【Pinagpapala ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Kanya】

Kapag sinasabi ng Diyos, "At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos" (Deuteronomio 5:10).

Yaong mga maaaring tumupad sa mga utos ng Diyos at sumunod sa mga kaayusan ng Diyos ay mabibigyan ng mga dakilang pagpapala hanggang sa libu-libong henerasyon nila. Tulad ni Abraham, maaari niyang sundin ang Diyos. Nakakamit siya ng isang anak na lalaki noong siya ay 100 taong gulang, gayunpaman, pagkatapos na hiniling ng Diyos na ihain niya si Isaac at hindi siya nagreklamo tungkol sa bagay na iyon ngunit lubusang nagpasakop sa Diyos at handang ibigay si Isaac pabalik sa Diyos. Nang itaas niya ang kanyang kutsilyo upang patayin ang kanyang anak, nakita ng Diyos na totoong puso ni Abraham at pinigil siya ng Diyos. Ang kanyang pagsunod ay dumaan sa pagsubok ng Diyos at nasiyahan ang Diyos sa loob ng kanyang puso. Kaya't ipinangako ng Diyos kay Abraham na ipagkaloob sa kanya ang maraming mga inapo tulad ng mga bituin sa kalangitan at buhangin sa dalampasigan at taglay ang pintuan ng kanyang mga kaaway.
Kapag sinasabi ng Diyos, "Kapag nais ng Diyos na isaayos ang isang tao, ang pagsasaayos na ito ay madalas salungat sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man tiyak na itong di-pagkakatugma at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Si Abraham, samantala, ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Saka lamang, nang nagawang sundin ni Abraham ang hinihingi ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, na tunay na naramdaman ng Diyos ang muling pagtitiwala at pagsang-ayon sa sangkatauhan—tungo kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang hindi mababalewalang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang mga susunod na plano sa pamamahala. Kahit na ito ay isang pagsubok lamang, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pag-ibig ng tao para sa Kanya, at nadama Niya ang kalinga ng tao na hindi Niya dating nadama. Sa sandaling iyon na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya, pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagkamasunurin ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kalalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ang nais Niyang makita. Totoo ba ito? Kahit na, sa iba’t ibang konteksto, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham, at walang kondisyon ang kanyang pagsunod, at tiyak na ang ‘walang kondisyon’ na ito ang ninais ng Diyos."

54727394_855148818150815_2942497530602061824_n.jpg

 

 

 

Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay
"Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: 'At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.' Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, 'Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan'? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: 'At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.' Ibig sabihin, nagkaroon na ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at naghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, 'at nagkagayon.' Inilarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat ginawa ng Diyos? Paano ba ginawa ng Diyos ang mga bagong bagay na ito? Malinaw na, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuang ito."
"Magpatuloy tayo sa huling pangungusap ng talatang ito: 'At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.' Habang nagsasalita ang Diyos, ang lahat ng mga bagay na ito ay nagkaroon ng buhay ayon sa mga kaisipan ng Diyos, at sa isang sandali, ang iba’t-ibang uri ng mga maselang maliliit na anyo ng buhay ay walang pagtigil sa pag-usli sa kanilang mga ulo palabas ng lupa, at bago pa nila maipagpag ang mga maliliit na dumi mula sa kanilang mga katawan, sabik na silang kumakaway sa bawat isa sa pagbati, tumatango at ngumingiti sa mundo. Pinasalamatan nila ang Lumikha sa buhay na Kaniyang ibinigay sa kanila, at inihayag sa mundo na bahagi sila ng lahat ng mga bagay, at ang bawat isa sa kanila’y ilalaan ang kanilang mga buhay sa pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, naging malago at berde ang lupa, tumubo at umusbong mula sa lupa ang lahat ng uri ng mga halaman na maaaring tamasahin ng tao, at ang mga bundok at kapatagan ay kumapal nang todo dahil sa mga puno at kagubatan…. Itong tigang na mundo, na kung saan walang anumang bakas ng buhay, ay mabilis na natakpan ng mga masaganang damo, mga halaman at mga puno at umaapaw sa kaberdehan…. Ang samyo ng damo at ang halimuyak ng lupa ay kumalat sa hangin, at nagsimula ang mga uri ng halaman na huminga kasabay ng sirkulasyon ng hangin, at nagsimula sa proseso ng paglaki. Kasabay nito, salamat sa mga salita ng Diyos at kasunod ng mga kaisipan ng Diyos, sinimulan ng lahat ng mga halaman ang magpakailanmang ikot ng buhay na kung saan sila ay lalago, mamumulaklak, mamumunga, at dadami. Nagsimula silang buong galang na sumunod nang mahigpit sa kanilang mga landas ng buhay, at nagsimulang buong galang na gawin ang kanilang mga tungkulin sa kabila ng lahat ng mga bagay…. Isinilang sila lahat, at nabuhay, dahil sa mga salita ng Maylalang. Tatanggap sila nang walang humpay na probisyon at pagpapakain mula sa Maylalang, at laging matatag na mabubuhay sa bawat sulok ng lupain para maipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at lagi nilang ipapakita ang pwersa ng buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang…"
"Bago lumitaw ang lahat ng mga bagay, matagal nang nabuo sa kaisipan ng Diyos ang isang kumpletong plano, at matagal nang nakamit ang isang bagong mundo. Bagama’t sa pangatlong araw doon lumitaw ang lahat ng uri ng mga halaman sa lupa, walang dahilan ang Diyos para pigilan ang mga hakbang ng Kanyang paglikha sa mundong ito; sinadya Niyang magpatuloy sa pagbigkas sa Kanyang mga salita, para magpatuloy na makamit ang paglikha ng bawat bagong bagay. Magsasalita Siya, ibibigay ang Kanyang mga utos, at ipatutupad ang Kanyang awtoridad at ipapakita ang Kanyang kapangyarihan, at hinanda Niya ang lahat ng mga bagay na Kanyang plinano para ihanda ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan na nilalayon Niyang gawin…."

