ang pagpapakita ng Kanyang pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang sabihin pa na ang prinsipyong ito ay sagisag din ng diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling likas na diwa. Hindi ito nababago ng paglipas ng panahon, o ng mga pagbabago man sa heograpikal na lokasyon. Ang Kanyang likas na disposisyon ay ang Kanyang tunay na diwa. Kanino man Niya iniuukol ang Kanyang ginagawa, hindi nagbabago ang Kanyang diwa at maging ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag ginagalit ng isang tao ang Diyos, yaong ipinadadala ng Diyos ay ang Kanyang likas na disposisyon; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, gayundin ang Kanyang natatanging pagkakakilanlan at katayuan. Hindi Siya unti-unting nagagalit dahil sa isang pagbabago sa Kanyang diwa o dahil ang Kanyang disposisyon ay nagbunga ng iba’t ibang mga elemento, kundi dahil ang paglaban ng tao sa Kanya ay nakaaagrabyado sa Kanyang disposisyon. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang matinding hamon sa sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinahamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at sinusubok ang Kanyang galit. Kapag sinasalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos—at sa mga panahong iyon kung kailan laganap ang kasalanan—ang poot ng Diyos ay likas na magpapahayag at magpapakita. Samakatuwid, ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang poot ay isang simbolo na ang lahat ng puwersa ng kasamaan ay titigil sa pag-iral; isa itong simbolo na ang lahat ng kalabang puwersa ay wawasakin. Ito ang pagiging natatangi ng matuwid na disposisyon ng Diyos at ng Kanyang poot. Kapag hinahamon ang dangal at kabanalan ng Diyos, kapag ang mga makatarungang puwersa ay hinahadlangan at hindi nakikita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang poot. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng puwersang iyon sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay masasama, tiwali at hindi makatarungan; ang mga ito ay nagmumula kay Satanas at nabibilang kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, at Siya ay liwanag at banal na walang-dungis, lahat ng bagay na masama, tiwali at kay Satanas ay maglalaho kapag pinakawalan na ang poot ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang matinding galit, napipigil ang mga puwersa ng kasamaan at nawawasak ang mga masasamang bagay, samantalang tinatamasa ng matutuwid at positibong mga bagay ang pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at sila ay pinahihintulutang magpatuloy. Ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot dahil ang hindi makatarungan, negatibo at masasamang bagay ay humahadlang, nanggugulo o sumisira sa normal na gawain at pagsulong ng makatarungan at positibong mga bagay. Ang layunin ng galit ng Diyos ay hindi ang protektahan ang Kanyang sariling katayuan at pagkakakilanlan, kundi ingatan ang pag-iral ng makatarungan, positibo, magaganda at mabubuting mga bagay, upang pangalagaan ang mga batas at kaayusan ng normal na kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ito ang pinag-uugatan ng poot ng Diyos. Ang matinding galit ng Diyos ay talagang nararapat, likas at tunay na pahayag ng Kanyang disposisyon. Walang mga lihim na hangarin sa Kanyang matinding galit, ni panlilinlang man o pagbabalak, o lalo na ng mga pagnanasa, katusuhan, malisya, karahasan, kasamaan o alinman sa mga katangiang taglay ng tiwaling sangkatauhan. Bago ipinadadala ng Diyos ang Kanyang matinding galit, naramdaman na Niya ang diwa ng bawat bagay nang lubhang malinaw at ganap, at nakapagbuo na Siya ng tumpak at malinaw na mga pakahulugan at mga konklusyon. Sa gayon, ang layunin ng Diyos sa bawat bagay na Kanyang ginagawa ay sinlinaw ng kristal, tulad din ng Kanyang saloobin. Hindi magulo ang Kanyang pag-iisip; hindi Siya bulag at mapusok; tiyak na may prinsipyo Siya. Ito ang praktikal na aspeto ng poot ng Diyos, at dahil sa praktikal na aspetong ito ng poot ng Diyos kaya naabot ng sangkatauhan ang karaniwang pag-iral nito. Kung wala ang poot ng Diyos, bababa ang sangkatauhan sa mga hindi karaniwang kalagayan ng pamumuhay; at ang lahat ng bagay na matuwid, maganda at mabuti ay mawawasak at hihinto sa pag-iral. Kung wala ang poot ng Diyos, ang mga batas at mga alituntunin ng pag-iral para sa mga nilikhang nilalang ay masisira o maaaring tuluyang mawasak. Mula sa paglikha sa tao, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pangalagaan at panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Sapagkat ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naglalaman ng poot at kamaharlikahan, ang lahat ng masasamang tao, mga bagay at gamit, at lahat ng bagay na gumagambala at sumisira sa karaniwang pag-iral ng sangkatauhan ay naparurusahan, nakokontrol at nawawasak bilang resulta ng Kanyang poot. Sa mga nakalipas na libu-libong taon, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pabagsakin at wasakin ang lahat ng uri ng marurumi at masasamang mga espiritu na kumakalaban sa Diyos at kumikilos bilang mga kasabwat at utusan ni Satanas sa gawain ng Diyos ng pamamahala sa sangkatauhan. Sa gayon, ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao ay laging sumusulong ayon sa Kanyang plano. Masasabi natin na dahil sa pag-iral ng poot ng Diyos, ang pinakamatuwid na mga layunin ng mga tao ay hindi kailanman nawasak.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pakikitungo ng Diyos sa kabuuan ng sangkatauhan, hangal at mangmang man ito, ay pangunahing nakabatay sa awa at pagpapaubaya. Sa kabilang banda, ang Kanyang poot ay nakatago sa mas nakararaming pagkakataon at sa mas nakararaming pangyayari, at hindi ito nalalaman ng tao. Bilang resulta, mahirap para sa tao na makitang inilalabas ng Diyos ang Kanyang poot, at mahirap ding maunawaan ang Kanyang poot. Dahil dito, minamaliit ng tao ang poot ng Diyos. Kapag humaharap na ang tao sa huling gawain at hakbang ng pagpapaubaya at pagpapatawad sa tao ng Diyos—iyan ay kapag ang huling pagkakataon para sa awa ng Diyos at ang huling babala Niya ay dumapo sa sangkatauhan—kung gagamitin pa rin ng mga tao ang parehong mga paraan upang salungatin ang Diyos at hindi gumawa ng kahit anong pagsisikap upang magsisi, ayusin ang kanilang mga pag-uugali at tanggapin ang Kanyang awa, hindi na ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pagpapaubaya at pasensya sa kanila. Bagkus, babawiin ng Diyos ang Kanyang awa sa panahong ito. Kasunod nito, ipadadala na lamang Niya ang Kanyang poot. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang poot sa iba’t ibang mga paraan, gaya ng kung paanong nakagagamit Siya ng iba’t ibang mga pamamaraan upang parusahan at wasakin ang mga tao.

