⏰2022年04月18日
✝神對人的要求與勸勉、安慰、警戒的話語

https://reurl.cc/VDaabQ
(九)信神如何選擇道路的話語
📖多數人的信神都是為了以後的歸宿或是暫時的享受。對于不經任何對付的人來説,信神就是為了進天堂,就是為了得賞賜,并不是為了被成全或是為了盡到受造之物的本分。也就是説,多數信神的人并不是為了履行自己的職責或是來完成自己的本分,很少有人信神是為了活出有意義的人生,也没有人認為人既活着就當愛神,因為這本是天經地義的事,本是人的天職。這樣,不同的人的追求目標雖然各有不同,但其追求的目的與存心都是相仿的,而且對于多數追求的人來説,他們崇拜的對象也都是大致相同的。歷時幾千年來,多少信徒死去,又有多少信徒死而復生,追求神的人也不止是一個兩個,更不止是一千兩千,然而他們這些人的追求多數都是為了個人的前途,或是為了以後的美好盼望,為基督盡忠的人却寥寥無幾,不少虔誠的信徒仍是死于自己的網羅之中,得勝的人更是微不足道。至于人失敗的原因或是得勝的秘訣至今人仍是不明不白,那些「痴情」追求基督的人仍是不醒悟,他們不曉得這些奥秘的根源究竟是如何,因為他們根本就不知道。儘管他們的追求嘔心瀝血,但他們所走的路却是前人所走過的失敗的路,并不是前人所走過的成功的路,這樣,無論他們如何追求,他們所走出來的路不都是通向黑暗的嗎?他們所得的不都是苦果嗎?那些模仿以往成功之人的人到最終是福是禍都很難預測,更何况那些踩着失敗之人的脚印追求的人呢?不更是失敗有餘嗎?他們所走的路又有何價值呢?不都是空跑一趟嗎?不管人的追求是失敗或是成功,總之都是有原因的,并不是隨便追求就能决定得失的。
——《話在肉身顯現・成功與否在于人所走的路》

270232276_1542720779400011_8714816631326794658_n.jpg

 

这是上海一位老伯发的封控期间的急救经历
惊心动魄,昨天晚上差点死于封控
昨天晚上10:30左右,本人突然感觉呼吸不畅,急性哮喘发作,连续用了药也丝毫不见好转。急切之下赶快让儿子联系120救护车,电话打通后,救护车告知让我们自己要确定好去哪个医院可以接受病人的。否则他们只负责把你送到医院门口,其他他们一概不管的。于是马上分头打了几个医院的电话,我打到新华医院总机被告知他们医院没有急诊对外接诊。又打到长海医院,得到的答复是相同的。再打肺科医院,医院告知急诊是开的,只是需要我们自己和急诊科联系确认。打电话到急诊科后,一连串的笑话开始来了。对方要求病人有核酸检测阴性报告方能接诊,如果没有报告也可以到他们医院后当场检测,4小时以后报告出来如果是阴性就可以给于治疗。我的天啊!当时我已经气都接不上了,等这么久或许早就一命呜呼啦!也许命不该绝吧,因为没有找到确定可以接受的医院,120救护车我们已经回绝了,可它竟然已经来到楼下了。为了活命,我咬紧牙关座电梯来到了楼下,此时我已经感觉马上就要断气了(平时用一次就可以缓解状况的药已经用了10次了),想救护车上的氧气也许可以救我。国际玩笑此时再一次来到我们身边,救护人员很为难的告知我们,没有核酸检测报告,他们是不能让我上救护车的,氧气也不能给用。既然是这样你来干什么呢?此时我已经几乎完全要断气了,此时楼下的志愿者小石建议不如死马当活马医,干脆自己开车去肺科医院吧,到医院哪怕做检测总还有一丝希望,无奈中我们直接开车去了肺科医院。惊喜又发生了,到了肺科医院门口,门卫告知没有核酸报告是不能让我们进去的,我们说在他们这里做核酸检测,他们说那也要明天白天过来才可以。如果要死,这里我应该已经死了两次了!彻底绝望了,回家等死吧。此时小石又提出来去新华医院看看,实在不行只能回家了。驱车来到新华医院门口,一片漆黑,小石坚持下车进去看看。命不该绝竟然在这个漆黑的医院体现了,这里不要核酸报告可以先接诊再检测。赶快下车到预检处插上氧气管,终于不会死了。现在我在医院接着氧气挂吊瓶,呼吸也逐步缓解了,一条命算保住了。
现在把整个过程发给亲朋好友,只是让大家感受一下这个封控将会害死多少人啊。
只能说富贵在天,生死由命啊!
整个过程让人匪夷所思的状况如下:
也不知道是哪个昏官制定了这样一个丧尽天良,草菅人命的规则。这完全就是一个无解的连环套,现实就是当一个人有病急性发作需要得到救助时,在这样的规则面前是不可能得到医治的。上救护车需要有核酸阴性证明,进医院同样需要核酸阴性证明。那么请哪个大老爷告诉我到哪里去做核酸检测呢?医院,显然只有医院才具备核酸检测的能力。可以医院没有核酸检测阴性证明是进不去的呀!哪个昏官制定了这样的政策,必须出来全上海人民谢罪!!!
前段时间一个老伯因急性哮喘发作,由于救护车晚到而失去了生命。你们有接受这个事件带来的教训吗?混账东西!我骂你是你差点要了我的老命!相对当时的情况,你们现在是有过之而无不及。
本人已经70岁高龄,打这些字手一直在抖,只是实在忍无可忍,必须把这个悲剧的剧情曝光出来。让所有人来评评理,把制定这个政策的昏官拉下马!

NvQh7RKVFqk (1).jpg

 

基督教會歌曲《神的智慧建立在撒但的詭計之上》
        1 無論人類怎麽敗壞,蛇怎麽引誘,耶和華仍然有他的智慧,所以,他從創世到現在一直作新的工作,没有一步重複工作。撒但不斷地施行詭計,人類不斷經撒但敗壞,耶和華神也在不斷地作他智慧的工作,他從未失敗過,從創世到現在,他并未停止他的工作。他作了如此多的工作,不僅讓經撒但敗壞的人類蒙了他極大的拯救,也看見了他的智慧、全能與他的權柄,到最終還要讓人類看見他的公義性情——罰惡賞善,到最終還要讓人類看見他的公義性情——罰惡賞善。 
        2 他與撒但争戰到今天,從未失敗過,因他是智慧的神,他的智慧又是建立在撒但的詭計之上建立在撒但的詭計之上的,所以,他不僅讓天上的萬物都順服在他的權柄之下,也讓地上的萬物都栖息在栖息在他的脚凳之下,更讓那侵擾全人類的惡者都倒在他的刑罰之中,刑罰之中。這一切的作工果效,都是因着他的智慧而作成的。此時,天上、地上的萬物才看見了神的智慧,神的智慧,看見了神的全能,神的全能,更看見了神的實際,更看見了神的實際。 
                                                                                       ——《跟隨羔羊唱新歌》

https://reurl.cc/A71KOe
觀看更多贊美詩歌視頻:
https://reurl.cc/e356XL
觀看更多教會生活詩歌視頻:
https://reurl.cc/8olWjR
基督教會歌曲——詩歌合輯
https://reurl.cc/3o1jeO

sddefault - 2022-04-18T132121.871.jpg

 

𝗩𝗜𝗜. 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴-𝘁𝗮𝗼
Tanong 2: Dahil napakinggan ko ang inyong pagbabahagi at patotoo sa mga araw na ito, malinaw na sa akin na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay ang pagkakatawang-tao dito para gawin ang gawain ng paghatol. Ngunit hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao at madaling malinlang ng mga usap-usapan at mga kamalian ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong daigdig. Bilang resulta, tatratuhin natin ang Diyos na nagkatawang-tao bilang isang tao lamang at kakalabanin at lalapastanganin pa Siya. Kaya, nais kong magtanong sa inyo tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Cristo at ng mga propeta at mga apostol na ginamit ng Diyos?
🎁Read More:
https://reurl.cc/41gyrD
💌Connect us:https://m.me/tl.kingdomsalvation?ref=subscribe--skwc_xz725num=7507024

incarnate-Christ-and-prophets-used-by-God.jpg

Tanong 2: Dahil napakinggan ko ang inyong pagbabahagi at patotoo sa mga araw na ito, malinaw na sa akin na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay ang pagkakatawang-tao dito para gawin ang gawain ng paghatol. Ngunit hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao at madaling malinlang ng mga usap-usapan at mga kamalian ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong daigdig. Bilang resulta, tatratuhin natin ang Diyos na nagkatawang-tao bilang isang tao lamang at kakalabanin at lalapastanganin pa Siya. Kaya, nais kong magtanong sa inyo tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Cristo at ng mga propeta at mga apostol na ginamit ng Diyos?https://reurl.cc/41gyrD

