🎄🎄🤔🤔Isang Tanong na Maaaring Hindi Mo Naisip: Paano Natin Dapat Ituring ang Pasko Ayon sa Kalooban ng Diyos?
bumibili ka rin ba ng mga regalo sa Pasko🎁🎁, nagtatanghal, o nakikisalo sa mga kapatid upang ipagdiwang ang pista? Pagkatapos ay naisip mo na ba ang mga sumusunod? Paano tinitingnan ng Panginoon ang ating mga pagsasagawa? Paano natin dapat ituring ang Pasko sa paraang nakaayon sa puso ng Panginoon?
😀😀Kung gusto mong malaman ang sagot, pindutin ang blue link upang basahin ang artikulo. Makakagarantiya kang marami ang matatamo mo.
👉
https://reurl.cc/YjM4px
Kung mayroon kayong anumang pagkalito o mga katanungan tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, huwag mag-atubiling sabihin sa akin sa seksyon ng komento o sa pamamagitan ng Messenger, at tutulungan ko kayo na makita ang sagot sa mga salita ng Diyos.
👉
https://m.me/PanginoongJesuCristo888?ref=website--aujsb_sjx001num=2342347
Sundan ang mga Yapak ni Jesus
#pasko #Jesus #bisperas_ng_Pasko
#ang_kapanganakan_ni_Jesus
#kaligtasan_ng_Diyos

60492322_1125656590952321_3934678788939448320_n.jpg

 

Paano Natin Dapat Ituring ang Pasko nang Ayon sa Kalooban ng Diyos?

Ang Pinagmulan ng Pasko

Taun-taon, kapag papalapit ang Pasko, ang mga tindahan sa kalye ay nag-aayos ng nakasisilaw na display ng mga regalo sa Pasko, na may mga Santa Claus at mga Christmas tree, at iba pa. Nakapalamuti sa mga puno at sa mga gusali ang maraming kulay na mga ilaw, at ang buong lungsod ay pinapalamutian ng mga parol at kinulayang pabitin, at kahit saan ay may kagalakan at pananabik. Para sa Kristiyanismo, ang Pasko ay isang napaka-espesyal na kapistahan, at ilang buwan bago ang Pasko, maraming simbahan ang magsisimulang abalahin ang kanilang sarili sa paghahanda ng lahat ng kailangan para sa Kapaskuhan. Sa mismong Araw ng Pasko, napupuno ang mga simbahan, at ang mga kapatid ay nakikibahagi sa mga pagdiriwang, kumakain ng hapunan sa Pasko, nagsasagawa ng mga pagtatanghal at sumasamba sa Panginoong Jesus, at iba pa. Bakas sa mukha ng lahat ang kaligayahan. Gayunpaman, kapag tayo ay nagsasama-sama sa masasayang pagtitipon upang ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, nauunawaan ba natin ang kahulugan ng Pasko? Marahil ay sasabihin ng mga kapatid, “Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan, at upang alalahanin at ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, itinatag ng mga Kristiyano ang Pasko. Bagaman ang espesipikong araw kung kailan isinilang ang Panginoong Jesus ay hindi nakatala sa Biblia, ang Pasko ay unti-unting naging isang pandaigdig na kapistahan sa panahon ng pagpapalawak ng ebanghelyo ni Jesucristo.” Maaaring alam na natin ito, ngunit alam ba natin ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kalooban para sa atin na talagang nakatago sa likod ng pagsilang ng Panginoong Jesus? At paano natin dapat ituring ang Pasko sa paraang umaayon sa puso ng Panginoon? https://reurl.cc/YjM4px

pasko,kalooban ng Diyos

Ang Panginoong Jesus ay Ipinanganak Dahil sa Pag-ibig at Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan

