Ang inyong katapatan ay sa salita lamang, ang inyong kaalaman ay pang-isipan at pang-intindi lamang, ang inyong mga pagpapagal ay para lamang magtamo ng mga pagpapala ng langit, kaya paano kayo dapat manampalataya? Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan ka pa rin sa bawat salita ng katotohanan. Hindi ninyo alam kung ano ang Diyos, hindi ninyo alam kung ano si Cristo, hindi ninyo alam kung paano igalang si Jehova, hindi ninyo alam kung paano pumasok sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ninyo alam kung paano tukuyin ang gawain ng Diyos Mismo at ang mga panlilinlang ng tao. Ang alam mo lang ay husgahan ang bawat salita ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na hindi sumasang-ayon sa iyong kaisipan. Nasaan ang iyong pagpapakumbaba? Nasaan ang iyong pagsunod? Nasaan ang iyong katapatan? Nasaan ang paghahangad mong mahanap ang katotohanan? Nasaan ang iyong paggalang sa Diyos? Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na kategorya na daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang oras na nasaksihan mong bumaba si Jesus mula sa langit ang iyon ring oras ng pagbaba mo sa impiyerno para parusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayo’y napadalisay na, ay nakabalik na sa luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Maylalang. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at pinapakawalan ang tunay na daan ng buhay. Kaya maaari lamang na harapin sila ni Jesus kapag hayagan Siyang bumalik nang nasa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang mga gayong mababang-uri? Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lang sa 10,000 sa mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag masyadong magtiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung susuriin mong mabuti at paulit-ulit na pagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga ito ay totoo o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang kanilang nabasa, pikit-matang hinuhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na nagsasabi, “Kaunting pagliliwanag lamang iyan mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag ninyong lapastanganin ang Banal na Espiritu dahil lamang sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi totoo, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa huli’y parurusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t hindi ka pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pagisipan ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito? https://reurl.cc/XWdKQ3
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Dapat Kayong Maging Isang Tao na Tumatanggap ng Katotohanan
Ⅰ
Piliin ang inyong sariling landas, huwag tanggihan ang katotohanan o lapastanganin ang Banal na Espiritu. Huwag maging mangmang, huwag maging mapagmataas. Sundin ang patnubay ng Banal na Espiritu. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ⅱ
Manabik sa katotohanan at maghanap ng katotohanan. Ito ang tanging paraan na makikinabang kayo. Yaong mga nakarinig ng katotohanan ngunit nagbabalewala nito ay lahat napakahangal at ignorante. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang katotohanan.
Ⅲ
Dahan-dahang tahakin ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag magmadali sa paghuhusga. Huwag maging kaswal, walang inaalala sa inyong paniniwala sa Diyos. Ang mga naniniwala sa Kanya ay dapat maging mapitagan at mapagpakumbaba. Yaong mga nakarinig ng katotohanan ngunit agad agad may konklusyon o hahatulan kung ano ang totoo ay puno ng pagmamataas. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ⅳ
Walang sinumang naniniwala kay Jesus ay karapat-dapat na sumumpa o humatol. Tanggapin ang katotohanan. Dapat kayong maging makatuwiran at tanggapin ang katotohanan. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan. https://reurl.cc/XWdKQ3
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
留言列表