Ang paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod ng Sodoma ang pinakamabilis Niyang paraan upang lubos na lipulin ang isang sangkatauhan o ano pa mang bagay. Higit pa sa kanilang pisikal na katawan ang winasak ng pagsunog sa mga mamamayan ng Sodoma; winasak nito ang kabuuan ng kanilang mga espiritu, ang kanilang mga kaluluwa at kanilang mga katawan, tinitiyak na ang mga tao sa loob ng lungsod na ito ay titigil sa pag-iral sa kapwa materyal na mundo at mundong hindi nakikita ng tao. Ito ay isang paraan kung paano ibinubunyag ng Diyos at ipinahahayag ang Kanyang poot. Ang ganitong paraan ng pagbubunyag at pagpapahayag ay isang aspeto ng diwa ng poot ng Diyos, kung paano ring ito ay likas na paghahayag ng diwa ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot, tumitigil Siya sa paghahayag ng anumang awa o kagandahang loob, ni hindi na Siya nagpapakita pa ng Kanyang pagpapaubaya o pasensya; walang tao, bagay o dahilan na makahihimok sa Kanya upang patuloy na maging matiyaga, na muling ibigay ang Kanyang awa, at minsan pang ipagkaloob ang Kanyang pagpaparaya. Kapalit ng mga bagay na ito, walang isa mang sandali ng pag-aalinlangan, ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot at kamaharlikahan, ginagawa kung ano ang Kanyang nais. Isasagawa Niya ang mga bagay na ito sa isang mabilis at malinis na paraan ayon sa Kanyang sariling mga kagustuhan. Ito ang paraan kung paano ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot at kamaharlikahan, na hindi dapat maagrabyado ng tao, at ito ay isa ring pagpapahayag ng isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag nasasaksihan ng mga tao na nagpapakita ng pag-aalala at pagmamahal ang Diyos sa tao, hindi nila napapansin ang Kanyang poot, nakikita ang Kanyang kamaharlikahan o nadarama ang Kanyang kawalang-paraya sa pagkakasala. Ang mga bagay na ito ang laging nagpapapaniwala sa mga tao na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay yaong awa, pagpapaubaya at pagmamahal lamang. Gayunman, kapag nakita ng isang tao na winasak ng Diyos ang isang lungsod o kinamuhian ang isang sangkatauhan, ang Kanyang matinding galit sa pagkawasak ng tao at ang Kanyang kamaharlikahan ang nagbibigay-daan sa mga tao na masilayan ang kabilang panig ng matuwid Niyang disposisyon. Ito ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala. Ang disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti ng pagkakasala ay lumalampas sa imahinasyon ng anumang nilikhang nilalang, at sa mga di-nilikhang nilalang, walang may kakayahang panghimasukan ito o maapektuhan ito; at lalong hindi ito kayang gayahin o tularan. Sa gayon, ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos ang siyang dapat na talagang mabatid ng sangkatauhan. Tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng disposisyon, at tanging Diyos Mismo ang nagtataglay ng ganitong uri ng disposisyon. Nagtataglay ang Diyos ng ganitong uri ng matuwid na disposisyon dahil nasusuklam Siya sa kasamaan, kadiliman, pagka-mapanghimagsik at mga masasamang gawa ni Satanas—pagtitiwali at paglamon sa sangkatauhan—sapagkat kinasusuklaman Niya ang lahat ng paggawa ng kasalanan bilang paglaban sa Kanya at dahil sa Kanyang banal at walang-dungis na diwa. Ito ang dahilan kaya hindi Niya hahayaan ang sinumang nilikha o di-nilikhang nilalang na hayagang salungatin o labanan Siya. Kahit ang isang indibidwal na pinagpakitaan Niyang minsan ng awa o Kanyang pinili ay kailangan lamang pukawin ang Kanyang disposisyon at labagin ang Kanyang prinsipyo ng pagpapasensya at pagpaparaya, at pakakawalan Niya at ibubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon na wala kahit katiting mang awa o pag-aalinlangan—isang disposisyon na hindi kinukunsinti ang pagkakasala.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kahit gaano man kagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng magaspang na damit at naupo sa mga abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang magbago ang Kanyang isip. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan—galit pa rin sa kanila ang Diyos. Sa sandaling nagsagawa sila ng serye ng mga gawain ng pagsisisi, unti-unting nagbago at napalitan ng awa at pagpaparaya ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive. Walang anumang magkasalungat sa magkaparehong paghahayag ng dalawang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan kung gayon? Magkasunod na ipinahayag ng Diyos ang magkabaligtad na bahaging ito ng mga diwa nang magsisi ang mga taga-Ninive; naipakita nito sa mga tao ang pagiging totoo at pagka-di-napupuno ng diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Ito ay hindi dahil kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; sa halip, ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao. Sa kasong ito, maluwag Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, samantalang ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay napakalinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit at ang hinihingi Niya sa isang tao ay tunay na pagsisisi nito. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin tungo sa kanila. https://reurl.cc/n55KbX