Sa simula, gumawa si Jehova sa anyo ng Espiritu sa gitna ng tao, ginamit Niya si Moises para ipahayag ang Kanyang mga batas at kautusan, ginabayan Niya ang sangkatauhan kung paano mamuhay sa lupa, ipinaalam Niya sa mga tao kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, kung paano sambahin ang Diyos, at iba pa. Ngunit nang ang Kapanahunan ng Kautusan ay malapit nang magwakas, dahil ang sangkatauhan ay tinitiwali ni Satanas nang mas malalim, ang tao ay hindi makasunod sa mga batas at wala nang sapat na mga handog para sa kasalanan na maaari nilang gawin na makapagpapawalang-bisa sa kanilang mga kasalanan; ang mga tao ay naharap sa panganib na mahatulan at masentensiyahan ng kamatayan ng mga batas anumang oras. Hindi kayang makita ng Diyos ang sangkatauhan, na ginawa Niya gamit ang Kanyang sariling mga kamay, na mawasak sa ganoong paraan. Upang tulutan ang sangkatauhan na mabuhay, samakatuwid, bumaba ang Diyos mula sa langit at nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesucristo, nagpakita Siya at isinakatuparan ang Kanyang mga gawain, ipinahayag Niya ang daan ng “Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), tinuruan Niya ang mga tao na maging mapagparaya, matiyaga at mahalin ang kanilang mga kaaway, at patawarin ang mga tao nang pitumpung beses na makapito. Nagpagaling din Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng maraming tanda at kababalaghan at, sa huli, Siya ay ipinako sa krus, sa gayon ay tinutubos ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan. Hangga’t tinatanggap natin ang Panginoong Jesus bilang ating Tagapagligtas at taos-pusong nananalangin sa Panginoon, ikinukumpisal ang ating mga kasalanan at nagsisisi, kung gayon ang ating mga kasalanan ay pinapatawad, at maaari nating matamasa ang kapayapaan, kagalakan at lahat ng kasaganaan ng biyaya na nagmumula sa Panginoon. Masasabing, dahil lamang sa isinilang ang Panginoong Jesus at personal na nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang gawain ng pagtubos, nagawang iwasan ng sangkatauhan ang pagsumpa at ang mga tanikala ng batas, at sa gayon ay hindi na sasailalim na makondena at mahatulan ng kamatayan. Dahil lamang sa isinilang ang Panginoong Jesus, ang mga sumunod sa Kanya ay natamasa ang tunay na kapayapaan at kagalakan. Higit pa rito, dahil lamang sa isinilang ang Panginoong Jesus, at ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao sa isang ordinaryong katawan, gamit ang wika ng sangkatauhan upang sabihin ang Kanyang mga pagbigkas, mas malinaw nating nalalaman mula sa mga salita ng Panginoon ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, maaari tayong magkaroon ng mas bago, mas mataas na kasanayan, at ang ating relasyon sa Diyos ay maaaring maging mas malapit. Ang nasa likod ng pagdating ng Panginoong Jesus sa lupa, ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan at pagkumpleto ng gawain ng pagpapapako sa krus, ay puno ng masusing pagsisikap ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan—ito ay ang pag-ibig at awa ng Diyos sa atin na tiwaling sangkatauhan!

Ano ang Kalooban at mga Kinakailangan ng Panginoong Jesus sa Atin

Bagaman nang tapusin ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, Siya ay nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit, upang alalahanin ang Kanyang kapanganakan, maraming tao ang nag-organisa ng mga salu-salo sa gabi ng Pasko, nagsasagawa sila ng mga pagtatanghal at ipinagdiriwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus. Ngunit nagkaroon na ba tayo ng kamalayan kailanman kung ano ang kahulugan ng Pasko, at kung ano ang kalooban at mga kinakailangan ng Panginoong Jesus sa atin? Ano nga ba ang dapat nating gawin upang masiyahan ang Diyos at matamo ang Kanyang papuri? https://reurl.cc/YjM4px