54279575_855147441484286_7238488652316147712_n.jpg

 

 

 

【Tingnan ang mga gawa ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya】

Ang pananampalataya ang nadama natin, hindi tayo natatakot sa harapan ng kahirapan, at makikita din ang mga gawa ng Diyos.
Tulad ng alam nating lahat, sa mga mata ng mga Israelita, ang panlabas na hitsura ng Filisteo na si Goliath ay napaka-taas, agresibo ay napakalakas at walang hindi natatakot nang makita siya ... Gayunman, sinabi ni David kay Saul na huwag matakot dahil kay Goliath. Si David ay napakaliit at hindi na kayang magsuot ng sandata ni Saul. Gayunman, wala siyang mga sandata sa sandaling iyon o nakipaglaban man dati, gayunpaman, siya ay nagtiwala sa kapangyarihan ng Diyos. Kaya nakikipag-usap siya sa Filisteo, "Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon" (1 Samuel 17:45).
Nang maglaon, gumamit si David ng isang bato upang patayin si Goliath. Mula dito, makikita natin ang pananampalataya ay maaaring makamit ang lahat.

Sa ating buhay, magkakaroon din tayo ng maraming mga kapaligiran. Kapag ang ilang mga kapighatian at paghihirap ay dumating sa atin, hangga't mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Diyos, manalangin sa Diyos at tapat na pagtitiwala sa Diyos, makikita natin ang mga gawa ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ang ating patuloy na tulong!

"Kapag mayroon kang pananampalataya at nahihipo mo ang Kanyang mga pagkilos sa iyong praktikal na karanasan, magpapakita ang Diyos sa iyo, at liliwanagan at gagabayan ka Niya mula sa loob. Kung wala ang gayong pananampalataya, hindi makakayang gawin ng Diyos ang gayon. Kung nawala na ang iyong pag-asa sa Diyos, paano mo magagawang maranasan Siya? Kung gayon, kapag mayroon ka lamang pananampalataya at hindi ka nagkikimkim ng anumang mga pagdududa tungo sa Diyos, kung mayroon ka lamang tunay na pananampalataya sa Kanya maging anuman ang Kanyang ginagawa liliwanagan ka Niya at paliliwanagin ang iyong mga karanasan, saka mo pa lamang maaaring makita ang Kanyang mga pagkilos. Ang mga bagay na ito ay nakakamtan lahat sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang pananampalataya ay nakakamtan lamang sa pamamagitan ng pagpipino—hindi malilinang ang pananampalataya kung wala ang pagpipino. Ano ang tinutukoy na pananampalataya? Ang pananampalataya ay ang dalisay na paniniwala at ang tapat na puso na dapat angkin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahihipo ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naayon sa mga paniwala ng mga tao, kapag ito ay lampas sa maaabot ng tao. Ito ang pananampalataya na Aking binabanggit."

55554384_855766044755759_447512691477577728_n.jpg

 

 

 

🤔🤔Ano ang Kahalagahan ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Panginoong Jesus?

"Pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay mabuhay na muli, nagpakita Siya sa mga tao na iniisip Niyang kinakailangan, nakipag-usap sa kanila, at gumawa ng mga kailangan sa kanila, isinantabi ang Kanyang mga layunin, at ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Na ang ibig sabihin, bilang Diyos na nagkatawang-tao, hindi na mahalaga kung ito pa ang panahong nasa katawang-tao Siya, o sa espirituwal na katawan pagkatapos mapako sa krus at nabuhay na muli—ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan at mga kailangan ukol sa mga tao ay hindi nagbago. Siya ay nag-aalala sa mga disipulong ito bago Siya dalhin sa krus; sa Kanyang puso, malinaw sa Kanya ang ukol sa katayuan ng bawat isang tao, nauunawaan Niya ang pagkukulang ng bawat isang tao, at mangyari pa ang Kanyang pagkaunawa sa bawat isang tao ay pareho din pagkatapos Niyang mamatay, nabuhay muli, at naging isang espirituwal na katawan gaya nang kung Siya ay nasa katawang-tao. Nalalaman Niya na ang mga tao ay hindi nakatitiyak nang lubos ukol sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo, ngunit sa Kanyang panahong nasa katawang-tao hindi Siya gumawa ng mahigpit na mga kahilingan sa mga tao. Ngunit pagkatapos Niyang mabuhay na muli nagpakita Siya sa kanila, at ginawa Niya silang lubusang nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, at ginamit Niya ang katotohanan ng Kanyang pagpapakita at ang Kanyang pagkabuhay muli bilang pinakadakilang pangitain at pagganyak para sa habambuhay na paghahangad ng sangkatauhan. Ang Kanyang pagkabuhay muli mula sa kamatayan ay hindi lamang pinatatag yaong lahat na sumusunod sa Kanya, ngunit ganap ding pinahintulot ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa gitna ng sangkatauhan, at sa gayon ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay unti-unting lumaganap sa bawat sulok ng sangkatauhan."

52982005_844395692559461_8577362982206439424_n.jpg

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()