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang binago ng Diyos ang Kanyang puso para sa mga taga-Ninive, isang pagkukunwari lamang ba ang Kanyang awa at pagpaparaya? Siyempre hindi! Kung gayon, ano ang naipakita ng pagbabago sa pagitan ng dalawang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos sa kurso ng pagharap ng Diyos sa isang sitwasyong ito? Ang disposisyon ng Diyos ay isang ganap na buo–hinding-hindi ito nahahati. Naghahayag man Siya ng galit o awa at pagpaparaya tungo sa mga tao, ang lahat naman ng ito ay pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay mahalaga at malinaw. Binabago Niya ang Kanyang isip at saloobin batay sa pag-unlad ng mga bagay-bagay. Ang pagbabago ng Kanyang saloobin tungo sa mga taga-Ninive ay nagsasabi sa sangkatauhan na mayroon Siyang sariling mga kaisipan at ideya; hindi Siya isang robot o luwad na rebulto, kundi ang buhay na Diyos Mismo. Maaari Siyang magalit sa mga mamamayan ng Ninive, kung paanong maaari rin Niyang patawarin ang kanilang mga nakaraan dahil sa kanilang mga pag-uugali. Maaari Siyang magpasya na magpadala ng kasawian sa mga taga-Ninive, at maaari rin Niyang baguhin ang Kanyang pagpapasya dahil sa kanilang pagsisisi. Gusto ng mga tao na mahigpit na maglapat ng mga alituntunin at gamitin ang mga ganoong alituntunin upang limitahan at bigyang-kahulugan ang Diyos, tulad ng kanilang pagnanais na gumamit ng mga pormula upang subukang unawain ang disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, batay sa kayang abutin ng pag-iisip ng tao, ang Diyos ay hindi nag-iisip, ni wala Siyang anumang makabuluhang mga ideya. Ngunit sa realidad, ang mga kaisipan ng Diyos ay patuloy na nagbabago ayon sa mga pagbabago sa mga bagay-bagay at sa mga kapaligiran. Habang ang mga kaisipang ito ay nagbabago, nabubunyag ang iba’t ibang aspeto ng diwa ng Diyos. Sa prosesong ito ng pagbabago, sa mismong sandaling binabago ng Diyos ang Kanyang puso, ang totoong pag-iral ng Kanyang buhay ang ibinubunyag Niya sa sangkatauhan; ibinubunyag din Niya na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay puno ng nagbabagong kasiglahan. Kasabay nito, ginagamit ng Diyos ang Kanyang sariling tunay na mga pagbubunyag upang patunayan sa sangkatauhan ang pagiging totoo ng pag-iral ng Kanyang poot, Kanyang awa, Kanyang kagandahang-loob at Kanyang pagpaparaya. Ang Kanyang diwa ay mabubunyag sa anumang oras at saan mang lugar alinsunod sa pag-unlad ng mga bagay-bagay. May angkin Siyang poot ng isang leon at pagkahabag at pagpaparaya ng isang ina. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi nagpapahintulot ng pagdududa, paglabag, pagbabago o pamamaluktot ng sinumang tao. Sa lahat ng usapin at mga bagay-bagay, ang matuwid na disposisyon ng Diyos–iyon ay, ang poot ng Diyos at awa ng Diyos–ay mabubunyag sa anumang oras at saan mang lugar. Nagbibigay Siya ng mahalagang pagpapahayag sa mga aspetong ito sa bawat sulok ng sangnilikha, at isinasakatuparan Niya ang mga iyon nang may sigla sa bawat paglipas ng sandali. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nalilimitahan ng panahon o lugar, o sa madaling salita, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi ipinapahayag na parang makina o ibinubunyag ayon sa idinidikta ng mga hangganan ng panahon o lugar. Sa halip, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malayang naihahayag at nabubunyag sa lahat ng panahon at mga lugar. Kapag nakita mong binago ng Diyos ang Kanyang puso at huminto sa paghahayag ng Kanyang poot at tumigil sa pagwasak sa lungsod ng Ninive, masasabi mo ba na mahabagin at mapagmahal lamang ang Diyos? Masasabi mo ba na ang poot ng Diyos ay binubuo ng walang-saysay na mga salita? Kapag ipinadarama ng Diyos ang matinding poot at binabawi ang Kanyang awa, masasabi mo ba na hindi Siya nakadarama ng tunay na pagmamahal sa sangkatauhan? Inihahayag ng Diyos ang matinding poot na ito bilang tugon sa masasamang gawa ng mga tao; ang Kanyang poot ay walang kapintasan. Ang puso ng Diyos ay naaantig ng pagsisisi ng mga tao, at ang pagsisising ito ang siyang nagdudulot ng pagbabago sa Kanyang puso. Kapag naaantig Siya, kapag may pagbabago sa Kanyang puso, at kapag nagpapakita siya ng awa at pagpaparaya sa tao, ang lahat ng ito ay lubos na walang kapintasan; ang mga iyon ay malinis, dalisay, walang-dungis at walang-halo. Ang pagpaparaya ng Diyos ay dalisay na pagpaparaya; ang Kanyang awa ay dalisay na awa. Ibinubunyag ng Kanyang disposisyon ang poot o awa at pagpaparaya, alinsunod sa pagsisisi ng tao at sa kanyang paiba-ibang asal. Kahit ano man ang Kanyang ibunyag at ipahayag, lahat ng ito ay dalisay at tuwiran; ang diwa nito ay iba mula roon sa anumang nilikha. Kapag ipinahahayag ng Diyos ang mga prinsipyo sa likod ng Kanyang mga pagkilos, malaya ang mga ito sa anumang kapintasan o dungis, at gayundin ang Kanyang kaisipan, mga ideya at bawat isang pagpapasya Niya at kilos na isinasagawa Niya. Dahil sa nakapagpasya na nang gayon ang Diyos at nakakilos na Siya nang gayon, gayon Niya rin tinatapos ang Kanyang mga sinimulan. Ang resulta ng Kanyang mga ginawa ay tama at tiyak na walang pagkakamali sapagkat ang pinagmulan ng mga iyon ay walang-kapintasan at walang-dungis. Ang poot ng Diyos ay walang-kapintasan. Gayundin, ang awa at pagpaparaya ng Diyos, na hindi taglay ng anumang nilalang, ay banal at walang-kapintasan, at kayang tagalan ang maingat na paglilimi at karanasan.