Sinabi ng Panginoong Jesus: “Dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. … Datapuwat dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa Espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kanya (Juan 4:21, 23). Nauunawaan natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na inaasam ng Panginoon na sambahin natin ang Diyos sa espiritu at katotohanan, at hindi mahigpit na sumunod sa lahat ng uri ng pormalidad o makisali sa mga aktibidad. Ang mga Fariseo, punong saserdote at mga eskriba sa templo noong unang panahon ay nakatuon lamang sa pagsasagawa ng iba’t ibang relihiyosong seremonya at pagkapit sa mga tuntunin. Araw-araw, nag-aalay sila para sambahin ang Diyos, ngunit hindi nila gaanong pinapansin ang pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos, ni sinunod nila ang mga utos ni Jehova, anupa’t tinalikuran pa nga nila ang mga utos ng Diyos at sumunod lamang sa mga tradisyon ng tao. Sa huli, hindi lamang sa hindi sila nakakuha ng papuri ng Diyos, bagkus sila ay kinasuklaman at isinumpa ng Panginoong Jesus. Kung ang mga simbahan ngayon ay nagdaraos ng malalaking pagdiriwang sa Pasko, ito ay panandaliang simbuyo ng pananabik; lahat ay nagtitipon sa kagalakan at kaligayahan, ngunit hindi natin tunay na sinasamba ang Panginoon, o ginagamit ang pagkakataong ito para maunawaan ang Kanyang kalooban o magkaroon ng kaalaman tungkol sa Kanya, kaya hindi natin matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoong Jesus. Sa katunayan, mula nang opisyal na sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain hanggang sa natapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at nagtakda ng maraming kinakailangan sa atin. Ang kalooban ng Panginoon ay ang umasam na lahat tayo ay tutuon sa pagsasabuhay ng Kanyang mga salita, at pagsunod sa Kanyang mga turo sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar, anuman ang mga isyu o mga tao na maaaring makaharap natin. Ito ang hinihingi sa atin ng Panginoon, at ito ang pinakapangunahing prinsipyo ng pagsasagawa para sa ating mga naniniwala sa Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung kayo’y magsisipanatili sa Aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko” (Juan 8:31), “Kayo’y Aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na Aking iniuutos sa inyo” (Juan 15:14). Kaya naman makikita na, sa ating normal na buhay at sa ating pakikitungo sa ibang tao, napakahalagang tumuon sa pagsasagawa ng alinsunod sa mga salita ng Panginoon, sapagkat ito ay isang bagay na kung saan ay dapat makamit nang higit sa lahat ng mga tunay na naniniwala sa Diyos at sumasamba sa Diyos.

Tunay Ba Nating Sinasamba ang Panginoon?

Ngayon, maraming mga kapatid ang pumupunta sa simbahan sa Pasko upang ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, magdasal nang sama-sama, magbasa ng Biblia nang sama-sama, at sabay-sabay na umawit ng mga papuri sa Panginoon. Pero sa nalalabing oras, abala tayo sa ating mga trabaho at karera o sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao. Napakadalang nating patahimikin ang ating sarili sa harap ng Panginoon at basahing padasal ang Kanyang mga salita o maghangad na maunawaan ang Kanyang kalooban. Ang ilang mga kapatid ay madalas na dumadalo sa mga pagpupulong, ngunit bihira silang magsanay at maranasan ang mga salita ng Panginoon sa kanilang buhay, nabubuhay pa rin sila sa kasalanan, at ang kanilang mga kasalanan ay mabilis na lumalago. Halimbawa, hinihingi ng Panginoong Jesus na tayo ay maging mapagpakumbaba at mahinahon, ngunit habang tayo ay nakikisama at gumagawa kasama ng mga kamanggagawa at kasama ng mga kapatid sa iglesia, pinangungunahan tayo ng ating mga mapagmataas na disposisyon, nakikita natin ang sarili nating mga pananaw at ideya bilang perpekto at ipinagtatanggol natin ang ating sarili, at hindi natin kayang makipagkapwa-tao sa iba. Hinihingi ng Panginoong Jesus na matuto tayong magpatawad sa iba at mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ngunit kapag ang iba ay lumalabag sa ating mga interes, nakadarama tayo ng pagkaagrabyado, kaya’t tayo ay namumuhay ayon sa nakalalasong disposisyon ni Satanas, at hinuhusgahan at kinokondena natin ang ibang mga tao. Hinihingi ng Panginoong Jesus na ihiwalay natin ang ating mga sarili sa mga makamundong tao, ngunit sa ating paghahangad ng makamundong katanyagan, katayuan at pisikal na kasiyahan, sinusunod natin ang masasamang kalakaran ng mundo, nabubuhay tayo sa kasalanan at lalo tayong lumalayo sa Panginoon. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa kung paano tayo nabibigong isabuhay sa pagsunod sa mga kinakailangan ng Panginoon. Bagama’t binibigyan natin ng malaking kahalagahan ang pagsasagawa ng mga seremonyang panrelihiyon, at nakatuon tayo sa pasasalamat sa pagliligtas ng Panginoon at pinupuri natin ang Panginoon sa mga tiyak na araw ng iba’t ibang mga kapistahan, gayunpaman hindi natin sinusunod ang daan ng Panginoon at madalas tayong nabubuhay sa kasalanan. Ganito ba tayo sumasamba sa Panginoong Jesus? Talaga bang pupurihin tayo ng Panginoon dahil dito? Kunin bilang halimbawa kapag pinalaki ng mga magulang ang kanilang anak hanggang sa hustong-gulang. Kung ang bata ay tunay na matino at mapagmahal sa magulang, kanyang papahalagahang malaman kung ano ang gusto at kung ano ang hindi gusto ng kanyang mga magulang, at sa tuwing gumagawa siya ng anumang bagay para sa kanyang mga magulang, lagi niyang alam kung ano ang gagawin upang masiyahan sila. Ngunit kung ang gagawin lang niya ay magdaos ng isang malaking salu-salo sa mga kaarawan ng kanyang mga magulang, at sabihin lang na, "Mahal ko kayo, nanay at tatay!" at kapag talagang kailangan siya ng kanyang mga magulang ay napakaabala niya sa sariling buhay upang tuparin ang pampamilyang responsibilidad, masasabi bang tunay siyang mapagmahal sa magulang?