Sagot: Tungkol sa tanong na ano ang pagkakatawang-tao at ano ang Cristo, masasabi ninyong, ito ay isang hiwaga ng katotohanan na hindi nauunawaan ng mga mananampalataya. Kahit nalaman ng mga mananampalataya sa loob ng libu-libong taon na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao, walang nakakaunawa sa pagkakatawang-tao at sa aktuwal na diwa ng pagkakatawang-tao. Ngayon lamang na dumating ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, naibunyag ang aspetong ito ng hiwaga ng katotohanan sa tao. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos dito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao.” “Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ‘maging totoo’ ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao” (“Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban” (“Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, malinaw na, ang ibig sabihin ng pagkakatawang-tao ay naging tao ang Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay nadamitan ng katawang-tao at naging karaniwang Anak ng tao para ihatid ang Kanyang salita at gumawa sa mundo at magpakita sa tao. Na ibig sabihin ang Diyos sa langit ay naging tao para magsalita, gawin ang Kanyang gawain, tubusin at iligtas ang tao sa daigdig ng tao. Nasa Kanya kapwa ang normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Mula lamang sa Kanyang pagpapakita, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tila gaya ng isang karaniwan at normal na tao. Pareho rin ang mga patakaran Niya sa buhay at nakikisali sa parehong mga aktibidad tulad ng sinumang normal na tao. Siya ay may damdaming tulad ng iba pang normal na tao: Siya ay namumuhay nang praktikal at makatotohanan kasama ng mga tao. Mula sa Kanyang panlabas na anyo, Siya ay tila hindi kaiba sa sinuman. Ngunit ang tunay na diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pagka-Diyos. Kaya Niyang ipahayag ang disposisyon ng Diyos, lahat ng kung ano ang Diyos at ano ang mayroon Siya. Ayon sa mga pangangailangan ng tao, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan upang bigyan ng buhay at iligtas ang tao anumang oras at saan man. Kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, ang bagay na hindi kayang gawin ng sinuman sa lahat ng nilikha. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang Cristo. Mula sa Kanyang panlabas na anyo, Siya ay tila katulad lang natin, isang karaniwan at normal na tao. Gayunman, kayang ipahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at ibigay sa tao ang landas ng pagsisisi. Siya ay may awtoridad para patawarin ang tao sa kanyang mga kasalanan at maipako sa krus para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Hindi ito magagawa ng sinumang tao. Ang Panginoong Jesus ay nakakagawa rin ng mga tanda at hiwaga. Kaya Niyang payapain ang mga hangin at dagat, pakainin ang limang libong tao sa limang tinapay at dalawang isda lamang, at buhayin ang mga patay, atbp. Ang Panginoong Jesus ay nagpunta rin sa malalayong lugar para mangaral. Ayon sa tunay na mga kailangan ng tao, ipinahayag Niya ang katotohanan upang bigyan ng buhay at pastulin ang tao anumang oras at saan mang lugar, tinutulutan ang tao na makita kung paanong ang Kanyang mga salita at gawain ay sa tunay at praktikal na Diyos. Ang mga salita at gawa ng Panginoong Jesus ay pagpapamalas ng disposisyon ng Diyos sa buhay at ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos. Walang mga taong nilikha na nagtataglay nito o may kakayahang maabot ang gayong katayuan. Ito ang katibayan na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Bagamat mayroon Siyang normal na pagkatao, ang Kanyang diwa ay banal. Bilang gayon, may kakayahan Siyang ipahayag ang katotohanan at tinig ng Diyos. Kaya Niyang gumawa bilang Diyos para gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, kung ang makikita lamang natin ay ang normal na pagkatao ni Cristo, ang gagawin lamang natin ay tratuhin Siya bilang karaniwang tao; ngunit kung matatanto natin na ang lahat ng sinasabi ni Cristo ay ang katotohanan, na ang lahat ng ipinamamalas Niya ay disposisyon ng Diyos at ang lahat ng kung ano at kung anong mayroon ang Diyos, at makikita ang mga gawain ng Diyos sa katawang-tao, tanging sa pag-abot sa ganitong antas natin malalaman ang banal na diwa ni Cristo. https://reurl.cc/41gyrD

Mahalaga sa ating mga mananampalataya na malaman ang pagka-Diyos ni Cristo! Kung hindi natin nakikilala ang pagka-Diyos ni Cristo, ituturing lang natin si Cristo bilang karaniwang tao at tatratuhin pa ang mga propeta at mga apostol na ginagamit ng Diyos bilang ang Diyos Mismo. Hindi maliit na bagay ’yan! Kaya pag-usapan natin ngayon ang pagkakaiba ni Cristo at ng mga apostol at mga propetang ginagamit ng Diyos. Alam ng lahat na sa panlabas na anyo, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may normal na pagkatao at isang karaniwan at normal na tao, ngunit sa katunayan, Siya ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, Siya ay Diyos sa diwa. Iyan ang dahilan kung kaya’t nagagawa Niya ang gawain ng Diyos Mismo, ipinapahayag ang katotohanan, ang disposisyon ng Diyos, ang kalooban at mga hinihingi ng sangkatauhan anumang oras at saan mang lugar. Kaya pa Niyang hatulan, ilantad, at isumpa ang tao, tulad ng kakayanan Niyang tubusin, dalisayin, at iligtas ang tao. Ang mga propeta at mga apostol ay mga taong ginagamit ng Diyos. Normal na pagkatao lamang ang taglay nila, ngunit kulang sa pagka-Diyos. Bilang gayon, gawain ng tao lamang ang kaya nilang gawin. Sa plano ng pamamahala ng Diyos wala silang ibang kayang gawin maliban sa tuparin ang mga tungkulin ng tao. Wala sa kanilang maaaring magpahayag ng katotohanan, lalo na ang gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Bagamat ang mga pagbabahagi nila’y pinagkalooban ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu at ayon sa katotohanan, hindi mismong katotohanan ang mga ito, kundi pagpapahayag lamang ng kanilang pang-unawa at karanasan sa salita ng Diyos. Kung iisipin natin ang mga apostol ng Kapanahunan ng Biyaya, ang ibinahagi nila ay pagpapahayag lamang ng kanilang pang-unawa at karanasan sa mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, kinatawan nila ang isang patotoo ng pagdanas sa gawain ng Diyos. Kapag tinitingnan natin ang mga liham ng mga apostol, makikita natin na malinaw na isinulat ito ng mga tao, ito ay mga diskurso ukol sa kanilang mga karanasan at patotoo. Wala ni isang salita ng mga liham na ito ang naglalaman ng katotohanan na ipinapahayag ng Diyos. Wala ni isang salita ng mga liham na ito ang nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Panginoong Jesus. Gaya ng nakikita natin, malaki ang pagkakaiba ng mga salita ng mga apostol at ng salita ng Panginoong Jesus. Hindi natin ito maaaring tingnan sa parehong batayan. Sa katunayan, kapag ipinapahayag ng mga propeta ang salita ng Diyos, ginagawa lamang nila ito dahil inutusan sila ng Diyos na ihatid ang Kanyang salita. Hindi kayang ipahayag ng mga propeta ang salita ng Diyos gamit ang pagkakakilanlan ng Diyos, hindi sila maaaring magsalita nang direkta. Hindi rin nila kayang ipahayag ang katotohanan ayon sa kanilang kagustuhan. Ito ay dahil sa sila’y mga taong ginagamit lamang ng Diyos, hindi sila Diyos mismo. Inihahatid lamang nila ang salita ng Diyos at ang kaya nilang ihatid ay masyadong limitado. Kaya’t, kapag inihahatid ng mga propeta ang salita ng Diyos, malinaw nilang sinasabi na binibigkas nila ang salita ng Diyos, hindi ito sarili nilang salita. Lahat ng ito ay patunay na ang mga propeta at mga apostol ay mga taong ginagamit lamang ng Diyos, hindi sila mga pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay maaaring tawaging Diyos dahil Siya ay may pagka-Diyos. Ang mga propeta at mga apostol ay may pagkatao lamang. Wala silang pagka-Diyos at, dahil dito, maituturing lamang silang tao. Ito ang pagkakaiba sa diwa sa pagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng mga propeta at mga apostol.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 1: Nagpapatotoo kayo sa katunayan na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at nagkatawang-tao na para gawin ang Kanyang gawain. Hindi ko ito maintindihan. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nang makumpleto ang Kanyang gawain, Siya ay ipinako sa krus at pagkatapos ay nabuhay muli, nagpapakita sa lahat ng Kanyang mga disipulo at Siya ay umakyat sa langit sa Kanyang maluwalhating espirituwal na katawan. Gaya ng nakasaad sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Kaya nga, pinagtitibay ng Biblia na sa muling pagdating ng Panginoon, ang Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan ang magpapakita sa atin. Sa mga huling araw, bakit nagkakatawang-tao ang Diyos sa laman ng Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang pagkakaiba ng muling nabuhay na espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus at ng Kanyang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao?

Sumunod: Tanong 3: Ang Panginoong Jesus na aming pinaniniwalaan ay pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng Diyos, walang mangangahas na itatwa ito, pero itong Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi kailangang ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil walang nakatalang Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Kaya nga, sinasabi ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig na Siya na pinaniniwalaan ninyo ay tao lamang, na kayo ay naloko. Tanging ang Panginoong Jesus, na aming pinaniniwalaan, ang Cristo, ang Anak ng Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos na inyong pinaniniwalaan ay isang tao lamang, paano nangyari ito?

