close
🍀 Ano ang pagkakatawang-tao at ang diwa nito 🍀
Kung mayroon kang anumang pagkalito, i-click ang link upang makipag-ugnayan sa amin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang “pagkakatawang-tao” ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao.
Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain. Kung, noong una Siyang pumarito, hindi nagtaglay ang Diyos ng normal na pagkatao bago Siya nag-edad dalawampu’t siyam—kung noong Siya ay isilang ay agad Siyang nakagawa ng mga himala, kung noong Siya ay matutong magsalita ay agad Siyang nakapagsalita ng wika ng langit, kung noong una Siyang tumapak sa lupa ay nakaya Niyang hulihin ang lahat ng makamundong bagay, mahiwatigan ang mga iniisip at layunin ng bawat tao—hindi maaaring natawag ang taong iyon na isang normal na tao, at hindi maaaring natawag ang katawang iyon na katawan ng tao. Kung nangyari ito kay Cristo, mawawalan ng kahulugan at diwa ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagtataglay Niya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katotohanan na sumasailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapamalas na Siya ay isang normal na tao; bukod pa riyan, ang Kanyang gawain ay sapat nang patunay na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging tao.
Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatuwid, ganap na hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng kahit anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng mga tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas din ang tao, at alang-alang ito sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, napagtatanto Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, na sapat ang katawang-tao Niya upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring maihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging katawang-tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang dumarating Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man ito o si Cristo man ito, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.
Hinango mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga Cristo ang tinatawag sa mga sarili nila, subalit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi pati na rin ang partikular na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain kasama ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at katawanin nang mahusay ang Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao.
Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam.
Hinango mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao. Ang Kanyang buhay at gawain sa katawang-tao ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Una ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Naninirahan Siya sa piling ng isang ordinaryong pamilya ng tao, sa lubos na normal na pagkatao, sumusunod sa normal na mga moralidad at batas ng buhay ng tao, na may normal na mga pangangailangan ng normal na tao (pagkain, damit, tulog, tirahan), normal na mga kahinaan ng tao, at normal na mga damdamin ng tao. Sa madaling salita, sa unang yugtong ito ay nabubuhay Siya sa pagkataong walang pagka-Diyos at lubos na normal, nakikisali sa lahat ng normal na aktibidad ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay matapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Nananahan pa rin Siya sa ordinaryong pagkatao na may isang normal na katawan ng tao, na hindi nagpapakita ng panlabas na tanda ng pagiging higit-sa-karaniwan. Subalit namumuhay Siya nang dalisay para lamang sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ay ganap na umiiral ang Kanyang normal na pagkatao upang suportahan ang normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos, sapagkat sa panahong iyon ay gumulang na ang Kanyang normal na pagkatao hanggang sa punto na kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya, ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang normal na pagkatao, kapag ito ay isang buhay kapwa ng normal na pagkatao at ng ganap na pagka-Diyos. Sa unang yugto ng Kanyang buhay, kaya Siya namumuhay sa ganap na ordinaryong pagkatao ay dahil ang Kanyang pagkatao ay hindi pa kayang panatilihin ang kabuuan ng banal na gawain, hindi pa gumugulang; matapos gumulang ang Kanyang pagkatao, saka lamang Siya nagkaroon ng kakayahang balikatin ang Kanyang ministeryo, nakayanan Niyang magsimulang gampanan ang ministeryong dapat Niyang isagawa. Dahil kailangan Niya, bilang katawang-tao, na lumaki at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay yaong sa normal na pagkatao—samantalang sa pangalawang yugto, dahil kaya ng Kanyang pagkatao na isagawa ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng Kanyang ministeryo ay parehong sa pagkatao at sa ganap na pagka-Diyos. Kung, mula sa sandali ng Kanyang pagsilang, masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng higit-sa-karaniwang mga tanda at himala, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na diwa. