Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)
Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan
Matapos mapakinggan ang lahat ng aking nasabi, ang inyo bang pag-iisip tungkol sa kapalaran ay nagbago? Ano ang inyong pagkakaunawa sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran? Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos bawat tao ay aktibo o walang kibo na tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa ang isa ay nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa kadami ang mga baluktot na daan na nilalakaran ng isa, sa katapusan ang isa ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang kawalan ng kayang gumapi ng awtoridad ng Maylalang, ang paraan na kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang kawalan ng kayang gumaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, na may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na hinahayaan ang mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na nagpapainog sa mundo ng regular at nagpapasulong, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan mo ang lahat ng mga katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, kahit na sa mababaw o mapataimtim; ang lalim ng iyong pagkaunawa ay nakabatay sa iyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at iyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan. Kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kainam na nakikilala ang diwa at disposisyon ng Diyos—ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa kung ang mga nilalang na tao ay napapasailalim sa kanila? Ang katotohanan na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay nagpapasiya ba kung ang sangkatauhan ay napapasailalim dito? Ang awtoridad ng Diyos ay umiiral hindi alintana ang mga kalagayan; sa lahat ng mga sitwasyon, ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng bawat pantaong kapalaran at lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga naisin. Hindi ito mababago sapagkat nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring mapalitan ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Kahit pa ang tao ay kinikilala at tinatanggap ng tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kahit pa nagpapasailalim dito ang tao, ay hindi sa bahagya mang paraan nababago ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran. Na ibig sabihin, kahit ano pa ang maging saloobin ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito simpleng maaaring baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa pantaong kapalaran at sa lahat ng mga bagay. Kahit na hindi ka napapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, inaatasan pa rin Niya ang iyong kapalaran; kahit na hindi mo maaaring makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, ang Kanyang awtoridad pa rin ang umiiral. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran ay hindi umaasa sa pantaong kalooban, hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pagpipilian ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa bawat oras, at bawat saglit. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay kailanman di-papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi natatakdaan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy palagi ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay, naglalaan para sa lahat ng mga bagay, pinagtutugma ang lahat ng mga bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!https://reurl.cc/MbjRm3
Ang Wastong Saloobin at Pagsasagawa para sa Isa na Nagnanais Magpasailalim sa Awtoridad ng Diyos
Anong saloobin ang ngayon ay dapat malaman ng tao at pagsasaalang-alang sa awtoridad ng Diyos, ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran? Ito ay tunay na problema na nasa harap ng bawat tao. Kapag nahaharap sa tunay-na-buhay na mga problema, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at Kanyang dakilang kapangyarihan? Kapag hindi mo alam kung paano unawain, hawakan, at danasin ang mga problemang ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyon, iyong pagnanais, ang iyong realidad ng pagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una dapat mong matutunan ang maghintay; pagkatapos dapat mong matutunang humanap; pagkatapos dapat mong matutunan ang pagpapasailalim. Ang “paghihintay” ay nangangahulungan na paghihintay sa panahon ng Diyos, naghihintay sa mga tao, sa mga pangyayari, at sa mga bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay para sa Kanyang kalooban na unti-unting ibunyag ang kanyang sarili sa iyo. Ang “paghahanap” ay nangangahulugan ng pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga intensyon ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan nila, pag-unawa sa dapat makamit ng tao at mga paraang dapat nilang ipagpatuloy, pag-unawa sa kung anong mga resulta ang nais na makamtan ng Diyos sa tao at anong mga kabutihan ang nais Niyang makamit sa mga iyon. Ang “pagpapasailalim,” mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang dakilang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay makilala kung paanong ang Manlilikha ay nagdidikta sa kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng mga bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat-lahat para sa iyo, dapat mong matutunan ang maghintay, dapat matutunan ang humanap, dapat mong matutunan ang magpasailalim. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasailalim sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais tanggapin ang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin, ang mag-angkin ng ganoong katangian, dapat mas lalo kang magpunyagi; at tangi lamang sa gayon maaari kang pumasok sa tunay na realidad.