 

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

 

 

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

 

 

Buhay Kristiyano

86784934_1814327798699598_7593562214380863488_o.jpg

 

𝗩𝗜𝗜. 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴-𝘁𝗮𝗼
Tanong 3: Ang Panginoong Jesus na aming pinaniniwalaan ay pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng Diyos, walang mangangahas na itatwa ito, pero itong Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi kailangang ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil walang nakatalang Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Kaya nga, sinasabi ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig na Siya na pinaniniwalaan ninyo ay tao lamang, na kayo ay naloko. Tanging ang Panginoong Jesus, na aming pinaniniwalaan, ang Cristo, ang Anak ng Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos na inyong pinaniniwalaan ay isang tao lamang, paano nangyari ito?
🎁Read More:
https://reurl.cc/2Z4bDv
💌Connect us:https://m.me/tl.kingdomsalvation?ref=subscribe--skwc_xz725num=1749288

Almighty-God-is-God-incarnate.jpg

 

Tanong 3: Ang Panginoong Jesus na aming pinaniniwalaan ay pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng Diyos, walang mangangahas na itatwa ito, pero itong Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi kailangang ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil walang nakatalang Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Kaya nga, sinasabi ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig na Siya na pinaniniwalaan ninyo ay tao lamang, na kayo ay naloko. Tanging ang Panginoong Jesus, na aming pinaniniwalaan, ang Cristo, ang Anak ng Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos na inyong pinaniniwalaan ay isang tao lamang, paano nangyari ito? https://reurl.cc/2Z4bDv

Sagot: Ang inyong paniniwala sa Panginoong Jesus bilang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi mali. Pero bakit kayo naniniwala sa Panginoong Jesus? Talaga bang naniniwala kayo na ang Panginoong Jesus ang Diyos? Naniniwala kayo sa Panginoong Jesus dahil sa nakatala sa Biblia at dahil sa gawain ng Banal na Espiritu. Pero kahit ano pa ang sabihin ninyo, kung hindi ninyo harapang nakita ang Panginoong Jesus, talaga bang malakas ang loob ninyong sabihin na kilala ninyo ang Panginoong Jesus? Sa paniniwala ninyo sa Panginoon, inuulit lamang ninyo ang mga salita ni Pedro, na nagsabing ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay, ngunit naniniwala ba kayo na ang Panginoong Jesus ay ang pagpapamalas ng Diyos, ang Diyos Mismo? Lakas-loob ba ninyong sinasabi na nakikilala ninyo ang pagka-Diyos ng Panginoong Jesus? Nangangahas ba kayong garantiyahan na kung sakaling darating muli ang Panginoong Jesus na nagpapahayag ng katotohanan, makikilala ninyo ang Kanyang tinig? Ang paniniwala ninyo sa Panginoong Jesus ay katumbas lamang ng paniniwala sa “ang Panginoong Jesus” ang tatlong salitang ito. Naniniwala kayo sa Kanyang pangalan lamang. Hindi ninyo nauunawaan ang banal na diwa ng Panginoong Jesus. Kung talagang nauunawaan ninyo, kung gayon bakit hindi ninyo nakikilala ang tinig ng Espiritu ng Diyos? Bakit hindi ninyo kinikilala na ang katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay nagmumula sa Diyos at ito ang tinig at salita ng Banal na Espiritu? Batay sa nakita ko ngayon, sa paraan ng pagtanggi ninyo sa tinig ng Diyos at sa pagkakaila ng katotohanan na ipinapahayag ng Diyos, natitiyak ko na hindi ninyo kilala ang Diyos na nagkatawang-tao! Kung isinilang kayo dalawang libong taon na ang nakararaan, sa panahon kung kailan nangangaral ang Panginoong Jesus at ginagawa ang Kanyang gawain, tiyak na nakiisa kayo sa mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo sa pagkondena sa Panginoong Jesus. Di ba’t totoo ito? Ang mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo ay naniwala sa iisa at tanging Diyos sa loob ng maraming taon, pero bakit hindi nila nakilala ang Panginoong Jesus? Bakit nila Siya ipinako sa krus? Ano ang isyu? Bakit bigo ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig sa mga huling araw na marinig ang tinig ng Banal na Espiritu? Bakit kinokondena pa rin nila ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Itatanong ko sa inyong lahat: Hindi ba’t ang taong naniniwala sa Diyos ngunit bigong kilalanin ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang anticristo? Kinalaban at tinanggihan ng mga pinunong Judio ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao. Silang lahat ay mga anticristo na ibinunyag ng gawain ng Diyos. Tungkol naman sa mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig sa mga huling araw na kumakalaban at nagkokondena sa Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba’t sila rin ay mga anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos? Malinaw nating nakikita na ang karamihan sa mga pastor at elder sa daigdig ng relihiyon ay kumakalaban at nagkokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw; tinitingnan nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos nang hindi talaga ito nakikita, pinakikinggan nila ang Kanyang mga salita nang hindi talaga nakikinig. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Siya ay nanlupig, nagligtas, at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ang ebanghelyo ng kaharian ay lumalaganap sa buong mundo, ito ay di natitinag! Posible bang hindi nakikita ng mga pastor at mga lider ng relihiyosong daigdig ang mga katotohanan ng gawain ng Diyos? Paanong nasasabi pa rin nila na, “Ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay paniniwala sa isang tao”? Sa pagninilay tungkol dito, kaagad kong naalala kung paanong ang Panginoong Jesus, nang dumating Siya para gawin ang Kanyang gawain, ay kinalaban, kinondena, at nilapastangan ng mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo. Hindi ba’t sinabi rin nila na ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay paniniwala lamang sa isang tao? Ano ang isyu dito? Ipinakikita lamang nito na marami ang naniniwala sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan, ngunit may iilan na may kaalaman tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao. Bakit kinondena ng Panginoong Jesus ang mga Fariseong iyon na kumalaban sa Kanya? Dahil naniwala lamang sila sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan, ngunit kinondena at kinalaban ang Diyos na nagkatawang-tao.

Ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo ay nakita nang malinaw ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus. Kaya paanong buong pagmamatigas pa rin nilang kinalaban, kinondena, at nilapastangan ang Panginoong Jesus? Sinabi nila na nagtaboy Siya ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, na pinuno ng mga diyablo, at nagtangkang linlangin ang mga tao, at ipinako pa Siya sa krus nang buhay, ano ang ipinapakita nito? Hindi ba dahil sa karaniwang tao ang tinging nila sa Panginoong Jesus kaya ginawa nila ang lahat ng ito? Tulad ng sinabi nila, “Hindi ba’t ito ang Nazareno, ang anak ng anluwagi?” Sa pagkaintindi ng mga Fariseo, ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magtaglay ng mga pambihirang katangian. Dapat ay malaki ang pangangatawan Niya at malakas, na tila bayani ang dating at kayang mag-utos. Ang Kanyang mga salita ay dapat nakayayanig at nakabibingi, dapat itong magdulot ng takot sa mga puso ng tao, para walang maglakas-loob na lumapit sa Kanya. Ang totoo, wala sila ni katiting na pang-unawa sa ibig sabihin ng pagkakatawang-tao at hindi hinanap ang salita at gawain ng Panginoong Jesus para sa katotohanan, para hanapin ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng kung ano ang Diyos at kung anong mayroon Siya. Itinuring nila ang Panginoong Jesus bilang karaniwang tao, hinahatulan at nilalapastangan Siya batay sa kanilang mga ilusyon at pagkaintindi. Patunay ito na bagamat naniwala sila sa Diyos, hindi nila Siya kilala at kinalaban pa Siya. Ngayon, sinasabi ng mga pastor at elder ng daigdig ng relihiyon na ang pinaniniwalaan natin ay tao lamang. Wala itong ipinagkaiba sa kung paanong ang mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo ay kinondena ang mga alagad ng Panginoong Jesus. Gaya ng nakikita ninyo, karamihan ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay hindi kaiba sa mga mapagpaimbabaw na Fariseo noon, naniniwala silang lahat sa Diyos samantalang kinakalaban nila Siya. Sila’y mga taong tampalasan na kinikilala lamang ang malabong Diyos ng mataas na kalangitan samantalang itinatatwa si Cristo Mismo! Ano’ng karapatan nila para ikondena ang mga tumatanggap at sumusunod kay Cristo?