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang pagkatao para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na diwa; hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao nang walang pagkatao, at ang isang taong walang pagkatao ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang pagkatao ng laman ng Diyos ay isang tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos lubos Siyang banal, at hindi talaga tao,” ay kalapastanganan, sapagkat wala talagang ganitong pahayag, at lumalabag ito sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit matapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, namumuhay pa rin Siya sa Kanyang pagka-Diyos na may katawan ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; kaya lamang, sa panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang sa layuning tulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan sa gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang gumagawa, subalit ang pagka-Diyos na ito ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; sa totoo lang, ang Kanyang gawain ay ginagawa ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang nagsasagawa ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Masasabi ng isang tao na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may katawan ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha, nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama’t lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap mahiwatigan. Dahil naipapahayag lamang ang Kanyang pagka-Diyos kapag Siya ay may pagkatao, at hindi higit-sa-karaniwan na tulad ng iniisip ng mga tao, napakahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon, hirap na hirap ang mga tao na arukin ang totoong diwa ng Diyos na nagkatawang-tao. Kahit matapos Akong magsalita nang napakahaba tungkol dito, inaasahan Ko na isa pa rin itong hiwaga sa karamihan sa inyo. Sa katunayan, napakasimple ng isyung ito: Dahil naging tao ang Diyos, ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, Diyos Mismo sa lupa.
Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na pagkatao at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na aktibidad. Masasabi ng isang tao na ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay umiiral upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung ang katawang-taong ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawang-tao, at hindi maaaring isakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao. Bagama’t ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng normal na pag-iisip ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng kaisipan ng tao; ginagawa Niya ang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip, sa ilalim ng kundisyon na magtaglay ng pagkataong may pag-iisip, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na kaisipan ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nababahiran ng lohika o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng pag-iisip ng Kanyang katawang-tao, kundi isang direktang pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang buong gawain ay ang ministeryong kailangan Niyang tuparin, at walang anuman dito ang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pag-iisip bilang tao, at hindi maaaring makamtan ng sinumang tao na may pag-iisip ng tao. Gayundin, ang gawain ng panlulupig ngayon ay isang ministeryong kailangang isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawaing dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawaing hindi kayang gawin ng sinumang taong may laman. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay kailangang magtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, kailangang magtaglay ng normal na pagkatao, dahil kailangan Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.
Bago isinagawa ni Jesus ang gawain, namuhay lamang Siya sa Kanyang normal na pagkatao. Walang sinumang makapagsabi na Siya ang Diyos, walang sinumang nakaalam na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang Kanyang lubos na ordinaryo at normal na pagkatao ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ang kapanahunan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang kapanahunan ng gawain ng Espiritu. Patunay ito na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na nagkatotoo sa katawang-tao, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isasagawa ng Kanyang katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang “maging totoo” ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao. Sa una Niyang pagkakatawang-tao, kinailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, dahil ang Kanyang gawain ay tumubos. Upang matubos ang buong lahi ng tao, kinailangan Niyang maging mahabagin at mapagpatawad. Ang gawaing Kanyang ginawa bago Siya ipinako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at karumihan. Dahil ito ang Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang pagalingin ang maysakit, sa gayon ay nagpapakita Siya ng mga tanda at himala, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon—sapagkat ang Kapanahunan ng Biyaya ay nakasentro sa pagkakaloob ng biyaya, na isinasagisag ng kapayapaan, kagalakan, at materyal na mga biyaya, lahat ay palatandaan ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus. Ibig sabihin, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya ay mga likas na abilidad ng katawang-tao ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga ito ay gawain ng Espiritung naging totoo sa katawang-tao. Ngunit habang nagsasagawa Siya ng gayong gawain, namuhay Siya sa katawang-tao, at hindi nangibabaw sa katawang-tao. Anumang mga pagpapagaling ang Kanyang isinagawa, taglay pa rin Niya ang normal na pagkatao, namuhay pa rin ng normal na buhay ng tao. Kaya Ko sinasabi na sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isinagawa ng katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu, ay dahil anumang gawain ang Kanyang ginawa, ginawa Niya iyon sa katawang-tao. Ngunit dahil sa Kanyang gawain, hindi itinuring ng mga tao na ang Kanyang katawang-tao ay nagtataglay ng ganap na pisikal na diwa, sapagkat ang katawang-taong ito ay kayang gumawa ng mga himala, at sa tiyak na espesyal na mga sandali ay kayang gumawa ng mga bagay na nangibabaw sa laman. Siyempre, lahat ng pangyayaring ito ay naganap pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, gaya ng pagsubok sa Kanya sa loob ng apatnapung araw o pagbabagong-anyo sa bundok. Kaya kay Jesus, ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi natapos, kundi bahagi pa lamang ang natupad. Ang buhay na Kanyang ipinamuhay sa katawang-tao bago Siya nagsimula sa Kanyang gawain ay lubos na normal sa lahat ng aspeto. Matapos Niyang simulan ang gawain, pinanatili lamang Niya ang panlabas na katawan ng Kanyang laman. Dahil ang Kanyang gawain ay isang pagpapahayag ng pagka-Diyos, nahigitan nito ang normal na mga tungkulin ng laman. Kunsabagay, ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay iba sa mga taong may laman at dugo. Siyempre, sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, kinailangan Niya ng pagkain, damit, tulog, at tirahan, kinailangan Niya ang lahat ng normal na pangangailangan, at nagkaroon Siya ng pakiramdam ng normal na tao, at nag-isip na gaya ng normal na tao. Itinuring Siya ng mga tao na isang normal na tao, kaya lamang ay higit-sa-karaniwan ang gawaing Kanyang ginawa. Ang totoo, anuman ang Kanyang ginawa, nabuhay Siya sa isang ordinaryo at normal na pagkatao, at sa ganang pagsasagawa Niya ng gawain, ang Kanyang diwa ay lalo nang normal, ang Kanyang mga kaisipan lalo na ay malinaw, nang higit kaysa sa sinupamang normal na tao. Kinailangan ng Diyos na nagkatawang-tao na magkaroon ng gayong pag-iisip at pakiramdam, sapagkat ang banal na gawain ay kinailangang ipahayag ng isang katawang-tao na ang pakiramdam ay normal na normal at ang mga kaisipan ay napakaliwanag—sa ganitong paraan lamang maaaring ipahayag ng Kanyang katawang-tao ang banal na gawain. Sa buong tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon na nabuhay si Jesus sa lupa, pinanatili Niya ang Kanyang normal na pagkatao, ngunit dahil sa Kanyang gawain noong panahon ng Kanyang tatlo’t kalahating taon ng ministeryo, inakala ng mga tao na Siya ay lubhang nangingibabaw, na Siya ay lalo pang higit-sa-karaniwan kaysa rati. Ang totoo, ang normal na pagkatao ni Jesus ay nanatiling di-nagbabago bago at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo; ang Kanyang pagkatao ay pareho hanggang katapusan, ngunit dahil sa pagkakaiba bago at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, dalawang magkaibang pananaw ang lumitaw tungkol sa Kanyang katawang-tao. Anuman ang isipin ng mga tao, pinanatili ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang orihinal at normal na pagkatao sa buong panahon, sapagkat mula nang magkatawang-tao ang Diyos, namuhay Siya sa katawang-tao, ang katawang-taong may normal na pagkatao. Isinasagawa man Niya noon ang Kanyang ministeryo o hindi, hindi maaaring mabura ang normal na pagkatao ng Kanyang katawang-tao, sapagkat ang pagkatao ang pangunahing kakanyahan ng laman. Bago isinagawa ni Jesus ang Kanyang ministeryo, nanatiling ganap na normal ang Kanyang katawang-tao, na sumasali sa lahat ng ordinaryong aktibidad ng tao; kahit bahagya ay hindi Siya nagmukhang higit-sa-karaniwan, hindi nagpakita ng anumang mahimalang mga tanda. Noon, isa lamang Siyang napaka-karaniwang tao na sumamba sa Diyos, bagama’t ang Kanyang pagsisikap ay mas matapat, mas taos-puso kaysa kaninuman. Ganito Niya naipakita na lubos na normal ang Kanyang pagkatao. Dahil wala Siyang ginawang anumang gawain bago Niya tinanggap ang Kanyang ministeryo, walang sinumang nakabatid sa Kanyang identidad, walang sinumang makapagsabi na ang Kanyang katawang-tao ay naiiba sa lahat ng iba pa, sapagkat hindi Siya gumawa ng kahit isang himala, hindi Siya nagsagawa ng kahit katiting na sariling gawain ng Diyos. Gayunman, matapos Niyang simulang isagawa ang Kanyang ministeryo, pinanatili Niya ang panlabas na katawan ng normal na pagkatao at namuhay pa rin nang may normal na pangangatwiran ng tao, ngunit dahil sa nasimulan na Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, tanggapin ang ministeryo ni Cristo at gawin ang gawaing hindi kaya ng mortal na mga nilalang, mga taong may laman at dugo, inakala ng mga tao na wala Siyang normal na pagkatao at hindi isang ganap na normal na tao, kundi isang di-ganap na tao. Dahil sa gawaing Kanyang isinagawa, sinabi ng mga tao na Siya ay isang Diyos sa katawang-tao na walang normal na pagkatao. Mali ang gayong pagkaunawa, sapagkat hindi maintindihan ng mga tao ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang maling pagkaunawang ito ay umusbong mula sa katotohanan na ang gawaing ipinahayag ng Diyos sa katawang-tao ay ang banal na gawain, na ipinahayag sa isang katawang-tao na nagkaroon ng normal na pagkatao. Ang Diyos ay nakabihis sa katawang-tao, nanahan sa loob ng katawang-tao, at ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkatao ay nagpalabo sa normalidad ng Kanyang pagkatao. Dahil dito, naniwala ang mga tao na ang Diyos ay walang pagkatao kundi pagka-Diyos lamang.
Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos ang pagkatao ni Cristo. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng isang tao ng laman ang Kanyang pagkatao. May sarili Siyang namumukod-tanging katangian, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. Walang kahinaan ang pagka-Diyos Niya; tumutukoy sa Kanyang pagkatao ang kahinaan ni Cristo. Sa ilang antas, napipigil ng kahinaang ito ang pagka-Diyos Niya, ngunit nakapaloob sa isang tiyak na saklaw at oras ang gayong mga takda, at hindi walang hangganan. Pagdating ng oras upang isakatuparan ang gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ginagawa ito nang hindi alintana ang pagkatao Niya. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinangangasiwaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakagagambala sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay tiyak na tiyak na dahil pinangangasiwaan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t hindi nagkagulang ang pagkatao Niya sa kung paano ito umaasal sa iba, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi pa nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay maaaring tuwirang atasan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, na Siya ay nagtataglay ng mas higit na katuturan kaysa sa taglay ng karaniwang tao. Nababagay nang higit sa lahat ang pagkatao Niya na mapangasiwaan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya nakakaligtaan ang tungkuling dapat tuparin ng tao sa laman; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Nangyari lamang na dumating Siya sa lupa at naging isang nilikhang katauhan na may panlabas na balat ng isang nilikhang katauhan, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang katauhan ng Diyos Mismo at walang katulad sa tao. Ang pagkakakilanlan Niya ay Diyos Mismo. Sumasamba Siya sa Diyos mula sa pananaw ng katawang-tao; samakatuwid, ang mga salitang “Sumasamba si Cristo sa Diyos sa langit” ay hindi mali. Ang hinihingi Niya sa tao ay ang mismong Sarili Niyang katauhan; natamo na Niya ang lahat ng Kanyang hinihiling sa tao bago ang paghiling ng ganoon sa kanila. Hindi Siya kailanman gagawa ng mga hiling sa iba samantalang Siya Mismo ay malaya mula sa mga ito, dahil ang lahat ng ito ang bumubuo sa Kanyang katauhan. Paano man Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraang sumusuway sa Diyos. Anupaman ang hilingin Niya sa tao, walang hiling na lalagpas sa kayang matamo ng tao. Ang lahat ng ginagawa Niya ay yaong tumutupad sa kalooban ng Diyos at alang-alang sa Kanyang pamamahala. Higit sa lahat ng mga tao ang pagka-Diyos ni Cristo; samakatuwid, Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng mga nilikhang katauhan. Ang pagka-Diyos Niya ang awtoridad na ito, ibig sabihin ay ang disposisyon at katauhan ng Diyos Mismo, na tumutukoy sa Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, gaano man kakaraniwan ang pagkatao Niya, hindi maikakaila na nasa Kanya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; sa kung anumang pananaw man Siya nagsasalita at paano man Siya sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihin na hindi Siya ang Diyos Mismo.
Hinango mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Inihayag ng nagkatawang-taong Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng Kanyang pagpapahayag sa kalooban at disposisyon ng Diyos, ibinunyag rin Niya sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahahawakan na nananahan sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo sa anyong nahahawakan, na gawa sa laman at dugo. Kaya ginawa ng nagkatawang-taong Anak ng tao ang mga bagay tulad ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, katayuan, imahe, disposisyon ng Diyos, at ng kung anong mayroon at kung ano Siya, na kongkreto at nagawang makatao. Bagaman mayroong ilang limitasyon ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao hinggil sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung anong mayroon at kung ano Siya ay lubos na kayang kumatawan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos Mismo—mayroon lang ilang pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi natin maitatanggi na kinatawan ng Anak ng tao ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos Mismo, kapwa sa anyo ng Kanyang pagkatao at sa Kanyang pagka-Diyos. Sa panahong ito, gayunpaman, gumawa ang Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan nang may pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na makaharap at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa sangkatauhan. Pinahintulutan din nito ang kabatiran ng mga tao sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng pagpapakumbaba, gayundin ang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at pakahulugan sa pagiging-tunay at realidad ng Diyos. Bagaman ang gawaing natapos ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan ng paggawa, at ang pananaw kung saan Siya nagsasalita ay naiiba sa tunay na persona ng Diyos sa espirituwal na dako, ang lahat tungkol sa Kanya ay tunay na kumatawan sa Diyos Mismo, na hindi pa kailanman nakita ng sangkatauhan noon—hindi ito maitatanggi! Ibig sabihin, sa anumang anyo nagpapakita ang Diyos, sa alinmang pananaw Siya nagsasalita, o sa anumang imahe Niya hinaharap ang sangkatauhan, walang ibang kinakatawan ang Diyos kundi Siya Mismo. Hindi Siya maaaring kumatawan sa sinumang tao, ni sa sinuman sa tiwaling sangkatauhan. Ang Diyos ay ang Diyos Mismo, at hindi ito maitatanggi.
Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Humahawak ng awtoridad ang mismong pinakadiwa ng Diyos, ngunit nagagawa Niyang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng laman, hindi sumasalungat ang isa sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Nagtataglay din ng awtoridad ang katawang-taong may diwa ng Diyos, ngunit maaaring gawin ng Diyos sa katawang-tao ang lahat ng gawaing sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Hindi ito matatamo o maiisip ng sinumang tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, ngunit maaaring magpasakop ang katawang-tao Niya sa Kanyang awtoridad. Ito ang ipinahihiwatig kapag sinasabing “Sumusunod si Cristo sa kalooban ng Diyos Ama.” Isang Espiritu ang Diyos at makakayang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng maaaring maging tao ang Diyos. Sa ano’t anuman, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng sarili Niyang gawain; ni hindi Siya nang-aabala o nanghihimasok, lalong hindi Siya nagsasakatuparan ng gawaing sumasalungat sa mismong gawain, dahil magkatulad ang diwa ng gawaing ginagawa ng Espiritu at ng katawang-tao. Espiritu man ito o ang katawang-tao, gumagawa ang dalawa upang tuparin ang isang kalooban at upang pamahalaan ang kapwa gawain. Bagama’t may dalawang magkaibang katangian ang Espiritu at ang katawang-tao, magkatulad ang kanilang mga diwa; kapwa sila may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Hindi nagtataglay ang Diyos Mismo ng mga sangkap ng pagsuway; mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal. Kahit sa katawang-tao, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang sumusuway sa Diyos Ama. Maging kabayaran man ang paghahain ng Kanyang buhay, buong puso Siyang handa na gawin ito, at wala na Siyang ibang pipiliin. Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng kabuktutan. Nagmumula kay Satanas ang lahat-lahat ng sumusuway sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kabuktutan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kahalintulad ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at nilinang na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang inaangkin, at wala sa mga katangian ni Satanas. Gaano man kahirap ang gawain o gaano man kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang nabubuhay Siya sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na tatalikdan sa pagsuway ang kalooban ng Diyos Ama. Higit pa Niyang pipiliin na magdusa ng mga pasakit ng laman kaysa ipagkanulo ang kalooban ng Diyos Ama; tulad ito ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama, kung maaari, hayaan Mong lumampas mula sa Akin ang sarong ito: gayon man hindi ayon sa kalooban Ko, kundi ang ayon sa kalooban Mo.” Gumagawa ng sarili nilang mga pagpipilian ang mga tao, ngunit hindi si Cristo. Bagama’t mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahangad pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Isang bagay ito na hindi maaaring matamo ng tao. Ang nanggagaling kay Satanas ay hindi maaaring magkaroon ng diwa ng Diyos; maaari lamang itong magkaroon ng isang sumusuway at lumalaban sa Diyos. Hindi ito ganap na makasusunod sa Diyos, lalo na ang kusang loob na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng mga tao maliban kay Cristo ay maaaring gawin iyang lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tao ang tuwirang makagagawa sa gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; wala ni isa ang makakayang ituring ang pamamahala ng Diyos bilang sarili niyang tungkuling gagampanan. Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ang diwa ni Cristo; katangian ni Satanas ang pagsuway sa Diyos. Hindi magkaayon ang dalawang katangiang ito, at hindi matatawag na Cristo ang sinumang may mga katangian ni Satanas. Ang dahilan na hindi magagawa ng tao ang gawain ng Diyos bilang kahalili Niya ay dahil walang anumang diwa ng Diyos ang tao. Gumagawa ang tao para sa Diyos alang-alang sa mga pansariling kapakinabangan at sa mga panghinaharap na pag-asam ng tao, ngunit gumagawa si Cristo upang gawin ang kalooban ng Diyos Ama.
Hinango mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang pinakamataas; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din, ang Kanyang katawang-tao ay pinakamataas, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang magagawa lamang ng katawang-taong ito ay yaong matuwid at makakabuti sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan; wala Siyang kakayahang gumawa ng anumang bagay na labag sa katotohanan, na labag sa moralidad at katarungan, at lalong wala Siyang kakayahang gumawa ng anuman na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ay hindi magagawang tiwali ni Satanas ang Kanyang katawang-tao; ang Kanyang katawang-tao ay naiiba ang diwa kaysa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Kaya, sa kabila ng katunayan na iisa ang espasyong tinitirhan ng tao at ni Cristo, ang tao lamang ang sinasapian, kinakasangkapan, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas magpakailanman, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan si Satanas kailanman na umakyat sa kataas-taasang lugar, at hindi magagawang lumapit sa Diyos kailanman. Ngayon, dapat ninyong maunawaang lahat na ang sangkatauhan lamang, na nagawa nang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin. Hindi magiging problema na masangkot si Cristo kahit paano sa pagkakanulo.
Hinango mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