Paano Umayon sa Kalooban ng Diyos at Matamo ang Kanyang Papuri

Kung gusto nating maging mga taong tunay na sumasamba sa Diyos at makamit ang Kanyang papuri, ang susi ay ang magsanay ayon sa mga salita ng Diyos, ang dakilain ang Diyos sa ating mga puso, ang tumutok sa pagsunod sa daan ng Panginoon sa lahat ng bagay, ang unahin ang mga salita ng Panginoon, at gamitin ang aktwal nating isinasabuhay upang magpatotoo sa Diyos at luwalhatiin ang Diyos. Siyempre, ang ilang mga kapatid ay nagtitipon sa Pasko upang umawit ng mga himno at purihin ang Panginoon, upang makipagpalitan sa isa’t isa ng ating mga karanasan at kaalaman sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon sa ating buhay, upang suportahan at tulungan ang isa’t isa na lutasin ang mga isyu sa ating espirituwal na buhay, at upang paglapitin ang distansya sa pagitan natin at ng Diyos, at ito ay umaayon din sa kalooban ng Diyos. Higit pa rito, kapag nalalapit na ang Pasko, marami na ngayong mga bansa sa kanluran na nag-oorganisa ng mga kaganapan sa kawanggawa para sa mga inuusig na Kristiyano at mga taong walang tirahan, at nagtitipon ng mga taong naghahanap ng masisilungan at mga inuusig na Kristiyanong refugee mula sa buong mundo upang makapagpalitan sila ng mga karanasan sa bawat isa, kaya nagagawa nilang madama ang init ng Diyos sa napakaginaw na taglamig. Ito rin ang mga bagay na tatandaan ng Diyos. Sa madaling salita, ang holiday mismo ay hindi mahalaga at ang lahat ng iba’t ibang seremonya ay hindi mahalaga. Ang pinakamahalaga ay ang mga salita ng Panginoong Jesus at ang mga bagay na hinihingi Niya sa atin. Ang magkaroon ng pusong may takot sa Diyos at hanapin ang kalooban ng Panginoon sa lahat ng bagay, isagawa ang mga salita ng Panginoon at bigyang-kasiyahan ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtugon sa Kanyang mga kinakailangan—ito ang pinakamahalaga. Sa pamamagitan lamang ng pagsasanay sa ganitong paraan tayo ay tunay na sumasamba sa Panginoong Jesus at nakakamit ang Kanyang papuri. https://reurl.cc/YjM4px

Salamat sa pagbibigay-liwanag at paggabay ng Diyos, at Siya nawa ay sumaating lahat!

Rekomendasyon:

 

 

52935515_1415593631914983_6319933123526131712_n.jpg

 

向內求,不要向外求。學佛人是內求,求心里平安,求心裡舒服,不朝外求。你死了,你的孩子還是你的嗎?人生如夢,切勿自迷啊。睡一覺說不定就死了,不要自己迷惑,要無我、無人、無眾生。什麼都要想得開,我有什麼?人家說我又怎麼樣?連眾生都沒有了,光了,境界就高了,度盡眾生就是學佛人。你把眾生全度完了,你不就無人了嗎?不就無眾生了嗎?
要記住,三心不可得,就沒有得失了。如果你這個三心不可得,你在這個人間就沒有得失,你得到什麼?你失去什麼?三心是什麼?你們坐在下面,師父隨便叫一個站起來回答,好嗎?你們幾個人講得出來?你們能講得出來的舉手,師父給你們一個面子。看見了吧?不是跟你們開玩笑的,要真學。“過去心不可得,現在心不可得,未來心不可得”,叫三心不可得。過去已經過去了,就不要再去講了;未來還沒有到,也不要去講了;現在已經過去了,又能怎麼樣呢?不要去執著在這些心上面,聽得懂嗎?
⛅️——白話佛法>>第六冊26、《覺性圓滿常見佛性》