Sa mga huling araw, nagbalik ang Diyos sa laman para ipahayag ang Kanyang salita at gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Dumating Siya sa pagkakataong ito bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Sa Kanyang panlabas na anyo, ang Makapangyarihang Diyos ay tila gaya ng isang karaniwang tao, praktikal na namumuhay kasama ng mga tao, kapiling nila, at nakikibahagi sa kanilang buhay. Ipinapahayag Niya ang katotohanan ayon sa mga pangangailangan ng tao at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Sa pagdanas sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, narinig natin sa sarili nating mga tainga ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita natin mismong ibinunyag Niya ang mga hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, ibig sabihin, ang tunay na kuwento ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan, ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, ang diwa at katotohanan ng pagkatiwali ng tao na gawa ni Satanas, paano dinadalisay, inililigtas, at ginagawang perpekto ng Diyos ang tao, ang kahulugan at layunin ng gawain ng paghatol ng Diyos, sino ang minamahal ng Diyos at sino ang isinusumpa Niya, sino ang maliligtas at sino ang mawawasak, at destinasyon ng tao, ang katapusan ng lahat ng uri ng mga tao, at paano mangyayari ang kaharian ng Diyos sa lupa, atbp. Habang ipinapahayag ang mga katotohanang ito, ang Makapangyarihang Diyos ay humahatol din at inilalantad ang makademonyong disposisyon ng tao at ang kanyang likas at ang diwa ng pagkalaban sa Diyos, nagtutulot na makita natin ang diwa at katunayan ng ating lubos na katiwalian na gawa ni Satanas, para makita kung gaano tayo ka-arogante at mapagpayaman sa sarili, taksil at makasarili, kung paanong wala tayong anumang pagkakatulad sa mga tao, kung gaano tayo hindi marapat na mamuhay sa harapan ng Diyos. At gayunman ang Diyos ay nagkatawang-tao, buong pagpapakumbabang nagtatago at namumuhay na kasama ng marurumi at tiwaling tao, ipinapahayag ang katotohanan upang hatulan, ilantad, at iligtas ang tao. Nadama nating mabuti na ang diwa ng buhay ng Diyos ay napakabait at kagalang-galang. Ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan ay tunay na tunay! Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos sa pamamagitan ng salita, mas nalapit tayo at nakilala ang matwid, banal, at di nasasaktang disposisyon ng Diyos, at nadama ang awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi batid, lumago ang paggalang para sa Diyos sa ating mga puso, sinimulan nating hanapin ang katotohanan, at ang ating disposisyon sa buhay ay nagsimulang magbago. Sa panahong ito natin lubusang natanto na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng katotohanan upang dalisayin at iligtas tayo, na nagtutulot para maalis natin sa ating sarili ang pagka-arogante, pagiging taksil, at ang ating makademonyong disposisyon, at mamuhay na tulad ng isang matapat na tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay kasama nating namumuhay, lumalakad sa mga iglesia. Sa labas, Siya ay isang karaniwang tao lamang, gayunman ipinapahayag Niya ang katotohanan at ipinakikita ang matwid na disposisyon ng Diyos, at ang lahat ng kung ano ang Diyos at kung anong mayroon Siya. Ang mga sumusunod sa Kanya at nararanasan ang Kanyang gawain ay tinanggap ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nakikita nila ang paraan ng paggawa ng Diyos na napaka-praktikal at matalino. Nakikita nila kung gaano ang pagpapakumbaba at pagtatago ng Diyos, kung gaano Siya kaibig-ibig, ang Diyos ay walang pagmamataas, ang disposisyon ng Diyos ay hindi tiwali. Ito ay aayon sa katwiran na ang Diyos, ang Kataastaasan, ay magtataglay Mismo ng isang katawan na malaki at matipuno, ang uri ng katawan na mapipilitan ang tao na sambahin. Ngunit hindi ito ang ginawa ng Diyos. Upang mailigtas ang tiwaling tao, ang Diyos ay nagtaglay Mismo ng karaniwang katawan, tinaglay Niya ang hitsura ng isang karaniwang tao at dumating para mamuhay na kasama nating tiwaling mga tao. Siya ay nagpapahayag ng mga salita, humahatol at nagbibigay sa atin batay sa ating mga pangangailangan. Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang taong mahirap at dumanas ng maraming pahirap at dusa. Bukod dito, naranasan Niya ang panlalait, pagkondena, at pagtanggi ng tiwaling sangkatauhan, gayundin ang pagtugis at pang-uusig ng gobyernong CCP, at higit pa riyan, ang Diyos ay nagpipilit sa di maarok na katatagan ng kalooban na ipahayag ang katotohanan at isagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumanas ng matinding pagpapahirap upang mailigtas ang sangkatauhan! Ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay napakatunay! Dito’y nakikita natin kung gaano kabanal at kadakila ang Diyos. Walang mga salitang makapaglalarawan sa Kanya! Mas inilalapit tayo ng Makapangyarihang Diyos sa Diyos, dinadala tayo nang harapan sa Diyos, upang makita natin Siya, makilala Siya, at magkaroon ng tunay na pagmamahal para sa Kanya, at sa paggawa nito, tinutulutan tayong matanggap ang pagperpekto ng Diyos, upang tunay nating sambahin at sundin ang Diyos. Kinilala nating lahat sa ating mga puso na ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan natin ay ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Siya ay tao, ngunit Siya rin ay Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisa at tanging Diyos, ang Lumikha ng kalangitan, lupa, at ng lahat ng bagay! Tayo ay kinokondena ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig, iniisip na tao lamang ang pinaniniwalaan natin. Ngayon hayaang itanong ko: Sino sa buong sangkatauhan ang may kakayahang ipahayag ang katotohanan at tinig ng Diyos? Sino sa mga tao ang napaka-praktikal na makapagsasagawa ng gawain ng pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan? Sino sa mga tao ang maaaring magpahintulot sa tiwaling tao na maging perpekto at tunay na mga nakakaalam at sumusunod sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng kanyang mga gawa? Wala, wala ni isa! Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang may kakayahang gawin ang gayong praktikal na gawain. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapamalas ng Tagapagligtas ng mundo. Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa sangkatauhan at makapaglalaan sa tao ng napakagandang patutunguhan!  https://reurl.cc/2Z4bDv

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 2: Dahil napakinggan ko ang inyong pagbabahagi at patotoo sa mga araw na ito, malinaw na sa akin na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay ang pagkakatawang-tao dito para gawin ang gawain ng paghatol. Ngunit hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao at madaling malinlang ng mga usap-usapan at mga kamalian ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong daigdig. Bilang resulta, tatratuhin natin ang Diyos na nagkatawang-tao bilang isang tao lamang at kakalabanin at lalapastanganin pa Siya. Kaya, nais kong magtanong sa inyo tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Cristo at ng mga propeta at mga apostol na ginamit ng Diyos?

Sumunod: Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?

 

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

 

 

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

 

Buhay Kristiyano

 

Ang pagtatalo ng Kristiyano

59519759_2352504078407030_5020513192145584128_n.jpg

 

𝗩𝗜𝗜. 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴-𝘁𝗮𝗼
Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?
🎁Read More:
https://reurl.cc/Wr4LnL
💌Connect us:https://m.me/tl.kingdomsalvation?ref=subscribe--skwc_xz725num=8961902

normal-humanity-of-Gods-incarnation.jpg

 

Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?

Sagot: Napaka-kritikal ng tanong na ito. Isang tanong na napakahalaga sa ating pang-unawa sa pagkakatawang-tao ng Diyos! Kapag nagkatawang-tao ang Diyos upang maging si Cristo, makikita ng tao ang normal na pagkatao kay Cristo. Ipinapahayag ni Cristo ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain sa Kanyang normal na pagkatao. Maging kapag nagsasagawa Siya ng mga palatandaan at kababalaghan, ginagawa Niya ito sa normal na pagkatao, walang pambihira tungkol sa Kanya. Tinutulutan tayo nitong makita ang kalikasan ng pagkatao ni Cristo, dahil dito, mahirap para sa marami ang maniwala na si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus ay tinawag Siyang Cristo, ang Anak ng Diyos, ngunit halos walang sumunod at sumamba sa Panginoong Jesus bilang Diyos Mismo. Bakit ganito? Naniniwala ako na dahil ito sa napaka-normal na pagkatao ni Cristo, talagang walang anumang pambihira. Sa mga mata ng tao, si Cristo ay isang karaniwang tao lamang. Kaya kahit gaano man magpatotoo ang Banal na Espiritu, nahihirapan pa rin ang tao na isipin ang Panginoong Jesus bilang Diyos. Ang isa pang isyu noon ay masyadong kakaunti ang karanasan ng mga tao noong panahong iyon tungkol sa salita ng Panginoong Jesus, kaya napakahirap para sa kanila na maunawaan ang katotohanan at malaman ang pagka-Diyos ni Cristo. Si Cristo ay may normal na pagkatao, ngunit kakaunti lamang ang may lubos na pagkaunawa sa normal na pagkatao ni Cristo. Si Cristo ay walang kasalanan. Ang Kanyang normal na pagkatao ay banal. Siya ay walang karumihan at katiwalian, pagmamataas, rebeldeng disposisyon, at talagang walang kababaan ng pagkatao at pagkamakasarili. Napakalaki ng pagkakaiba nito sa pagkatao ng tao, hindi maaaring paghambingin ang dalawa. Basahin natin ang dalawang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos upang mas malinawan. https://reurl.cc/Wr4LnL

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang pinakamataas; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din, ang Kanyang katawang-tao ay pinakamataas, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang magagawa lamang ng katawang-taong ito ay yaong matuwid at makakabuti sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan; wala Siyang kakayahang gumawa ng anumang bagay na labag sa katotohanan, na labag sa moralidad at katarungan, at lalong wala Siyang kakayahang gumawa ng anuman na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ay hindi magagawang tiwali ni Satanas ang Kanyang katawang-tao; ang Kanyang katawang-tao ay naiiba ang diwa kaysa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Kaya, sa kabila ng katunayan na iisa ang espasyong tinitirhan ng tao at ni Cristo, ang tao lamang ang sinasapian, kinakasangkapan, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas magpakailanman, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan si Satanas kailanman na umakyat sa kataas-taasang lugar, at hindi magagawang lumapit sa Diyos kailanman” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo 2” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos ang pagkatao ni Cristo. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng isang tao ng laman ang Kanyang pagkatao. May sarili Siyang namumukod-tanging katangian, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. … Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinangangasiwaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakagagambala sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay tiyak na tiyak na dahil pinangangasiwaan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t hindi nagkagulang ang pagkatao Niya sa kung paano ito umaasal sa iba, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi pa nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay maaaring tuwirang atasan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, na Siya ay nagtataglay ng mas higit na katuturan kaysa sa taglay ng karaniwang tao. Nababagay nang higit sa lahat ang pagkatao Niya na mapangasiwaan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya nakakaligtaan ang tungkuling dapat tuparin ng tao sa laman; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Nangyari lamang na dumating Siya sa lupa at naging isang nilikhang katauhan na may panlabas na balat ng isang nilikhang katauhan, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang katauhan ng Diyos Mismo at walang katulad sa tao” (“Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). https://reurl.cc/Wr4LnL