277800824_2507315602734144_4072804562764110856_n.jpg

⏰2022年04月08日
✝神對人的要求與勸勉、安慰、警戒的話語

https://reurl.cc/g0KL84
(七)如何達到合格盡本分的話語
📖無論盡什麽本分都要尋求摸神的心意,知道神對這項本分的要求,這樣才能達到辦事有原則。盡本分絶不能憑個人喜好,自己願意怎麽做就怎麽做,怎麽做高興、舒適、臉面光彩就怎麽做。如果你把個人的喜好强加在神的身上,把個人的喜好當成真理來實行,當成真理原則來守,這就不是盡本分了,這樣的盡本分神不紀念。有的人不明白真理,不知道什麽是盡好本分,他覺得自己盡過心、盡過力了,也背叛肉體受苦了,盡的本分就應該合格了,但為什麽神就總不滿意呢?他這是錯在哪兒了?他就錯在不尋求神的要求,盡憑自己的意思去做,他把自己的意願、喜好、私心當成真理了,當成是神所喜愛的,當成是神的標準、神的要求了。把自己認為對的、好的、美的東西當成是真理,這是錯誤的。其實,有些時候即使人認為是對的,是合乎真理的,也不一定合神心意。越是人看為對的時候,越應該謹慎自己、尋求真理,看看是不是神的要求,如果與神的要求正好相違背,與神話相違背,那你認為對也不行,那是人的認為,再對也不一定合乎真理,對錯得有神話根據才行,没有神話根據的再對也得放弃。本分是什麽?是神給人的托付。那應該怎麽盡本分?按着神的要求、神的標準,按着真理原則去作,不是按照人的主觀意願去作,這樣盡本分就合格了。
——《末世基督座談紀要・尋求真理原則才能盡好本分》
📖有些人盡本分無論臨到什麽問題都不尋求真理,總按着自己的想法、觀念、想象、意願做事,從始到終都是在滿足自己的私欲,都是敗壞性情在支配他做事,雖然給他安排的本分他盡完了,但是他并没有得着真理。那他是憑着什麽盡本分的?他不是憑真理,不是依靠神,他所明白的那點真理没有在他心裏作主權,他是靠着自己的恩賜、能力,靠着自己所學的知識、才能,也是靠着自己的毅力或者好心把這個本分完成的。這是盡好本分了嗎?這是合格的盡本分嗎?雖然有些時候憑着天然、想象、觀念、知識、學問盡本分,做有些事也不出什麽原則性問題,表面上看似乎是没有走錯路,但是有一件事是不能忽略的,如果在盡本分的過程當中,你的觀念想象、你的己意從來都没有得到改變,從來都没有用真理來代替,你所做所行的從來都不是按着真理原則,那最終的結果是什麽?你成效力的了。這就是聖經中記載的「當那日,必有許多人對我説:『主啊,主啊,我們不是奉你的名傳道,奉你的名趕鬼,奉你的名行許多异能嗎?』我就明明地告訴他們説:『我從來不認識你們,你們這些作惡的人,離開我去吧!』」(太7:22-23)神為什麽稱這些出力、效力的人是作惡的人?有一點是可以肯定的,就是這些人不管盡什麽本分、作什麽工作,他們的動機、源頭、存心、想法完全是出于私欲,完全是根據自己的意思、個人的利益,完全就是圍繞自己的臉面、地位、虚榮、前途這些考慮、打算的,他們心裏没有真理,也不按真理原則做事。所以,你們現在關鍵該怎麽追求呢?(尋求真理,按照神的心意、神的要求盡本分。)按照神的要求盡本分的細節是什麽?做事的時候你有什麽存心、有哪些想法,你得會分辨這是合真理的還是不合真理的,是為了私欲還是為了神家的利益。如果合真理,你可以隨着自己的思路去做,如果不合真理,那你就得趕緊回頭,放弃這條路,這條路是錯路,不能這麽行,如果這麽走下去就成作惡了。
——《末世基督座談紀要・如何在盡本分中經歷神的話語》