Ang Pagtanggap sa Diyos Bilang Iyong Natatanging Panginoon ay ang Unang Hakbang sa Pagtamo ng Kaligtasan
Ang mga katotohanan tungkol sa awtoridad ng Diyos ay mga katotohanan na dapat isaalang-alang nang seryoso ng bawat tao, dapat maranasan at maunawaan sa kanilang puso; pagkat ang mga katotohanang ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao, sa nakaraan ng bawat tao, sa kasalukuyan, at sa hinaharap, sa mahalagang sandaling ito na dapat pagdaanan ng bawat tao sa buhay, sa kaalaman ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa saloobin na kung saan dapat niyang harapin ang awtoridad ng Diyos, at natural, ang huling hantungan ng bawat tao. Sa gayon kinakailangan ng isang habambuhay na halaga ng enerhiya upang malaman at maunawaan ang mga yaon. Kapag sineryoso mo ang Diyos ang awtoridad ng Diyos, kapag tinanggap mo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, unti-unti mong matatanto at mauunawaan na ang awtoridad ng Diyos ay tunay na umiiral. Ngunit kung hindi mo kailanman kinikilala ang awtoridad ng Diyos, kailanman ay hindi tinanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, sa gayon kahit ano pang dami ng mga taon na ikaw ay nabuhay, hindi ka makakatamo kahit bahagyang kaalaman ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung hindi mo tunay na nakikilala at nauunawaan ang awtoridad ng Diyos, sa gayon kapag nakarating ka sa dulo ng daan, kahit na naniwala ka sa Diyos nang maraming dekada, wala kang maipapakita sa iyong buhay, ang iyong kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran ay tiyak nang wala. Hindi ba’t ito’y isang napakalungkot na bagay? Sa gayon kahit gaano pa kalayo ang nalakbay mo sa buhay, kahit gaano ka pa katanda ngayon, kahit gaano katagal ang natitira pang paglalakbay, una mong dapat kilalanin ang awtoridad ng Diyos at seryosohin ito, tanggapin ang katotohanan na ang Diyos ang iyong natatanging Panginoon. Ang makatamo ng malinaw, tamang kaalaman at pagkaunawa sa mga katotohanang ito tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran ay isang sapilitang leksiyon para sa lahat, ang susi sa pagkaalam sa pantaong buhay at pagtamo sa katotohanan, ang buhay at pangunahing leksiyon ng pagkilala sa Diyos na kinakaharap ng bawat isa bawat araw, at ang di-maaaring maiwasan ninuman. Kung nais ng ilan sa inyo na tahakin ang pinakamadaling daan upang makarating sa layuning ito, sa gayon sinasabi ko sa iyo, yaon ay imposible! Kung ang ilan sa inyo ay nais takasan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas higit na imposible iyon! Ang Diyos ang tangi lamang Panginoon ng tao, ang Diyos ang tangi lamang Maestro ng pantaong kapalaran, at sa gayon imposible para sa tao ang diktahan ang sarili niyang kapalaran, imposible para sa kanya na lampasan ito. Kahit gaano pa kagaling ang mga kakayahan ng tao, ang isa ay hindi maaaring makaimpluwensya, mas lalo na ang magsaayos, maghanda at magkontrol, o magbago ng mga kapalaran ng iba. Ang natatanging Diyos Mismo lamang ang nagdidikta ng lahat ng bagay para sa tao, sapagkat Siya lamang ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad na tangan ang kapangyarihan sa ibabaw ng pantaong kapalaran; at sa gayon tanging ang Manlilikha ay ang natatanging Panginoon ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ang may tangan sa kapangyarihan hindi lamang sa ibabaw ng nilikhang sangkatauhan, ngunit kahit na sa di-nilikhang mga nilalang na hindi nakikita ng tao, sa mga bituin, sa kosmos. Ito ay isang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan, isang katotohanan na tunay na umiiral, na hindi maaaring mabago ninuman o ng anuman. Kung ang ilan sa inyo ay hindi pa rin nasisiyahan sa mga bagay sa kasalukuyan, naniniwala na ikaw ay may ilang espesyal na kasanayan o kakayahan, at nag-iisip pa rin na maaari kang maging masuwerte at mabago ang iyong kasalukuyang mga kalagayan o di-kaya ay matakasan ang mga ito; kung pinagtangkaan mong baguhin ang iyong sariling kapalaran sa mga paraan ng pantaong pagpupunyagi, at sa gayon mamukod-tangi sa iba at manalo ng katanyagan at kayamanan; samakatwid sinasabi ko sa iyo, ginagawa mong mas hirap ang mga bagay para sa iyong sarili, humihingi ka lamang ng gulo, hinuhukay mo ang iyong sariling libingan! Isang araw, sa malao’t madali, matutuklasan mo na nakagawa ka ng maling pagpipilian, na ang iyong mga pagpupunyagi ay nasayang. Ang iyong ambisyon, iyong pagnanais na makibaka laban sa kapalaran, at iyong sariling kapansin-pansing pag-uugali, ay magdadala sa iyo sa daan nang walang pabalik, at dahil dito ikaw ay magbabayad ng mapait na halaga. Bagaman sa kasalukuyan hindi mo nakikita ang kalubhaan ng kinahinatnan, habang iyong nararanasan at mas higit na pinapahalagahan nang mas malaliman ang katotohanan na ang Diyos ang Panginoon ng pantaong kapalaran, unti-unti mong matatanto kung ano ang aking sinasabi ngayon at ang tunay na mga implikasyon nito. Kahit na ikaw ay may tunay na puso at espiritu, kahit na ikaw ay isang tao na nagmamahal sa katotohanan, ay nababatay sa anong uri ng saloobin mayroon ka tungo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at tungo sa katotohanan. At natural, ito ang tumitiyak kung maaari mong tunay na malaman at maunawaan ang awtoridad ng Diyos. Kung kailanma’y hindi mo naramdaman sa iyong buhay ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at Kanyang mga pagsasaayos, lalong higit ang kilalanin at tanggapin ang awtoridad ng Diyos, sa gayon ikaw ay magiging lubos na walang halaga, walang duda na ikaw ang layon ng pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos, salamat sa daan na iyong tinahak at ang pagpiling ginawa mo. Subalit yaong, sa gawain ng Diyos, maaaring makatanggap sa Kanyang pagsubok, tinatangggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, napapasailalim sa Kanyang awtoridad, at unti-unting nakakatamo ng tunay na karanasan ng Kanyang mga salita, ay makapagkakamit ng tunay na kaalaman ng awtoridad ng Diyos, tunay na pagkaunawa ng Kanyang dakilang kapangyarihan, at magiging tunay na tauhan ng Manlilikha. Tanging ang ganoong mga tao ang tunay na maliligtas. Sapagkat kanilang nakilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, sapagkat tinanggap nila ito, tunay at tama ang kanilang pagpapahalaga at pagpapasailalim sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng pantaong kapalaran. Kapag sila ay naharap sa kamatayan, sila ay, tulad ni Job magkakaroon ng isang isip na hindi natatakot sa kamatayan, nagpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos sa lahat ng mga bagay, na walang indibidwal na pagpipilian, na walang indibidwal na pagnanais. Tanging ang ganoong tao ang makakabalik sa tabi ng Manlilikha bilang isang tunay na nilalang na tao. https://reurl.cc/MbjRm3
Disyembre 17, 2013