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may pagka-Diyos at ang Banal na Espiritu ay nagkatotoo at naninirahan sa Kanya, hindi kaya ni Satanas na gawin Siyang tiwali. Ito ay dahil sa si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hindi Siya tinatablan ng katiwalian ni Satanas. Tulad sa atin, kung isang araw ay makamit natin ang buong katotohanan, hindi na magagawa ni Satanas na linlangin tayo at gawing tiwali. Sa gayon tayo ay tunay na magiging sa Diyos. Malinaw na nating nakikita ngayon na ang sarili nating tiwaling pagkatao ay talagang napakalayo sa normal na pagkatao ni Cristo! Sa loob ng normal na pagkatao ni Cristo, naroon ang konsensya at rasyonalidad ng normal na tao, may tunay na pagmamahal sa Kanyang puso para sa Diyos, at may tunay na pagsunod sa Diyos. Kapag si Cristo ay gumagawa at nagsasalita sa Kanyang normal na pagkatao, kahit gaano pa ang gawing paninira, pagkondena o paglapastangan sa Kanya ng masasamang puwersa ni Satanas, ano man ang mga kahirapang makaharap Niya sa Kanyang gawain, palagi Niyang sinusunod nang lubusan ang Diyos, at upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos, handa Siyang pagbayaran ang anumang halaga. Tulad nang magpunta ang Panginoong Jesus sa ilang sa loob ng apatnapung araw para tuksuhin ni Satanas, nilabanan Niya ang tukso ng makamundong mga yaman at kapangyarihan at lubusang nilupig si Satanas. At lalo na nang ipapako na sa krus ang Panginoong Jesus, sa kabila ng likas na kahinaan ng Kanyang pagkatao, sa kabila ng napakatinding pahirap sa Kanyang puso, inuna ng Panginoong Jesus ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, mas ginustong isakripisyo ang Kanyang sariling buhay at mabaon ang mga pako sa Kanyang buhay na katawan sa halip na talikuran ang kalooban ng Diyos. Hindi maisasagawa ng tiwaling tao ang adhikaing ito. Wala ni katiting ng pagkaarogante at pagpapahalaga sa sarili ang Panginoong Jesus. Bagamat Siya ang Diyos Mismo, namumuhay na kasama ng mga tao, gayunman hindi kailanman inilagay ng Panginoong Jesus ang Kanyang sarili sa katayuan ng Diyos. Buong pagpapakumbaba Siyang nagtago sa kalipunan ng mga tao, nagsasalita at gumagawa, naglilingkod at nagsusuplay sa tao; Pinagaling Niya ang karamdaman ng tao at itinaboy ang mga diyablo na nasa kalooban nila, inibsan Niya ang kanilang mga pag-aalala at nilutas ang mga kahirapan nila, na umupo pang kasama ng mga makasalanan, atbp. Mula sa Panginoong Jesus na nagkatawang-tao nakikita natin kung paanong banal at mabuti ang pagkatao ni Cristo. Ipinakikita ni Cristo ang lahat ng aspeto ng normal na pagkatao. Tunay na sinusunod at minamahal ni Cristo ang Diyos, at mahal Niya ang iba gaya ng pagmamahal Niya sa Kanyang sarili. Sa gayon, nagagawa ni Cristo na sundin ang komisyon ng Diyos, ginagawa ang gawain ng Diyos, at isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos.

Sa pagbabahaginang ito, nakita natin kung paanong ang pagkatao ni Cristo ang talagang mahalaga bilang normal na pagkatao. Kaya ni Cristo na tuparin ang komisyon ng Diyos, ginagawa ang Kanyang gawain, at isinasagawa ang Kanyang kalooban. Kung ang ating pagkatao ay magiging kasing-normal na tulad ng kay Cristo, hindi kaya natin makakayang isagawa ang kalooban ng Ama sa langit? Sa kasamaang-palad, tayong lahat ay ginawang tiwali ni Satanas. Ang ating pagkatao ay puno ng makademonyong disposisyon, ang ating mga salita at gawa ay minamanipula ng ating kalikasan na maka-demonyo, arogante, taksil, sakim, makasarili, galit sa katotohanan, sumasamba sa masama… Nabubuhay tayong tulad ng mga demonyo, walang normal tungkol sa gayong pagkatao! Kahit naniniwala tayo sa Panginoon, hindi tayo tunay na sumusunod sa Kanya. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, tayo’y nagrerebelde, lumalaban, at nagtataksil pa sa Diyos. Kahit ang mga gumagawa ng malaking paggugol para sa Panginoon, na walang-sawang gumagawa sa paglilingkod sa Kanya, ginagawa nila ito para lamang magantimpalaan at pumasok sa kaharian ng langit. Ginagawa nila ito para sa sarili nilang pakinabang, hindi bilang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, o para gawin ang kalooban ng Diyos. Hindi ba’t ito ang katayuan ng tiwaling sangkatauhan? Malinaw na, ang tunay na diwa ng tiwaling tao ay makademonyo, lumalaban ito at traydor sa Diyos, ang ipinapakita ng tao ay puro makademonyong disposisyon, wala ni kaunting pagkatao na makikita. Ngunit ang Cristong nagkatawang-tao ay kaiba. Dahil si Cristo ay may pagka-Diyos at hindi natiwali ni Satanas, Siya ay walang kasalanan. Sa kalooban ni Cristo ay walang pagrerebelde o paglaban, walang pagka-arogante, pagkamakasarili o pagtataksil. Kaya ni Cristo na sundin ang Diyos at lubusang isakatuparan ang kalooban ng Diyos. Tanging ang pagkatao ni Cristo ang normal na pagkatao. Ito ang malaking kaibahan sa pagitan ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling tao. Marami ang hindi nakaaalam sa normal na pagkatao ni Cristo at bumubuo pa ng mga pagkaintindi at paghatol laban kay Cristo. Ano ang isyu dito? Ang tiwaling tao ay masyadong arogante at laging iniisip ang kasamaan! Sinasamba nila si Satanas sa kanilang puso, at sinusunod si Satanas nang hindi nila alam; kinakalaban at kinokondena pa nila si Cristo nang matindi, talagang napakasama! Talagang mababa ang kanilang pagkatao! Ang Diyos ay nagpakita sa laman, at ginagawa ang Kanyang gawain sa loob ng normal na pagkatao, gayunman ang mga tao, sa kanilang kabulagan, ay hindi nakikita, hindi nila Siya makilala. Paano nila aasahang kamtin ang papuri ng Diyos? Paano nila aasahang dadalhin sila sa kaharian ng langit? https://reurl.cc/Wr4LnL

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 3: Ang Panginoong Jesus na aming pinaniniwalaan ay pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng Diyos, walang mangangahas na itatwa ito, pero itong Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi kailangang ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil walang nakatalang Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Kaya nga, sinasabi ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig na Siya na pinaniniwalaan ninyo ay tao lamang, na kayo ay naloko. Tanging ang Panginoong Jesus, na aming pinaniniwalaan, ang Cristo, ang Anak ng Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos na inyong pinaniniwalaan ay isang tao lamang, paano nangyari ito?

Sumunod: Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?

 

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

 

Ang Daan ng Pagdating ng Panginoon

 

 

 

82844499_708823812978195_6587282004339851264_o.jpg

 

𝗩𝗜𝗜. 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴-𝘁𝗮𝗼
Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?
🎁Read More:https://reurl.cc/rDlENk
💌Connect us:https://m.me/tl.kingdomsalvation?ref=subscribe--skwc_xz725num=6935017

classic-questions.jpg

 

Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? https://reurl.cc/Wr4LnL

Sagot: Bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan? Linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan. Dahil ang gawain ng kaligtasan, ito man ay tungkol sa pagtubos o sa paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, ay hindi maisasagawa ng tao. Kailangan na magkatawang-tao ang Diyos at Siya Mismo ang gumawa nito. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay Mismong nagkaroon ng banal at walang kasalanang katawan, at ipinako sa krus para magsilbing handog alang-alang sa kasalanan, tinutubos ang tao sa kanyang pagiging makasalanan. Nauunawaan nating lahat ito. Ngunit tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, bakit Siya nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang magpakita at gumawa? Marami ang nahihirapang unawain ito. Kung hindi ipinaliwanag ng Makapangyarihang Diyos ang aspetong ito ng katotohanan at ibinunyag ang hiwagang ito, wala sanang nakaunawa sa katotohanang ito. Tingnan natin kung ano ang talagang sinabi ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, “Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa kanilang pagiging mapanghimagsik. Saka lamang tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Tanging kapag nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring tustusan ang mga tao ng praktikal na daan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi ang lapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito na nauunawaan ng tao ang lahat ng daan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan.” “Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, dahil sa lakas ng kanilang pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay nakakita at maging ang patay ay nabuhay muli. Gayunman, hindi nagawang matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, nakumpleto ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).https://reurl.cc/Wr4LnL