269760336_4959677234052406_4331543633067990283_n.jpg

 

#法界佛陀教育学院 #釋迦牟尼佛 #阿彌陀佛
常修梵行《戒邪淫系列 大安法師開示》【視頻】
https://reurl.cc/V5GNdn
459770.jpg

 

你今天的不好是你自己招來的,
你今天的好也是你自己修來的。
你今天的痛苦是你自己長時間種的因果。
你長時間的不好,你長時間的恨人家就造成了你的心藏出毛病,最後造成你的死亡。
所以我們學佛要懂因果。
《因果》兩個字師父給你們講上ㄧ輩子也講不完。
《因果》是人生最大的ㄧ個課題,也是佛菩薩交給我們的ㄧ個最大的責任。
因為你在人間,你必須要讓每個人都懂得《因果》定律。
師父現在到處弘法,實際上就是告訴大家《因果》兩個字。
#白話佛法三——19,善惡果報,唯人自招。。。⛅️。。。

269519429_4962870627066400_6940055263187959884_n.jpg

 

人为什么会烦恼?有时因为一件事情、一句话,又因为每一件事情我们不一定能够全部地看清,因为每一件事情都有是和非,所以才引起了我们的烦恼。当一个人看不到真相,你就会烦恼。当一个人被别人欺负的时候,你觉得这个世界不公平。实际上,树有根,水有源,任何种的因一定会得到果报的源。当一个人得不到,他就会瞋恨,所以佛陀才叫我们不要贪图不应该属于我们的事物。学佛人要记住,不要做是非,不要谈是非,不要去想是非,就没有任何是非来找你啊。

《摘自:2019年10月19日🇲🇾吉隆坡》

269849643_1726133577592274_2641154803089375016_n.jpg


🔔🔔 Disyembre 25, 2021
Sinabi ng Panginoong Jesus,""Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko"" (Juan 14:6). ""Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan.""
Sa mga salita ng Diyos, makikita natin: Ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmula sa Diyos, at si Cristo lamang ang nagtataglay ng daan ng buhay.  Ang gawain at mga salita ni Cristo, kung ano ang mayroon Siya at ano Siya ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.  Ito ang diwa ni Cristo.  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at ipinagkaloob ang daan ng pagsisisi sa tao, na pinatawad ang mga kasalanan ng tao. Ipinropesiya Niya na Siya ay babalik at ibibigay ang lahat ng katotohanan sa tao.
Ngayon, ang Panginoon ay matagal nang bumalik sa mga huling araw, Siya ang Makapangyarihang Diyos. Ginawa Niya ang gawain ng paghatol at dinala ang daan ng buhay na walang hanggan upang linisin ang ating mga kasalanan upang tayo ay maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit at makakuha ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng katotohanan na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw tayo maaaring magkaroon ng isang landas ng pagsasagawa at makakuha ng buhay na walang hanggan.
 Kung nais mong matuto nang higit pa at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon, mangyaring pakitingnan ang link.
⭐️⋰📖⋱⭐️
https://reurl.cc/gzgeAp
Kung gusto mong matuto nang higit pa, mangyaring huwag mag-atubiling i-click ang link upang sumali sa aming online fellowship. Kami ay palaging available upang makipag-usap sa iyo.
👉👉👉
https://m.me/tl.kingdomsalvation?ref=subscribe--skyl_xz044num=gdzy1225

270109590_692082355509339_8174387753942106234_n.png

 

Paano malalaman na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay

Abril 15, 2018

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos. Ito rin nang pasimula’y sumasa Diyos” (Juan 1:1–2).

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).