Sa pamamagitan ng pagkakaunawa ninyo sa kuwento ng Ninive, nakikita na ba ninyo ang kabilang panig ng diwa ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Nakikita ba ninyo ang kabilang panig ng natatanging matuwid na disposisyon ng Diyos? Mayroon bang sinuman sa sangkatauhan na nagtataglay ng ganitong uri ng disposisyon? Mayroon bang sinuman na nagtataglay ng ganitong uri ng poot na tulad ng sa Diyos? Mayroon bang sinuman na nagtataglay ng awa at pagpaparaya na tulad ng sa Diyos? Sino sa mga sangnilikha ang makatatawag ng gayon katinding poot at makapagpapasya na wasakin o padalhan ng kalamidad ang sangkatauhan? At sino ang karapat-dapat na magkaloob ng awa sa tao, na magparaya at magpatawad, at sa gayon ay baguhin ang naunang pasya na wasakin ang tao? Ipinahahayag ng Lumikha ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng Kanyang sariling natatanging mga pamamaraan at prinsipyo; wala Siya sa ilalim ng kontrol o mga pagbabawal ng sinumang tao, alinmang mga pangyayari o bagay-bagay. Sa Kanyang walang katulad na disposisyon, walang sinuman ang nakapagpapabago sa Kanyang kaisipan at mga ideya, ni walang sinuman ang nakahihimok sa Kanya at nakapagpapabago ng alinman sa Kanyang mga pagpapasya. Ang kabuuan ng asal at mga kaisipan na umiiral sa lahat ng sangnilikha ay umiiral sa ilalim ng paghatol ng Kanyang matuwid na disposisyon. Walang sinumang makapipigil sa Kanyang pagkapoot o pagkaawa; tanging ang diwa lamang ng Lumikha—o sa madaling salita, ang matuwid na disposisyon ng Lumikha—ang nakapagpapasya rito. Ito ang natatanging kalikasan ng matuwid na disposisyon ng Lumikha!

Sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-unawa sa pagbabago ng saloobin ng Diyos sa mga taga-Ninive, nagagamit mo na ba ang salitang “natatangi” upang ilarawan ang awa na matatagpuan sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Nauna na nating sinabi na ang poot ng Diyos ay isang aspeto ng diwa ng Kanyang natatanging matuwid na disposisyon. Bibigyang-kahulugan Ko ngayon ang dalawang aspeto, ang poot ng Diyos at ang awa ng Diyos, bilang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay banal; ito ay hindi nagpapa-agrabyado at napagdududahan; ito ay isang bagay na hindi taglay ng sinuman sa mga nilalang o hindi-nilalang. Ito ay kapwa natatangi at para lamang sa Diyos. Sinasabi nito na ang poot ng Diyos ay banal at di-naaagrabyado. Sa ganito ring paraan, ang isa pang aspeto ng matuwid na disposisyon ng Diyos—ang awa ng Diyos—ay banal at hindi nalalabag. Walang sinuman sa mga nilikha o hindi-nilikhang kabuuan ang makapapalit o kayang kumatawan sa Diyos sa Kanyang mga pagkilos, ni makapapalit o kayang kumatawan sa Kanya sa pagwasak sa Sodoma o sa pagliligtas sa Ninive. Ito ang tunay na pagpapahayag ng natatanging matuwid na disposisyon ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang habag at pagpapaubaya ng Diyos ay talagang umiiral, ngunit ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos kapag pinapakawalan Niya ang Kanyang poot ay nagpapakita rin sa tao ng panig ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng pagkakasala. Kapag kaya na ng tao na sundin nang ganap ang mga utos ng Diyos at kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, masagana ang habag ng Diyos sa tao; kapag ang tao ay napuno ng katiwalian, pagkamuhi at pagkapoot sa Kanya, napakatindi ng galit ng Diyos. Hanggang saan ang tindi ng Kanyang galit? Mananatili ang Kanyang poot hanggang hindi na nakikita ng Diyos ang pagsuway at masasamang gawa ng tao, hanggang sa mawala na sila sa Kanyang harapan. Saka lamang mawawala ang galit ng Diyos. Sa madaling salita, kahit na sino pa ang tao, kung ang kanilang puso ay naging malayo sa Diyos, tumalikod sa Diyos, at hindi kailanman bumalik, paano man nila ninais na ipakita ang kanilang pagsamba at pagsunod sa Diyos sa kanilang katawan at pag-iisip, ang poot ng Diyos ay pakakawalan nang walang humpay. Masasabi na kapag lubos na pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang galit, dahil nabigyan na ng sapat na pagkakataon ang tao, sa oras na pakawalan ito, wala nang paraan upang bawiin ito, at hindi na Siya kailanman pa mahahabag at magpapaubaya sa naturang sangkatauhan. Ito ay isang panig ng disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang paglabag. … Siya ay mapagparaya at maawain sa mga bagay na mabait, at maganda, at mabuti. Sa mga bagay na masama, at makasalanan, at nakasusuklam, malalim ang Kanyang poot, sa paraang hindi Siya tumitigil sa Kanyang pagkapoot. Ito ang dalawang pangunahin at pinakakilalang aspeto ng disposisyon ng Diyos, at, higit pa rito, naibunyag ang mga ito ng Diyos mula simula hanggang katapusan: saganang habag at malalim na poot.