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nakikita natin na sa Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon para lamang gawin ang gawain ng pagtubos, gamit ang pagpapako sa krus bilang isang handog alang-alang sa kasalanan upang tubusin ang tao mula sa kanyang pagkamakasalanan, upang alisin ang tao sa mga sumpa at pagkondena ng batas. Kailangan lamang nating ipagtapat ang ating mga kasalanan at magsisi at ang ating mga kasalanan ay patatawarin. Pagkatapos ay matatamasa natin ang saganang biyaya at katotohanan. Ito ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at ito ang tunay na kahulugan ng pagiging ligtas sa pananampalataya sa Panginoon. Naliligtas tayo sa ating pananampalataya sa Panginoon at pinapatawad ang ating mga kasalanan, ngunit talaga bang naalis na ang ating pagkamakasalanan? Bagamat pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, kailangan pa nating makibaka sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, dahil taglay pa rin ang ating likas na pagkamakasalanan at makademonyong disposisyon. Kahit inamin na natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at nakamit ang Kanyang kapatawaran, wala tayong alam sa ating likas na pagkamakasalanan, at mas kaunti ang alam tungkol sa ating tiwaling disposisyon, isang kondisyon na mas malala kaysa sa pagkamakasalanan. Kaya lang nating kilalanin ang sariling kasalanan na mga paglabag sa batas, at ang bunga ng pagkakonsensya. Ngunit di natin nakikilala ang mas malalalim na kasalanan, ang kasalanan ng pagkalaban sa Diyos. Halimbawa, wala tayong alam tungkol sa pinag-ugatan ng pagkalaban natin sa Diyos, o kung paano naipapakita ang ating makademonyong disposisyon, o paanong umiral ang ating kalikasan na makademonyo, anong mga lason ni Satanas ang umiiral sa ating likas na pagkatao, saan nagmumula ang makademonyong pilosopiya at makademonyong katwiran at mga patakaran. Bakit kaya walang alam ang tao tungkol sa mga makademonyong bagay na ito? Sabihin nang pinatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, bakit hindi niya kayang agawin ang kanyang sarili mula sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, at bakit patuloy niyang ginagawa ang mga kasalanan ding iyon? Talaga bang dalisay na ang tao kapag napatawad ang kanyang mga kasalanan? Talaga bang banal na siya? Ito ay talagang isang praktikal na isyu na tila hindi naunawaan ninuman sa Kapanahunan ng Biyaya. Bagamat sa paniniwala natin sa Panginoon, pinatatawad ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin batid na nagkakasala tayo, kinakalaban at pinagtataksilan ang Diyos. Alam nating mga mananampalataya ang tungkol dito. Halimbawa, kahit sumasampalataya na sa Panginoon, patuloy tayong nagsisinungaling, mapaghangad, naiinis sa katotohanan at tinatangkilik ang masama. Tayo’y arogante, taksil, makasarili at ganid pa rin; wala tayong magawa at bihag pa rin tayo ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Maraming tao ang walang pagod na gumagawa para sa Panginoon, ngunit ginagawa nila ito sa pag-asang magagantimpalaan at makapapasok sa kaharian ng langit. Kapag tinatamasa nila ang biyaya ng Panginoon masaya sila at tapat sa kanilang pananampalataya sa Panginoon; ngunit kapag naharap sila sa kalamidad, o may trahedya sa pamilya, mali na ang kanilang pang-unawa, sinisisi at itinatatwa at pinagtataksilan ang Panginoon. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa kanilang mga pagkaintindi at ilusyon, tulad sila ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, kinakalaban at kinokondena ang Diyos. Ipinakikita nito na kahit tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus at pinatawad ang ating mga kasalanan, hindi ito nangangahulugan na lubusan nating naalis ang kasalanan at banal na ngayon, lalong hindi ibig sabihin nito na naging sa Diyos tayo at nakamit ng Diyos. Kaya, sa muling pagdating ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, marami sa mga relihiyosong mundo ang dumarating para hatulan, ikondena at lapastanganin ang Diyos, sinasabi sa mga tao na Siya ay kanilang kalaban at muli Siyang ipinapako sa krus. Ang mga tao bang hayagang nagkokondena at kumakalaban sa Diyos ay madadala sa kaharian ng langit dahil lamang sa pinatawad ang kanilang mga kasalanan? Papayagan ba ng Diyos ang masasamang puwersang ito na kumakalaban sa Diyos na makapasok sa kaharian ng langit? Dadalhin ba ng Diyos ang mga anticristong ito, na mga napopoot sa katotohanan, sa kaharian ng langit? Hindi! Dahil ang Diyos ay banal at matwid! Gaya ng nakikita ninyo, bagamat pinapatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pagsampalataya sa Panginoon, hindi natin lubusang naalis sa ating sarili ang pagkamakasalanan, ang makademonyong mga impluwensya, at lalong hindi nakamit ng Diyos at naging sa Diyos. Kaya nga, kung nais nating mga tao na alisin sa ating sarili ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay, upang lubusang makamit ng Diyos, kailangang lubusan tayong madalisay at maligtas ng gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.

Masyadong simple ang pananaw natin sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, na para bang sa sandaling patawarin ang mga kasalanan ng tao ay wala nang ibang isyu, at ang gagawin na lamang ay maghintay na dalhin ng Panginoon sa kaharian ng langit. Napakawalang muwang at parang bata ang tiwaling tao! Lubhang katawa-tawa ang mga pagkaintindi at ilusyon ng tiwaling sangkatauhan! Kasalanan ba ang tanging problema na nagpapahirap sa sangkatauhan matapos gawing tiwali ni Satanas? Ano ang ugat ng kasalanan ng tao? Ano ang kasalanan? Bakit kinamumuhian ito ng Diyos? Hanggang sa araw na ito, wala ni isang may wastong pang-unawa. Ang tao ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas, gaano katindi ang kanilang katiwalian? Walang malinis. Ang katunayan ng lubusang katiwalian ng tao ay nakita noong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ang katotohanan na kayang ipako sa krus ng mga tao ang maawaing Panginoong Jesus, na nagpahayag ng napakaraming katotohanan, ay talagang nagpapakita na ang tao ay naging inapo ni Satanas, lahi ni Satanas, at lubusang nawala ang kanilang pagkatao, ni hindi nila tinaglay ang pinakamaliit na uri ng rasyonalidad o konsensya. Sino sa mga tao ang nagtataglay pa rin ng normal na pagkatao? Hindi ba’t ang paglaban at matinding pagkapoot sa Diyos ng tao ay tanda na dumating na ang tao sa punto kung saan sila ba o Siya, kung saan hindi na sila maaaring makipagkasundo sa Diyos? Malulutas ba talaga ang problemang ito sa pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan? Sino ang makagagarantiya na sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, ang tao ay hindi lalaban sa Diyos o ituturing Siya na kaaway nila? Walang makakagarantiya! Mapapatawad ang mga kasalanan ng tao, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kalikasan ng tao? Isang likas na katangian na kumakalaban sa Diyos? Mapapatawad ba ng Diyos ang makademonyong disposisyon ng tao na pumupuno sa kanya? Kung gayon, paano lulutasin ng Diyos ang mga bagay na ito na kay Satanas? Walang duda na ang Diyos ay gumagamit ng paghatol at pagkastigo. Ayos lang na sabihing, kung wala ang matwid na paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tiwaling tao ay hindi malulupig, lalo pa silang mababaon sa lupa sa matinding kahihiyan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Marami ang nagdududa at may mga pagkaintindi tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit kaya ganito? Ito’y dahil sa hindi nila nakikita ang katunayan ng lubos na katiwalian ng tao. Kaya’t, ang resulta, wala silang pang-unawa sa kahulugan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pinanghahawakan nila ang kanilang mga paniwala, at hindi hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, paano nila tatanggapin at susundin ang gawain ng Diyos? https://reurl.cc/Wr4LnL

Hindi natin maunawaan na mga tao ang lalim at lawak ng kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya, tungkol sa kung bakit dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, at ano ang kahulugan ng dalawang pagkakatawang-tao, para sa aspetong ito ng katotohanan, tingnan natin ang dalawang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na isinasagawa ng isang ordinaryo at normal na tao ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, isinasagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayon ay nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain. … Ang pagtataglay Niya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katotohanan na sumasailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapamalas na Siya ay isang normal na tao; bukod pa riyan, ang Kanyang gawain ay sapat nang patunay na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging tao. Ang Diyos ay naging tao dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; sa madaling salita, ang yugtong ito ng gawain ay kailangang isagawa sa katawang-tao, kailangan itong isagawa sa normal na pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa ‘ang Salita ay naging tao,’ para sa ‘ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,’ at ito ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.” “Bakit Ko sinasabi na hindi nakumpleto ang kahulugan ng pagkakatawang-tao sa gawain ni Jesus? Dahil ang Salita ay hindi lubos na naging tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang bahagi lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang gawain ng pagtubos, at hindi Niya ginawa ang gawaing lubos na maangkin ang tao. Dahil dito, minsan pang naging tao ang Diyos sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay ginagawa rin sa isang ordinaryong katawan; isinasagawa ito ng isang lubos na normal na tao, isang tao na ang pagkatao ay hindi nangingibabaw ni katiting. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao; Siya ay isang taong ang pagkakakilanlan ay sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na nagsasagawa ng gawain” (“Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ibinunyag ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahalagahan at hiwaga ng pagkakatawang-tao. Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos nalaman natin na ang pagkakatawang-tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkaroon ng katawan at naging isang karaniwan at normal na tao para gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magkaroon ng normal na pagkatao, kailangang gumawa at magsalita ayon sa normal na pagkatao. Kahit kapag gumagawa Siya ng mga himala, dapat isagawa ang mga ito ayon sa normal na pagkatao. Sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang normal. Tila ginagawa Niya ang Kanyang gawain tulad ng isang normal, na katamtamang tao. Kung wala Siyang normal na pagkatao at gumawa sa Kanyang normal na pagkatao, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagkakatawang-tao ay naging tao ang Espiritu ng Diyos. Sa loob ng normal na pagkatao, ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo, tinutubos at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ngayon, ano ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang ibig sabihin lamang nito ay na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagkumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao, nagsagawa sa gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao at kinumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dapat malinaw sa ating lahat na ang layunin ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng pagtubos at ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya’t, ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kumumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ang layunin ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw at lubusang palayain ang tao mula sa pagsakmal ni Satanas, para maalis sa tao ang kanilang makademonyong disposisyon, palayain sila mula sa impluwensya ni Satanas upang makabalik sila sa Diyos at makamit Niya. Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay ipinahayag ang kabuuan ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, kinumpleto ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at ipinahayag ang lahat ng kailangang ipahayag ng Diyos sa Kanyang katawang-tao. Sa paggawa lamang nito Niya nakumpleto ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Basahin natin ang dalawa pang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa katawang-tao Niya, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao upang lupigin ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob; tanging ito ang Salita na nagkatawang-tao, at tanging ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, lumilitaw na parang hindi nakagagawa ng maraming gawain ang Diyos—ngunit kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang mga salita Niya, at lubusan silang mapaniniwala at mapahahanga. Nang walang katotohanan, sumisigaw at humihiyaw ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, nananahimik sila. Tiyak na magagawa ng Diyos ang katotohanang ito, sapagkat ito ang matagal nang itinatag na plano ng Diyos: magawa ang katotohanan ng pagdating ng Salita sa lupa” (“Dumating Na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng ‘ang Salita ay naging tao,’ nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa ‘ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos,’ at tinutulutan ka na matibay na paniwalaan ang mga salitang ‘Nang pasimula siya ang Verbo.’ Na ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ay may taglay na mga salita ang Diyos, ang Kanyang mga salita ay sumasa Kanya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at sa huling kapanahunan, lalo pa Niyang nililinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang daan—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng huling kapanahunan. Kailangan mong maunawaan ang mga bagay na ito nang lubus-lubusan. Hindi ito tungkol sa pagkilala sa katawang-tao, kundi kung ano ang pagkaunawa mo sa katawang-tao at sa Salita. Ito ang patotoo na kailangan mong ibahagi, yaong kailangang malaman ng lahat. Dahil ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na magkakatawang-tao ang Diyos—lubos nitong kinukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao, lubus-lubusang isinasakatuparan at inilalabas ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at winawakasan ang panahon ng Diyos na nasa katawang-tao” (“Pagsasagawa 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kumumpleto sa lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, ibig sabihin, ang buong gawain ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya’t, sa hinaharap, ang Diyos ay hindi na muling magkakatawang-tao. Wala nang ikatlo o ikaapat na beses. Dahil ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubusan nang naisakatuparan. Iyan ang ibig sabihin ng pahayag na ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.https://reurl.cc/Wr4LnL

Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Para sa mga daranas pa lang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, mahirap itong maunawaan. Iyon lamang mga taong nakaranas sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya ang nakaaalam na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit kaunti lamang ang nakauunawa na ang gawain ng Panginoong Jesus ay limitado sa pagtubos lamang at hindi Niya isinakatuparan ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Na ibig sabihin, hindi ipinahayag ng Panginoong Jesus ang kabuuan ng katotohanan ng kumpletong pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik na sa laman bilang Anak ng tao. Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Narito Siya ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, ipinapahayag dito ang kabuuan ng katotohanan na magdadalisay at magliligtas sa sangkatauhan, ang katotohanang nasa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasalita sa unang pagkakataon sa pagkakakilanlan ng Diyos sa buong sansinukob, ipinapahayag ang Kanyang salita. Ipinapahayag Niya ang mga detalye ng plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ipinapahayag Niya ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang ipinapagawa sa sangkatauhan at ang patutunguhan ng tao. Tingnan natin kung paano ito ipinapaliwanag ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula noong paglikha ng mundo na nangusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan nang ganito kadetalyado at napakaayos. Siyempre pa, ito rin ang unang pagkakataon na marami Siyang sinabi, at napakatagal, sa buong sangkatauhan. Wala pang nakagawa nito kailanman. Bukod pa riyan, ang mga pagbigkas na ito ang bumubuo sa unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilalantad Niya ang mga tao, ginagabayan sila, hinahatulan sila, at nagsasalita Siya nang tapatan sa kanila at ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar na Kanyang pinaghihimlayan, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang Kanyang pag-aalala sa sangkatauhan. Masasabi na ito ang mga unang pagbigkas na sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa gitna ng mga salita” (Panimula sa Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ito ay dahil inihahatid Ko sa mundo ang katapusan ng sangkatauhan, at mula ngayon, inilalantad Ko ang buo Kong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakikilala sa Akin at ang lahat ng hindi ay lubos na mapagmamasdan at makikita na tunay ngang dumating na Ako sa daigdig ng tao, dumating na sa lupa kung saan nagpaparami ang lahat ng bagay. Ito ang plano Ko, at ang tangi Kong ‘pangungumpisal’ mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Maipagkaloob nawa ninyo ang buong pansin sa bawat galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang tungkod Ko sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Tungkol sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, may mga taong hindi makaunawa dito, dahil kulang sila sa karanasan. Kapag narinig nila ito, hindi nila ito nauunawaan. Talagang malalim ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, kailangan ng ilang pagbabahagi para maunawaan ng mga tao. Ngayon alamin natin ang mga detalye ng gawaing isinagawa sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, isinagawa Niya ang gawain ng pagtubos, nagpapakita ng maraming himala. Pinakain Niya ang limang libo sa limang tinapay at dalawang isda lamang. Pinayapa Niya ang hangin at mga alon sa isang salita lamang. Binuhay Niya si Lazaro. At, ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno at tinukso sa ilang sa loob ng apatnapung araw. Lumakad Siya sa dagat, atbp. Dahil ang katawan ng Panginoong Jesus ay gumawa ng mga himala, at Siya ay nagbagong-anyo sa tuktok ng bundok, sa mga mata ng mga tao, bagamat ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao, Siya ay nagtaglay pa rin ng pambihirang mga elemento. Kaiba Siya sa karaniwang tao, may mga himala saan man Siya magpakita. At, isang yugto lamang ng gawain ang ginawa ng Panginoong Jesus, ang gawain ng pagtubos. Ipinahayag lamang Niya ang katotohanan ng gawain ng pagtubos, ipinakikita lamang ang disposisyon ng habag at pag-ibig ng Diyos. Hindi Niya ipinahayag ang lahat ng katotohanan tungkol sa gawain ng paghatol at kaligtasan, at hindi Niya ipinahayag sa tao ang matwid, banal at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Kaya hindi masasabing nakumpleto ng unang pagkakatawang-tao ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng ‘ang Verbo ay sumasa Diyos’: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking katunayan na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos” (“Pagsasagawa 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay kaiba sa unang pagkakatawang-tao. Sa ikalawang pagkakatawang-tao, ang Diyos ay hindi nagsagawa ng mga himala, hindi Siya pambihira. Sa panlabas na anyo Siya’y mukhang isang normal at karaniwang tao, ginagawa ang Kanyang gawain at binibigkas ang Kanyang salita nang praktikal at makatotohanan sa mga tao. Naipahayag Niya ang katotohanan upang hatulan, dalisayin at gawing perpekto ang tao. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ipinakita ang matwid at banal na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng kung ano ang Diyos at anong mayroon Siya, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang ipinapagawa sa mga tao. At, hinatulan at inilantad rin Niya ang makademonyong kalikasan ng tao at ang tiwaling mga desisyon na kumakalaban sa Diyos, at sa paggawa nito, nilupig, ginawang perpekto, inilantad at inalis ang tao, bawat isa sa kanyang sariling uri. Lahat ng katotohanang ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw ay ipinahayag sa loob ng normal na pagkatao ng Kanyang katawan, walang pambihira tungkol dito. Ang nakikita lamang natin ay isang normal na taong bumibigkas ng Kanyang salita at gumagawa ng Kanyang gawain, ngunit ang salitang binibigkas ni Cristo ay pawang katotohanan. Ito ay may awtoridad at kapangyarihan, kaya nitong dalisayin at iligtas ang tao. Mula sa salita ni Cristo, na humahatol at naglalantad sa katotohanan at diwa ng katiwalian ng tao, nakikita natin kung paano napapasok ng Diyos ang kaibuturan ng tao sa Kanyang pagmamasid sa kanya, kung paano lubos na nauunawaan ng Diyos ang tao. Nalalaman din ng tao ang matwid, banal, at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Mula sa panghihikayat at panghihimok ni Cristo, nauunawaan natin ang habag at malasakit ng Diyos sa tao. Mula sa maraming paraan kung saan nagsasalita at gumagawa si Cristo, napapahalagahan natin ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, ang marubdob na mga balakin kung saan gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at ang tunay na pagmamahal ng Diyos at kaligtasan ng tao. Batay sa paraan ng pagtrato ni Cristo sa lahat ng tao, mga isyu, at mga bagay, nauunawaan natin kung paanong ang kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan ng Diyos ay katunayang lahat ng mga bagay na positibo, at kung paanong ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at likas na pagpapakita ng diwa ng buhay ng Diyos. Batay sa salita at gawa ni Cristo, nakikita natin kung gaano kasukdulan at kadakila ang Diyos at kung paano Siya magpakumbaba at magkubli, nagkakaroon tayo ng tunay na kaunawaan at kaalaman sa orihinal na disposisyon at tunay na mukha ng Diyos, kaya nagkakaroon tayo ng pagkauhaw sa katotohanan at paggalang sa Diyos sa ating mga puso, upang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Ito ang epekto sa atin ng salita at gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi lamang itinutulot ng salita at gawa ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos na makita ng tao na nagkatawang-tao ang Diyos kundi tinutulutan din silang makita ang katunayan ng pagpapakita ng salita ng Diyos sa katawang-tao. Isinasagawa ng salita ng Diyos ang lahat ng bagay. Itong normal, karaniwang katawan ay ang sagisag ng Espiritu ng katotohanan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Siya ang pagpapakita ng tanging tunay na Diyos! Tanging sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos nakumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.