“Ang mga salitang sinalita Ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63). https://reurl.cc/gzgeAp

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung sinusubukan mo lamang na hawakan ang nakaraan, sinusubukan lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka nila maaakay para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Napagyayaman lamang ng mga banal na kasulatang binabasa mo ang dila mo at hindi ng mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi sa mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagmumuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba pinagtatanto ka nito sa mga hiwagang sumasaloob? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi kailanman makakamit ang buhay.

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. https://reurl.cc/gzgeAp

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang pasimulan ang bagong kapanahunan, baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa, at gawin ang gawain ng buong kapanahunan. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay naging tao para magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, upang tunay na makita ng tao ang Diyos, na Siyang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, at mamasdan ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha. Ang gayong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao, na siyang tunay na kahulugan ng paggamit ng mga salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang nararapat pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng mga salita, ang kabuuan ng gawaing nais gawin ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, ang mga tao ay inilalantad, inaalis, at sinusubukan. Nakita na ng mga tao ang mga salita ng Diyos, narinig ang mga salitang ito, at kinilala ang pag-iral ng mga salitang ito. Dahil dito, naniwala na sila sa pag-iral ng Diyos, sa walang-hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos sa tao at sa Kanyang hangaring iligtas ang tao. Ang salitang “mga salita” ay maaaring simple at ordinaryo, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob, binabago ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng ngayon ang nakagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at pumaparito upang iligtas ang tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, na inaakay at tinutustusan ng Kanyang mga salita. Nabubuhay ang mga tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at mas marami pang taong nagsimulang mabuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, ginabayan Niya ang mga tao sa buong sansinukob gamit ang mga salita, at nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita. Sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala.

Hinango mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Salita ay nagkatawang-tao at ang Espiritu ng katotohanan ay nagkatotoo sa katawang-tao—na lahat ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, ay naparito na sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay talagang dumating na sa lupa at ang Espiritu ay naparito na sa katawang-tao. Bagama’t, sa tingin, mukhang naiiba ito mula sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa gawaing ito nagagawa mong makita nang malinaw na ang Espiritu ay naisakatuparan na sa katawang-tao, at, bukod pa rito, ang Salita ay nagkatawang-tao na at ang Salita ay nagpakita na sa katawang-tao. Nagagawa mong maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salitang: “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” Bukod pa rito, kailangan mong maunawaan na ang Salita sa ngayon ay ang Diyos, at masdan na ang Salita ay naging tao. Ito ang pinakamagandang patotoong maibabahagi mo. Pinatutunayan nito na taglay mo ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos na naging tao—hindi mo lamang nagagawang makilala Siya, kundi nababatid mo rin na ang landas na iyong tinatahak sa ngayon ay ang landas ng buhay, at ang landas ng katotohanan. Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng “ang Verbo ay sumasa Dios”: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking katunayan na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng “ang Salita ay naging tao,” nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios,” at tinutulutan ka na matibay na paniwalaan ang mga salitang “Nang pasimula siya ang Verbo.” Na ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ay may taglay na mga salita ang Diyos, ang Kanyang mga salita ay sumasa Kanya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at sa huling kapanahunan, lalo pa Niyang nililinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang daan—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng huling kapanahunan. Kailangan mong maunawaan ang mga bagay na ito nang lubus-lubusan. Hindi ito tungkol sa pagkilala sa katawang-tao, kundi kung ano ang pagkaunawa mo sa katawang-tao at sa Salita. Ito ang patotoo na kailangan mong ibahagi, yaong kailangang malaman ng lahat. https://reurl.cc/gzgeAp

Hinango mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nag-aangat sa Kanya mula sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa dating narinig. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang sinumang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming mga hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring di-malirip sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng lahat ng gawain Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya, gaya ng inaakala ng mga tao, isang simpleng katawang-tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa mga kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng mga lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na mabatid, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mga mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, magdadaan ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, malulublob sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging pangunahing mga makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ilalapat ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, mapupunta kayong lahat sa kalagayang kung saan magsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay, at mananalangin para sa kamatayan nang walang kakayahang mamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makaparoroon sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa matindi ninyong mga kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?

… Ang katunayan na nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, gayundin magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daang dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpaluwag sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba karapat-dapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?