269896177_1540688806269875_2437038053329425755_n.jpg

卢台长 【 学会放弃才会得到更多的成功 】
https://reurl.cc/dXRGWM

sddefault - 2022-04-08T133304.130.jpg

【181013 美国纽约 卢台长看图腾】女士一直呕吐,台长一语道破因肠道息肉很多。家族杀业,梦境提示随时走人。~ 心灵法门
https://reurl.cc/nEknV1

sddefault - 2022-04-08T123123.601.jpg

⛱ 凡事都顺其自然 ⛱
如果我们不执著,世间的一切物质名利,就不被物质名利所控制;因为追求这些感官之物,我们才会变得不快乐…
一切无常,无物会永驻,请记得:一切皆虚幻,人生如梦随风散,梦醒,一切聚散,喜忧皆是缘。
人生就是一个苏醒旅程,此刻迷离,转眼就清晰;这一刻您不能宽恕的人,下一刻就会得到您原谅;这一刻不能接受的事实,下一刻就变得容易理解。
如果心里有阳光,雨天也是一种浪漫;如果心里下着雨,晴天也是一种遭罪。
人生快乐不快乐看心情,心情好不好就要看心态。人生不如意事常八九,快乐的人不是没痛苦,只是他们都修炼了,一颗强大的心,因而不被痛苦所左右。
拥有足够强大的内心,生活就无法左右您,而是您可以驾驭生活。
心态是心灵的窗口,决定我们看到的世界。
如果您要把世界看清,就请别装上有色的玻璃,让您的心灵保持纯净。
如果您想把世界看全面,就请让窗子开大一点点,让您的心变得更宽广。
如果您想要欢乐,请关上灰暗的窗户,让您的心面对光明。
如果您想要幸福,请远离尘世的烦杂,让您的心变得简单。
不与别人盲目攀比,自己就会悠然自得;不把目标定得太高,自己就会欢乐常在;不要刻意追求完美,自己就会远离痛苦;不要时时苛求自己,自己就会活的自在;不要时常吹毛求疵,自己就会轻轻松松。
人生的每一步行来,都是需要付出代价的,事无所祈,心有坚毅,任何事情,总有结果,与其烦恼,忧郁度日,不如凡事都顺其自然。