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at hangga’t sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, tiyak na magiging patas Siya tungo sa tao, sapagkat Siya ang pinakamatuwid. Kung sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, kaya ba Niyang isantabi ang tao? Ako ay patas sa lahat ng tao, at hinahatulan ang lahat ng tao ayon sa Aking matuwid na disposisyon, gayunman mayroong akmang mga kundisyon sa mga kinakailangan Ko sa tao, at yaong Aking kailangan ay dapat na matupad ng lahat ng tao, maging sinuman sila. Wala Akong pakialam kung ano ang mga kwalipikasyon mo, o kung gaano katagal mo na silang taglay; ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung lumalakad ka sa Aking daan, at kung umiibig ka at nauuhaw para sa katotohanan o hindi. Kung ikaw ay kulang sa katotohanan, at sa halip nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan, at hindi kumikilos ayon sa Aking daan, sumusunod lamang nang walang pakialam o malasakit, kung gayon sa sandaling iyon ay pababagsakin kita at parurusahan dahil sa iyong kasamaan, at ano nga ang masasabi mo sa panahong iyon? Masasabi mo bang ang Diyos ay hindi matuwid? Ngayon, kung nakasunod ka sa mga salita na Aking binitiwan, kung gayon ikaw ang uri ng taong Aking sinasang-ayunan. Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mga pagkakataong mabubuti at ang masasama, ngunit hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na magparoo’t parito para sa Diyos at gugulin ang sarili para sa Diyos bawat araw, at kailanman ay hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makabuluhan. Sinasabi mo rin, “Sa ano mang katayuan, naniniwala ako na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ako para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang aking sarili sa Kanya, at masigasig akong nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin Niya ako.” Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang katuwirang ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na kalooban ng tao, at hindi nabahiran ng laman, o ng pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mapanghimagsik at lumalaban, ang lahat ng hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira! May ilang tao na nagsasabi, “Ngayon ay gumagawa ako para sa Iyo; kapag dumating ang katapusan, maaari Mo ba akong bigyan ng munting pagpapala?” Kaya tinatanong kita, “Nakatupad ka ba sa Aking mga salita?” Ang pagkamatuwid na iyong sinasalita ay nakasalig sa isang pag-uugnayan. Iniisip mo lamang na Ako ay matuwid at hindi nagtatangi sa lahat ng tao, at ang lahat ng yaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay siguradong maliligtas at makakamtan ang Aking mga pagpapala. Mayroong panloob na kahulugan ang Aking mga salita na “lahat niyaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay tiyak na maliligtas”: Lahat niyaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay silang mga lubos Kong makakamtan, sila yaong, pagkatapos Kong malupig, ay hinahanap ang katotohanan at ginagawang perpekto. Anong mga kalagayan ang iyong natamo? Ang nakamit mo lamang ay pagsunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan, ngunit bukod doon ay ano pa? Ikaw ba ay nakatugon sa Aking mga salita? Natupad mo ang isa sa Aking limang kailangan, gayunman ay wala kang hangarin na tuparin ang natitirang apat. Natagpuan mo ang pinakasimple, pinakamadaling landas, at pinagsikapan ito nang may saloobin na umaasa lamang na maging mapalad. Sa gayong tao na katulad mo ang Aking matuwid na disposisyon ay isa ng pagkastigo at paghatol, ito ay isa ng matuwid na pagganti, at ito ay ang matuwid na kaparusahan sa lahat ng masasamang tao; lahat niyaong hindi lumalakad sa Aking daan ay tiyak na parurusahan, kahit na sila ay sumunod hanggang sa katapus-tapusan. Ito ang pagkamatuwid ng Diyos. Kapag ang ganitong matuwid na disposisyon ay inihayag sa kaparusahan sa tao, ang tao ay matitigilan, at nakadarama ng panghihinayang na, habang sinusunod ang Diyos, hindi siya lumakad sa Kanyang daan. “Noong panahong yaon, nagdusa lamang ako nang kaunti habang sumusunod sa Diyos, ngunit hindi lumakad sa daan ng Diyos. Ano ang mga maidadahilan? Wala nang ibang pagpipilian kundi ang makastigo!” Gayunman sa kanyang isipan siya ay nag-iisip, “Hindi bale, nakasunod naman ako hanggang sa katapus-tapusan, kaya kahit na kastiguhin Mo ako, hindi ito magiging matinding pagkastigo, at pagkatapos mailapat ang pagkastigong ito ay nanaisin Mo pa rin ako. Alam kong matuwid Ka, at hindi Mo ako pakikitunguhan nang gayon magpakailanman. Sa kabila ng lahat, hindi ako katulad niyaong mga papawiin; yaong mga papawiin ay makatatanggap ng matinding pagkastigo, samantalang ang aking pagkastigo ay magiging mas magaan.” Ang matuwid na disposisyon ay hindi gaya ng iyong sinabi. Hindi ito ang kaso na yaong mabubuti at umaamin ng kanilang mga kasalanan ay pinakikitunguhan nang maluwag. Ang pagkamatuwid ay kabanalan, at isang disposisyon na hindi nagpapahintulot sa pagkakasala ng tao, at lahat ng marumi at hindi nabago ay ang tampulan ng poot ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi batas, kundi isang atas administratibo: Ito ay atas administratibo sa kaharian, at ang atas administratibong ito ay ang matuwid na kaparusahan sa sinumang hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi nababago, at walang palugit para sa kaligtasan. Sapagkat kapag ang bawat tao ay pinagsama-sama ayon sa uri, ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan. Yaon ang panahon na ang hantungan ng tao ay lilinawin, ito ang panahon na ang gawain ng pagliligtas ay darating sa katapusan, pagkatapos niyon, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay natapos na, at ang paghihiganti ay ilalapat sa bawat isa niyaong gumawa ng masama.

Hinango mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na masunuring magpasakop sa pagpapahatol, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na wasakin ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila at ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay. Iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya bumabagsak sila sa pakikipagsosyo sa mga masasama at nagiging bahagi ng kanilang magulong grupo; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o hindi naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaong naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang ang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga nagbigay ng serbisyo na hindi umabot sa pamantayan. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Sila ang magiging bunga ng paglilinis na mula sa gawain ng Diyos. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga di-mananampalataya—at tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.

Hinango mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makakagawa ng gawaing Aking isasagawa. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng lupain at pupuksain Ko ang lahat ng bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng Aking gawain ng pagkastigo sa tirahan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na sumapit na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob, at na ang malaking pulang dragon at lahat ng uri ng mga karumal-dumal na espiritu ay mawawalan ng lakas na takasan ang Aking pagkastigo, sapagkat nakatingin Ako sa lahat ng lupain. Kapag natapos na ang Aking gawain sa lupa, ibig sabihin, kapag nagwakas na ang panahon ng paghatol, pormal Kong kakastiguhin ang malaking pulang dragon. Makikita ng Aking mga tao ang matuwid Kong pagkastigo sa malaking pulang dragon, siguradong magbubuhos sila ng papuri dahil sa Aking pagkamatuwid, at siguradong pupurihin nila ang Aking banal na pangalan magpakailanman dahil sa Aking pagkamatuwid. Dahil dito ay pormal ninyong gagampanan ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa buong lupain, magpakailan pa man!