Gagawin sa pamamagitan ng karaniwang taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, makapagpapasiya Siya sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyo sa Kanya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong mapaniwala? Hindi ba sapat ang pagsaksi sa Kanyang mga gawa upang lubos kayong mapaniwala? O hindi ba karapat-dapat para sa inyo na lakaran ang landas na Kanyang dinadala? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na kasuklaman Siya at itaboy Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang naghahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng ngayon, hindi kailanman makakamit ng yaong mga bumababa mula sa krus ang pag-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagdating ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magigiging karapat-dapat, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak.

Hinango mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Patuloy ang Diyos sa Kanyang mga pagbigkas, na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan at pananaw upang pagsabihan tayo kung ano ang dapat nating gawin habang, kasabay nito, isinasatinig ang nilalaman ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan ng buhay, na ipinapakita sa atin ang daan na dapat nating tahakin, at binibigyang-kakayahan tayo na maunawaan kung ano ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, nagsisimula tayong magtuon sa tono at paraan ng Kanyang pagsasalita, at hindi sinasadyang nagsisimula tayong magkainteres sa kaloob-loobang damdamin ng ordinaryong taong ito. Nagsusumikap Siya sa paggawa para sa atin, nagtitiis ng puyat at gutom para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumaraing sa sakit para sa atin, nagdaranas ng kahihiyan para sa kapakanan ng ating patutunguhan at kaligtasan, at lumuluha at nagdurugo ang Kanyang puso dahil sa ating pagkamanhid at pagkasuwail. Ang ganitong pagiging kung ano Siya at mayroon siya ay hindi angkin ng ordinaryong tao, ni hindi ito maaaring taglayin o makamit ng sinumang nilalang na ginawang tiwali. Siya ay nagpapakita ng pagpaparaya at pagtitiis na hindi taglay ng ordinaryong tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi isang bagay na ipinagkaloob sa sinumang nilalang. Walang sinuman maliban sa Kanya ang nakakaalam sa lahat ng ating iniisip, o may napakalinaw at ganap na pagkaintindi sa ating likas na pagkatao at diwa, o makakahatol sa pagkasuwail at katiwalian ng sangkatauhan, o nakapagsasalita sa atin at nakagagawa sa atin na kagaya nito sa ngalan ng Diyos sa langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang pinagkakalooban ng awtoridad, karunungan, at dangal ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos ay lumalabas, nang buung-buo, sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapagpapakita sa atin ng daan at makapaghahatid sa atin ng liwanag. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapaghahayag ng mga hiwagang hindi pa naipaalam ng Diyos mula noong paglikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapagliligtas sa atin mula sa pagkaalipin kay Satanas at sa ating sariling tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos. Ipinapahayag Niya ang nasa kaibuturan ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Nagsimula na Siya ng isang bagong kapanahunan, isang bagong panahon, at nagpasimula ng isang bagong langit at lupa at bagong gawain, at naghatid Siya sa atin ng pag-asa, na nagwawakas sa ating naging pamumuhay sa kalabuan at hinahayaang lubos na mamasdan ng ating buong pagkatao, nang buong kalinawan, ang landas tungo sa kaligtasan. Nalupig na Niya ang ating buong pagkatao at naangkin ang ating puso. Mula noong sandaling iyon, nagkamalay na ang ating isipan, at tila muling nabuhay ang ating espiritu: Ang ordinaryo at hamak na taong ito, na namumuhay sa ating paligid at matagal na nating tinanggihan—hindi ba Siya ang Panginoong Jesus, na lagi nang nasa ating isipan, sa paggising man o sa panaginip, at ating kinasasabikan gabi’t araw? Siya nga! Siya talaga! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Binigyan Niya tayo ng kakayahang muling mabuhay at makita ang liwanag at pinatigil na ang ating puso sa paglihis. Nagbalik na tayo sa tahanan ng Diyos, nagbalik na tayo sa harap ng Kanyang luklukan, kaharap natin Siya, nasaksihan na natin ang Kanyang mukha, at nakita na natin ang daan tungo sa hinaharap. https://reurl.cc/gzgeAp

Hinango mula sa “Pagmamasid sa Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

 

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

 

Bakit sinasabi na higit na kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o...

 

Ano ang pagkakatawang-tao at ang diwa nito

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Ang “pagkakatawang-tao” ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng...

 

 

Ang mahahalagang kaibahan sa pagitan ng Diyos na nagkatawang-tao at ng mga taong ginagamit ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Esp

 

 

 

 

 

 

 

 

 

69816098_1644541509011562_3156917115655553024_n.jpg

 

 

 

 

 

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()