Basahin natin ang dalawa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos, upang maging mas malinaw pa ang ating pagkaunawa sa katotohanan at hiwagang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng ‘ang Salita ay naging tao,’ nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa ‘ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos’” (“Pagsasagawa 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa Kapanahunan ng Kaharian, nagwiwika ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito ay ‘ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao’; dumating ang Diyos sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang gawaing ito, na ang ibig sabihin, naparito Siya upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Nagwiwika lamang Siya ng mga salita, at bihirang may pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakadiwa ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at kapag nagwiwika ng Kanyang mga salita ang Diyos na nagkatawang-tao, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na nagiging katawang-tao. ‘Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos, at nagkatawang-tao ang Verbo.’ Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at ang huling kabanata ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at naparito nga ang Diyos sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong ginagawa ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong mga maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—maliwanag nang nakasaad ang lahat ng gawaing ito na dapat makamit sa katapusan, at ang lahat ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Ang mga atas administratibo at saligang-batas na dati nang nailabas, yaong mga mawawasak, yaong mga mamamahinga—dapat na matupad ang lahat ng salitang ito. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Pinangyayari Niya ang mga tao na maunawaan kung saan nabibilang yaong mga itinadhana ng Diyos at kung saan nabibilang yaong mga hindi itinadhana ng Diyos, kung paano mapapagbukud-bukod ang Kanyang mga tao at mga anak, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, matutupad ang bawat isa sa mga salitang ito. Bumibilis ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang paraan upang ihayag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin sa mga huling araw ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang ministeryo na Kanyang gagampanan, at lahat ng salitang ito ay upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao” (“Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Matapos basahin ang mga talatang ito ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tiwala ako na lahat ay may dagdag na kaalaman kung paano kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao! Alam na natin ngayon ang katotohanan na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay isinasagawa sa pamamagitan ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang yugto ng gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Ang ipinahayag Niyang mga katotohanan ay masyadong limitado, kaya’t, sa pagdanas sa gawain ng Panginoong Jesus, ang kaalaman natin tungkol sa Diyos ay limitado pa rin noon. Ang Makapangyarihang Diyos ay naparito para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ipinahayag ang buong katotohanan tungkol sa matwid na paghatol ng Diyos sa katiwalian ng tao. Itinutulot nito na makita ng tao ang likas na disposisyon ng Diyos at malaman ang Kanyang matwid at banal na diwa. Kaya’t, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay lubusang kinumpleto ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ipinahayag Niya ang kabuuan ng katotohanan na ipapahayag ng Diyos sa katawang-tao, sa gayon ay isinasakatuparan ang katotohanan na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Ganitong kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangang-kailangan, at suplemento at kapupunan ng isa’t isa. Kaya hindi maaaring sabihin ng isang tao na ang Diyos ay minsan lamang magkakatawang-tao, o na Siya ay magkakatawang-tao nang tatlo o apat na beses. Dahil nakumpleto na ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at ipinahayag ang buong katotohanang nagliligtas sa sangkatauhan na dapat ipahayag ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa gayon, nakumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. https://reurl.cc/Wr4LnL

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?

Sumunod: Tanong 6: Nakasaad sa Biblia na matapos bautismuhan ang Panginoong Jesus, ang langit ay nabuksan, at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Panginoong Jesus tulad ng isang kalapati, isang tinig ang nagsabing: “Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). At kinikilala naming mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Gayunman nagpatotoo kayo na ang Cristong nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, ay Diyos Mismo, na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo at ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos Mismo. Medyo mahiwaga ito para sa amin at naiiba sa dati naming paniniwala. Kung gayon, ang Cristong nagkatawang-tao ba ang Diyos Mismo o ang Anak ng Diyos? Ang parehong situwasyon ay tila makatwiran sa amin, at kapwa ayon sa Biblia. Kung gayon, aling pang-unawa ang tama?

 

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

 

 

Biblia

 

pangalan ng Diyos

 

Panginoong Jesus

83746741_1793222837476761_6783036086726688768_o.jpg

 

Film chrétien en français 2022 « Le feu du fondeur » Témoignage de foi d’une chrétienne persécutée
Chen Xinjie, une dirigeante d'Église, est traquée et surveillée par la police du Parti communiste chinois en 2006 durant l'accomplissement de son devoir. Elle finit par être arrêtée en même temps qu'une diaconesse de l'Église, Zhao Guilan. Cherchant à obtenir des informations sur les autres dirigeants de l'Église et sur l'endroit où les fonds de l'Église sont conservés, les policiers les interrogent et font pression sur elles afin qu'elles répondent à leurs questions l'une après l'autre, utilisant même des tactiques consistant à les frapper et à les suspendre par leurs menottes. Voyant que Chen Xinjie refuse de parler, ils l'emmènent dans un lieu d'interrogatoire secret, lui enlèvent tous ses vêtements pour l'humilier et l'électrocutent jusqu'à ce qu'elle perde connaissance. Lorsqu'elle sent qu'elle oscille entre la vie et la mort, elle utilise ses dernières forces pour appeler Dieu dans la prière. Inconsciente, elle voit un chœur d'anges chanter un hymne des paroles de Dieu pour l'encourager, alors qu'elle était au seuil de la mort. Elle reste ferme dans sa foi et jure de rendre témoignage à Dieu pour humilier Satan. Voyant que leurs méthodes de torture brutales ne fonctionnent pas avec elle, les policiers recherchent son mari dans le but de jouer sur ses cordes sensibles pour la contraindre et l'inciter à trahir Dieu et à vendre l'Église. À deux reprises, ils envoient des espions auprès de Chen Xinjie pour obtenir des informations sur l'Église. S'appuyant sur Dieu, elle ne tombe pas dans les pièges de Satan, mais les policiers refusent toujours d'abandonner. Puis, un jour venteux et neigeux, ils transportent Chen Xinjie et Zhao Guilan dans un camp de rééducation par le travail où elles sont forcées de se déshabiller devant des centaines de prisonnières, exposant leurs corps nus devant tout le monde…

https://reurl.cc/Dy1Z2O

mqdefault - 2022-03-22T221945.923.jpg

Myanmar Gospel Song 2022 - ဘုရားသည် သူ့အလိုတော်ကို လုပ်ဆောင်နိုင်သူတို့အား စိတ်အားထက်သန်စွာ အလိုရှိ
https://reurl.cc/o1Dex5

84113555_482795849050354_4376811131935653888_o.jpg

ကျွန်ုပ်တို့အတွက် ဘုရားသခင်၏မေတ္တာနှင့် ကယ်တင်ခြင်းကို ခံစားနိုင်ရန် ဓမ္မသီချင်းစုစည်းမှုကို ကြည့်ပါ။
💖┈┈┈┈╮
 https://m.me/GreetingtheLordReturn?ref=zy--4-17zb
╰┈┈┈┈ 💖လွန်ခဲ့သောနှစ်ပေါင်း 2000 တွင်၊ သခင်ယေရှုသည် လူ့ဇာတိခံယူပြီး လူသားအားလုံးကို ရွေးနှုတ်ရန်အတွက် လူသားတို့အတွက် လက်ဝါးကပ်တိုင်မှာ အသေခံခဲ့သည်။နှစ်ပေါင်း 2000 လွန်ပြီးနောက် ယနေ့တွင်၊ လူတို့သည် အပြစ်တရားတွင် နေထိုင်ကြပြီး၊ ငွေ၊ အဆင့်အတန်းနှင့် အကျိုးအမြတ်များအတွက် အချင်းချင်း တိုက်ခိုက်သတ်ဖြတ်ခြင်း၊ အပြစ်တရားဖြင့် ချည်နှောင်ထားကြသည်။
ဘဝသည် အထူးနာကျင်ပြီး အကူအညီမဲ့နေသည်။ လူသားသည် အပြစ်၌နေထိုင်ပြီး စာတန်၏ လှည့်စားခြင်းနှင့် နှိပ်စက်ခြင်းကို ဘုရားသခင်မ​မြင်ချင်ပါ။
လူသားကို လုံးဝသန့်စင်ပြီး ကယ်တင်ပြီး အံ့သြဖွယ်ကောင်းသော ဦးတည်ရာသို့ ပို့ဆောင်ရန်အတွက် ဘုရားသခင်သည် တစ်ဖန် လူ့ဇာတိခံယူကာ မြေကြီးပေါ်သို့ ကြွလာကာ လူသားအား တရားစီရင်ရန်နှင့် ဆုံးမရန် စကားလုံးများကို ဖော်ပြကာ လူသားအတွက် အရာအားလုံးကို တိတ်တဆိတ် ပေးဆောင်သည်။
ဤလက်ရှိထုတ်ဝေမှု၏ တိုက်ရိုက်ထုတ်လွှင့်မှုတွင်၊ အံ့သြဖွယ်ကောင်းသော ဓမ္မသီချင်းစုစည်းမှုကို ကြည့်ရှုရန် သင့်အား လေးစားစွာ ဖိတ်ကြားအပ်ပါသည်။လှပတဲ့ ဂီတသံတွေနဲ့ တွဲကြရအောင်။ ဓမ္မသီချင်းများတွင်၊ ကျွန်ုပ်တို့အတွက် ဘုရားသခင်၏ဂရုစိုက်မှုနှင့် သနားခြင်း၊ ဘုရားသခင်၏မေတ္တာတော်နှင့် ကယ်တင်ခြင်းအကြောင်းကို သိရှိနိုင်ပြီး၊ ကျွန်ုပ်တို့အတွက် သူ၏တည်ကြည်သောမေတ္တာအတွက် ဘုရားသခင်ကို ကျေးဇူးတင်ပါသည်။

https://reurl.cc/0pzDLb
https://reurl.cc/3o1Nd8

ဘုရားသခင်၏ နေ့စဉ် နှုတ်ကပတ်တော်များ- ပန်းတိုင်များနှင့် အဆုံးသတ်များ | ကောက်နုတ်ချက် ၆၀၁
https://reurl.cc/OAbpqv
https://reurl.cc/o1De9D

92022646_221823852561894_6790181701126455296_o.jpg

揭露核酸真相被打斷七根肋骨⋯⋯
https://reurl.cc/0pzdW6

1Xuc2QFOmHYxhsc-boDyHfCIpYF-FzsDdumVdIyNOT5uA8cpW8YxAQexzRYeOPIb.jpg

 

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()