Kapag ang panahon ng paghatol ay umabot na sa rurok nito, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, kundi isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo at tutulutan Kong makita ng lahat ng tao Ko ang katibayang ito; dito lalabas ang mas malaking bunga. Ang katibayang ito ang kaparaanang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong mamasdan ito ng Aking mga tao sa sarili nilang mga mata upang mas malaman nila ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking mga tao ay kapag kinastigo ang malaking pulang dragon. Plano Kong gawing dahilan ito upang magbangon at maghimagsik ang mga tao ng malaking pulang dragon, at ito ang pamamaraang ginagamit Ko upang gawing perpekto ang Aking mga tao, at magandang pagkakataon ito upang lumago sa buhay ang lahat ng tao Ko. … Ngayon, sumusulong Ako na kasabay ng tao patungo sa panahon ng pagkastigo, sumusulong na kasabay siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ibig sabihin, hinahampas Ko ng Aking tungkod ang tao at tumatama ito sa bahaging mapaghimagsik sa tao. Sa mga mata ng tao, tila may kakaibang mga kapangyarihan ang Aking tungkod: Sumasapit ito sa lahat ng Aking kaaway at hindi sila madaling pinatatawad nito; sa lahat ng kumokontra sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas na tungkulin nito; ginagampanan ng lahat ng nasa Aking mga kamay ang kanilang tungkulin ayon sa Aking layunin, at hindi nila nasuway kailanman ang Aking mga naisin o nabago ang kanilang diwa. Dahil dito, raragasa ang mga tubig, guguho ang mga bundok, maglalaho ang malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalamlam ang araw, magdidilim ang buwan, wala nang mga panahon na mamumuhay sa kapayapaan ang tao, mawawalan na ng katahimikan sa lupa, hindi na muling mananatiling panatag at tahimik ang kalangitan, at hindi na magtatagal. Mapapanibago ang lahat ng bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng sambahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng bansa sa mundo; mawawala na ang mga panahon na magbabalikan ang mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng dating nasa lupa.

Hinango mula sa “Kabanata 28” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng kasamaan, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang katiwasayan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong simulang pangunahan ang sangkatauhan, masugid na Akong umaasa na makamit ang isang pangkat ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Samantala, hindi Ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi Ko kaisa sa pag-iisip; lagi Ko silang kinasusuklaman sa puso Ko, hinihintay ang pagkakataong gantihan Ko sila, na maiibigan Kong makita. Ngayon ay dumating na sa wakas ang araw Ko, at hindi Ko na kailangan pang maghintay! https://reurl.cc/n55KbX

Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng patutunguhan ng tao. Bukod dito, ito ay upang kilalanin ng lahat ng mga tao ang mga gawa at mga kilos Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na tama ang lahat ng nagawa Ko na, at na ang lahat ng nagawa Ko na ay pagpapahayag ng disposisyon Ko. Hindi kagagawan ng tao, lalong hindi ng kalikasan, ang nagluwal sa sangkatauhan, kundi Ako, na nag-aaruga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala ang pag-iral Ko, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; makakatagpo lamang ng sangkatauhan ang napakalamig na gabi at ang walang tinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng naglaladlad na gawain Ko, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna.

Hinango mula sa “Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na Nilalaman

 

Ang Matuwid na Disposisyon ng Lumikha ay Tunay at Malinaw

Ang Matuwid na Disposisyon ng Lumikha ay Tunay at Malinaw

Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon Kahit gaano man kagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive, sa sanda…

 

 

Mga salita tungkol sa pag-alam ng disposisyon at diwa ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Ang Diyos ay ang kung ano Siya at mayroon Siya ng kung ano ang mayroon Siya. Ang lahat ng ipinapahayag at...

 

Paano ba malalaman ang disposisyon ng Diyos mula sa Kanyang gawain

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Simula noong nagkaroon ng pamamahala ng Diyos, lagi na Siyang nakatalagang lubos sa pagsasagawa ng Kanya

 

Mga Piling Sanaysay


 

 

 

 

 

 

79757872_2734129923342653_7911204870172966912_o.jpg

 


🔥🔥📖📖Huwag palampasin ang post na ito! Gumugol ng 5 minuto sa pagbabasa ng artikulo sa link na ito at mula sa 5 palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, makukumpirma niyo kung ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Ito ang pinakamahalagang bagay para sa mga kapatid na naghahangad na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Hindi niyo dapat palalampasin ito!
👉
https://reurl.cc/Gbb3AW

75124015_622413051835910_5846759054721941504_n_resized (5).jpg

 

Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na

Madalas na nangyayari ngayon ang mga sakuna sa buong daigdig at ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesucristo ay sadyang natupad na. Nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ipinakikita sa iyo ng artikulong ito ang katuparan ng 5 propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, na makatutulong sa ating matiyak na nagbalik na nga talaga ang Panginoong Jesus. Sa artikulong ito, mahahanap mo ang paraan para maging matatalinong birhen at salubungin ang muling pagbabalik ng Panginoon.

Quick Navigation
1. Ang Paglitaw ng Lahat ng Uri ng mga Sakuna
2. Ang Pagpapanumbalik ng Israel
3. Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo
4. Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga Mananampalataya ay Lalamig
5. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Cristo at mga Huwad na Propeta

Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo (I): Ang Paglitaw ng Lahat ng Uri ng mga Sakuna

Palatandaan-ng-Pagbabalik-ni-CristoIsa sa mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon ay ang paglitaw ng mga sakuna sa buong mundo. Tulad ng sinasabi sa Mateo 24:6–8: “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” https://reurl.cc/Gbb3AW

Sa mga nakalipas na taon, mas lumalala nang lumala ang mga sakuna sa buong mundo—mga lindol, wildfires, taggutom, at mga salot na madalas nangyayari at laganap; nasa estado ng patuloy na kaguluhan at kapighatian ang mundo, dahil sa mga giyera, karahasan at pag-angat ng mga pag-atake ng terorista. Halimbawa, ang coronavirus-infected pneumonia, na naganap sa Wuhan, China sa huling yugto ng 2019, ay kumalat sa maraming bansa sa buong mundo, na nagdulot ng malubhang sitwasyon. Nasaksihan ng Estados Unidos ang paglaganap ng nakamamatay na flu, na nagdulot pagkamatay ng marami. Ang bushfire sa Australia ay tumagal ng ilang buwan mula Setyembre 2019, na nagdulot ng makabuluhang pinsala at pagkawala. Ang East Africa ay dumanas ng pinakamasamang pagsalakay ng mga balang sa disyerto sa loob ng 25 taon, na humantong sa krisis sa pagkain sa maraming bansa sa Africa. Noong Nobyembre 2019, ang pinakamalubhang pagbaha sa loob ng 50 taon ay tumama sa Venice, Italya, na may 80% ng lungsod na binaha. Sa simula ng 2020, ang isang blizzard na bihirang nakita sa loob ng isang siglo ay tumama sa Newfoundland, Canada. Ang malakas na pag-ulan ay nagpabaha sa Indonesia. Nagkaroon din ng lindol sa Kuril Islands, sa Elazig, Turkey, sa Caribbean malapit sa Cuba, at sa iba pang mga lugar. Tiyak na ang dumadalas na mga sakuna ay nagsisilbing paalala sa sangkatauhan sa mga huling araw mula sa Diyos, at mula sa mga ito makikita natin na ang biblikal na propesiyang ito ay matagal nang natutupad, at ang Panginoon ay muling dumating.

Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo (II): Ang Pagpapanumbalik ng Israel

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 32 hanggang 33: “Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw: Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.” Gaya ng alam nating lahat, ang pagsupling ng mga dahon ng puno ng igos ay binanggit patungkol sa pagpapanumbalik ng Israel. Naibalik ang Israel noong Mayo 14, 1948. Ang mga banal na kasulatang ito ay sinasabi sa atin na kapag nakita nating nanumbalik ang Israel, nasa pintuan na ang Anak ng tao. Mga ilang dekada na ang nakalipas mula nang manumbalik ang Israel. Kaya’t ang Panginoon ba ay matagal nang nakabalik? Malinaw na ang palatandaang ito ng pagbabalik ni Cristo ay naglitawan.

 

Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo (III): Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 14: “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” “At ipangangaral ang evangeliong ito ... sa buong sanglibutan” ay nangangahulugan na kapag narinig na ng buong sanglibutan ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, darating si Cristo. (Hindi ito nangangahulugan na bawat tao ay narinig ang ebanghelyo o kapag bawat tao ay nananamplataya kay Cristo.) Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at nakumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nag-umpisang gabayan ng Banal na Espiritu ang mga alagad at apostol upang magpatotoo sa Panginoong Jesus. Mula noon, unti-unting kumalat ang ebanghelyo ng Panginoon sa iba’t ibang pinagmulan, gaya ng radyo, ang Internet, mga aklat, mga patalastas ng ebanghelyo o ebanghelismo ng mga mananamplataya. Naging matatag ang Kristiyanismo sa buong mundo, at maraming mga bansa ang ginawa pang pambansang relihiyon ang Kristiyanismo. Matagal na ring kumalat ang mga Kristiyano sa buong mundo, at marami pa ang tumanggap sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa Tsina, na pinamumunuan ng isang partidong pampulitika ng ateyista. Matagal nang kumalat ang ebanghelyo ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa dulo ng mundo. Mga kapatid, pag-isipan ninyo ito sandali: Anong bansa, anong rehiyon sa mundo ang hindi pa nakakarinig ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus? https://reurl.cc/Gbb3AW

Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo (IV): Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga Mananampalataya ay Lalamig

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, talata 12: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” Lalo nang dumadami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon, at wala na ang paggawa ng Banal na Espiritu o presensiya ng Diyos doon. Kahit na ang iba ay tila may maalab na pananampalataya, naglalakad pa rin sila sa makamundong landas. Ang pag-iimbot ng kayamanan ay laganap sa mga mananampalataya, ang ilan ay nagbebenta ng iba’t ibang mga paninda sa kanilang mga iglesia, ang ilan ay nagnenegosyo at ang ilan ay nagpapatakbo ng mga pagawaan at inaabala ang kanilang mga sarili sa pagkita ng pera. Hindi nila iniisip na gumawa para sa Panginoon at namumuhay silang sangkot sa mga makamundong gusot. Kapag nangangaral ang mga pastor at mga nakatatanda, nagtutuon lamang sila sa pagpapaliwanag ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikal na teorya sa halip na ipangaral ang mga salita ng Panginoon. Hindi sila nagpapatotoo sa Panginoon o dinadakila ang Panginoon, at hindi nila ginagabayan ang mga mananampalataya na maghanap upang maintindihan ang kalooban ng Panginoon. Kaya naman, sa huli ay ginagabayan nila ang kanilang mga taga-pakinig sa loob ng kaalaman sa Biblia, at ang kanilang grupo ay lalong nagiging malayo sa Diyos. Ang ilan sa mga pastor at nakatatanda ay nakikipagtunggalian sa isa’t isa at sumasali sa pagtatalo dahil sa inggit, sa kalabisan ay bumubuo pa sila ng mga grupo, naghihiwalay sa iba’t ibang pangkat at mga gang, nagnanakaw ng mga alay, at wala nang pusong may takot sa Diyos. Hindi natin maiwasang maisip ang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan dahil sa mga bagay na ito, noong ang mga templo na puno ng biyaya ni Jehova noon ay tila napabayaan, nagbibigay ng hindi magagandang alay ang mga pari, at naging palengke ang templo. May kaibahan ba sa pagitan ng mga iglesia sa panahong ito at ang templo sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan? Mula rito ay makikita natin na ang palatandaan sa pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan, at na ang Panginoon ay nagbalik na.

Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo (V): Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Cristo at mga Huwad na Propeta

Sinasabi sa Marcos kabanata 13, talata 6, na nang tanungin ng mga alagad ang Panginoong Jesus kung ano ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo sa mga huling araw, sinabi ng Panginoong Jesus, “Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.” At nakatala sa Mateo kabanata 24, talata 24, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