277798067_7431097840264855_4440452035953595803_n.jpg

🎵 睡前一听✨[白话佛法]✨忧伤会过去,烦恼也会过去
https://reurl.cc/VjKNvQ 

246817538_389952066114074_3824946383623921554_n.jpg

每日神話 - 神的性情與所有所是系列 選段253 https://reurl.cc/oelV1D
  神所作的每一件事意義都相當深,就像耶穌釘十字架,為什麽要釘十字架?不就是為了救贖全人類嗎?這次道成肉身體嘗人間痛苦也是相當有意義的,是為了人類以後美好的歸宿,神作的工作都是最現實的。為什麽神看人現在是無罪的,人能有幸來到神面前?就是因為耶穌釘十字架擔當了人的罪,把人贖回來了。為什麽人類以後一點痛苦也没有了,没有憂傷、没有眼泪、没有嘆息?因為神這次道成肉身把這些痛苦都擔當了,這些苦都替人受完了。就像一個做母親的看見兒女生病了,就祈禱上蒼,寧願自己少活幾年來代替兒女的病痛,神作工也是如此,用他的苦换來以後人類美好的歸宿,人類以後没有憂傷、没有眼泪、没有嘆息、没有痛苦。神是用親自體嘗人間痛苦這個代價、這個付出换來人類以後美好的歸宿。「换」不是説神没有權力、没有能力,而是神要找出更實際、有力的證據讓人心服口服。神自己已經體嘗過這些苦了,所以他有資格、有能力更有權把人類帶入美好的歸宿裏,賜給人類美好的歸宿與應許,撒但也心服口服,全宇上下的受造之物也都心服口服,最後都承受神對人類真實的愛。神作的一切都實實際際,不是空洞的,乃是他自己親身體嘗的。神用自己體嘗痛苦的代價來换取人類的歸宿,這是不是實際的工作?父母為了兒女有誠懇的代價,代表父母對兒女的疼愛,神道成肉身這麽作,當然對人類也是最誠懇的、最信實的。神的實質是信實的,他既説必作,既作必成。他對人所作的一切都是誠懇的,不是只説話,而是説付代價他就實際地付代價,説擔當人的苦、説代替人受痛苦他就實際地來在人中間生活感受這些痛苦,親身體嘗這些痛苦,之後讓全宇之上下的萬物都能承認神作的都對、都公義,神作的都現實,這是一個有力的證據。另外,人類以後有美好的歸宿,剩存下來的人都得贊美神,贊美神作的對人確實是愛。神來人間降卑為一個正常的人,不是作作工、説説話之後就走了,乃是實實際際地來在人間體嘗人間痛苦,這些痛苦都體嘗完了之後他才走。神作工作就這麽現實、這麽實際,剩存下來的人都會因此來贊美神,讓人看見神對人的信實、看見神善良的一面。從道成肉身這方面的意義就能看見神美善的實質,他作哪件事都是誠懇的,説每一句話都是誠懇的,都是信實的,他要作的事都實實際際地作,要付代價也實實際際地付代價,不是只説話。神是公義的神,神是信實的神。
                                                                                                      ——摘自《基督座談紀要》

https://reurl.cc/12DXoD

mqdefault - 2022-04-08T215846.099.jpg
觀看更多神話語朗誦視頻:https://reurl.cc/xOdp9V
每日神話 - 認識神系列
https://reurl.cc/AKx6OK
每日神話 - 三步作工系列
https://reurl.cc/Qj05bO
每日神話 - 生命進入系列
https://reurl.cc/ZrDZ1a
基督徒的經歷見證《盡本分應該見證神》
https://reurl.cc/Go75XG
https://reurl.cc/9OM6RV

基督教會電影《對得救的思考》一位教會長老迎接到主再來走上進天國的路
https://youtu.be/nM6-jj0T4aI
基督教會電影《叩門》末世如何迎接到主耶穌再來 
https://youtu.be/FL-mPfPCpB0

sddefault - 2022-04-08T220541.086.jpg
✨🎵 🎵 睡前一听✨卢台长说[白话佛法]钱财是身外之物,要放得下,不要去求
https://reurl.cc/bkM3md

271805288_470860467751742_8882130353077032544_n.jpg
#MakapangyarihangDiyos
Tagalog Christian Testimony Video | "Mga Aral na Natutunan sa Pagyayabang"
https://reurl.cc/Y9L4Vn
#MakapangyarihangDiyos

Tagalog Christian Testimony Video | "Ang mga Pinsala ng Inggit"
https://reurl.cc/9OM6vV
#MakapangyarihangDiyos

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Matuwid na Paghatol ng Diyos Papalapit na sa Buong Sansinukob"
https://reurl.cc/9OM63x

sddefault - 2022-04-08T221503.597.jpg

佛光山梵唄 《普門品》引領眾生走進觀世音菩薩的慈悲智慧
https://reurl.cc/xOg7XN

277465426_1904111666439389_3903925775376608403_n.jpg

arrow
arrow
    全站熱搜
    創作者介紹
    創作者 人間過客 的頭像
    人間過客

    a118390的部落格

    人間過客 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()