Prinopesiya ng Panginoong Jesus na kapag nagbalik Siya sa mga huling araw, lilitaw ang mga huwad na Cristo at huwad na mga propeta. Sa mga nakalipas na taon, sunud-sunod na naglitawan ang mga huwad na Cristo at huwad na mga propeta sa mga bansang gaya ng China, South Korea, at Japan. Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na Cristo, at hindi lamang nila basta sinusubukang magpanggap gamit ang pangalan ni Jesus, ngunit sinusubukan din nilang gayahin ang mga senyales ng Panginoong Jesus at mga himala, nagpapagaling ng may sakit, nagpapalayas ng demonyo, atbp. Mula sa pagpapakita ng napakaraming huwad na Cristo, makikita natin na ang propesiyang ito tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na, dahil kapag naglitawan na ang mga huwad na Cristo, dumating na ang tunay na Cristo. Sa panahong ito, lalo tayong dapat na magkusa at hanapin ang pagpapakita at gawa ng Diyos. Marahil, maaaring sabihin ng ilang mga kapatid: “Ngayon, napakaraming mga huwad na Cristo at huwad na mga propeta ang lumitaw. Kung magkukusa tayong hanapin at imbestigahan sila, anong gagawin natin kapag nalinlang tayo?” Ngunit kung hindi tayo maghahanap at magsasaliksik sa pagpapakita at gawain ng Diyos dahil takot tayo na malinlang, hindi natin malalaman na nagbalik na ang Panginoon, at hindi ba’t dahil doon ay higit na maaari tayong maiwan? Hindi ba tayo titigil sa pagkain dahil takot tayong mabilaukan, at mawalan ng marami upang makapag-ipon ng kaunti? Mula rito, makikita natin na kalokohan ang pag-angkin ng saloobin ng walang-naririnig, walang-nakikita at walang-nahahawakan sa lahat ng nangangaral sa pagdating ng Panginoon dahil sa takot na malinlang. Kung nais nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kung ganoon ay mahalaga na magawang malaman ang kaibahan sa pagitan ng mga huwad na Cristo at ng tunay na Cristo. Tanging sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang Panginoon at hindi malilinlang. Kung ganoon, ano ang mga katangian ng isang huwad na Cristo? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan.” Mula sa mga salita ng Panginoon, makikita natin na ang pangunahing katangian ng mga huwad na Cristo ay: Makagagawa lamang sila ng mga simpleng tanda at mga kababalaghan at mangangaral ng mga kamalian na tila totoo ngunit mali talaga upang linlangin ang mga tao. Lubos na hindi nila magagawang magpahayag ng anumang katotohanan upang lutasin ang problema ng sangkatauhan ng pagkakasala at pangungumpisal, at hindi nila masasagip ang sangkatauhan mula sa kanilang pagiging tiwali. Ito ay dahil ang diwa ng mga huwad na Cristo ay sa mga lubhang masasamang espiritu, at wala silang tinataglay na katotohanan. Tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Tanging si Cristo lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, magpapakita sa atin ang daan at magbibigay sa atin ng buhay. Lahat ng mga hindi makapagpapahayag ng katotohanan upang tustusan tayo at magagawa lamang magpakita ng mga simpleng tanda at kababalaghan ay mga huwad na Cristo—ito ang pangunahing prinsipyo kung paano makikilala ang mga huwad na Cristo mula sa totoong Cristo. Gamit ang mga salita ng Panginoon bilang ating basehan, hindi natin kailangang mag-alala na malinlang tayo. Kung paano partikular na malalaman ang kaibahan sa pagitan ng mga huwad na Cristo at ng tunay na Cristo, panoorin ang napakagandang bahagi ng pelikulang ito, Paano Malalaman ang Kaibahan sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo. https://reurl.cc/Gbb3AW

Mula sa mga katotohanan sa taas, makikita natin na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan na—nagbalik na ang Panginoon. Gayunman, maraming mga tao ang tiyak na magtatanong: “Kung nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa natin Siya sinasalubong?” Naisip mo na ba na maaaring may mali sa paraan ng pagsasagawa natin ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus? Pagdating sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, maraming mga tao ang ginagawang numero unong prayoridad ang dumepensa laban sa mga huwad na Cristo. Kumakapit sila sa kanilang mga konsepto at pag-iisip at naniniwala na ang lahat nang nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon ay huwad, at hindi niya binibigyang pansin kung paano maging matalinong dalaga at marinig ang tinig ng Diyos. Paano natin masasalubong ang Panginoon sa pagsasagawa sa ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Lucas 11:9). “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios” (Mateo 5:3, 8). Tapat ang Panginoon, at hangga’t mayroon tayong pusong-naghahanap, aktibong sinasaliksik ang pagpapakita ng Panginoon at gawain sa mga huling araw, masigasig na nakikinig sa tinig ng Panginoon, at tinitingnan kung ang paraan bang ito ay may kahit anong pagpapahayag ng katotohanan at kung makapagtutustos ba ito sa atin ng buhay o hindi, kung ganoon ay tiyak na gagabayan tayo ng Panginoon upang makilala ang Kanyang ikalawang pagdating!

Tala ng Patnugot:

Sa pamamagitan ng pagbabasa sa artikulong ito, nauunawaan na natin ngayon na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan na. Kung gayon ay paano ba natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus? Nirerekomenda namin ang gospel page na Ang Tagapagligtas ay Nakabalik Na sa mga Huling Araw, upang maaari nating ipagpatuloy ang paghahanap at tingnan ang aspetong ito ng katotohanan. Kung mayroon ka pang paliwanag, kaliwanagan o nahihirapan sa artikulong ito, mag-iwan ka ng comment, o kausapin kami online sa pamamagitan ng aming live chat sa webpage.

 

Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagbalik na Panginoong Jesus

Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagbalik na Panginoong Jesus

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay…
 

Ang Mga Sakuna ay Nagaganap: Paano Tayo Dapat Tunay na Magsisi upang Makamit ang Proteksyon ng Diyos?

Ang Mga Sakuna ay Nagaganap: Paano Tayo Dapat Tunay na Magsisi upang Makamit ang Proteksyon ng Diyos?

Sunod-sunod na nagaganap ang mga sakuna. Ano ang kalooban ng Diyos sa likod nito? Paano tayo dapat magsisi sa Diyos upang makamit ang Kanyang proteksyon? Basahin ang artikulong ito upang malaman.
 

Bakit Itinanong ng Panginoong Jesus kay Pedro nang 3 Beses “Iniibig Mo Baga Ako?”

Bakit Itinanong ng Panginoong Jesus kay Pedro nang 3 Beses “Iniibig Mo Baga Ako?”

Marami ang nalilito kung bakit tinanong nang 3 beses ng Panginoong Jesus si Pedro ng “Iniibig Mo Baga Ako?”. Ano ang dapat nating matutunan mula sa mga katanungan ng Panginoon? Basahin upang malaman ang mga detalye.
 

Taglay Mo Ba ang Pananampalataya ng Babaeng Taga-Canaan?

Taglay Mo Ba ang Pananampalataya ng Babaeng Taga-Canaan?

Naitala ng Bagong Tipan: “At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, ‘Kahabagan Mo ako, Oh P…

 

Handa ba kayong tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon at maging pinakamasaya at pinakamapalad na tao sa mundo? I-click ang Messenger link, at tutulungan ka naming mahanap ang landas.
👉
https://m.me/GodCovenantKnowGod?ref=XR--aujsb_zy060num=1850035

maxresdefault - 2020-03-24T233802.793.jpg

 


 

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()